Chapter 4

26 0 0
                                    

Lumipas na ang summer at ang summer classes namin. Ngunit di pa naman balik skwela dahil sa calendar shifting ng paaralan namin kaya may isa at kalahating buwan pa kaming break.

Ngunit yong mga buwan din yon itinakda ang pag-oOJT ng batch namin na kumukuha ng Sikolohiya.

Habang papalapit ang araw na yon ay di ko parin pinapaalam sa kanya.

Hangang sa isang linggo na lang ang hihintayin ay sinabi ko sa kanya sa pamamagitan ng pagtawag ko sa kanya.

Riiiiiiing.....riiiiiing.....

Agad naman niyang sinagot.

"hello, kuya good morning and i miss you."

"ate, mag-oOJT na kami..."ngunit di ko natapos.

"saan naman" yong boses nyang parang nalulungkot.

"medyo malayo-layo ate".

"then?"

"don't worry tatawag ako sayo palagi."

Biglang tumahik ang paligid, magsasalita na sana ako para maputol ang katahimikan ngunit di ko na namalayan na binaba na pala niya.

"hay, nagtatampo na naman sya".

Ilang beses ko ring sinubukang tawagan ulit ngunit di na nya sinasagot.

Hayan nakatungo na lang ako sa isang tabi, nag-iisip ano ang magandag gawin para mapawi ang inis nya.

Napahiga na lang ako sa higaan at inaaliw ang sarili sa pakikinig ng mga relihiyosong tugtugin.

"Lord make everything's right".
Sambit ko sa Kanya." i don't want to leave with my mind is still in trouble."

"Dami ko namang mamimiss, my parents, friends and the things i usually do. Mayroon pang nagtatampo." "hayy" buntong hininga ko dahil sa dami ng inaalala habang isa-isa kong tinitigan ang bawat sulok ng kisami namin sa kwarto ko.

Knock.. Knock.. knock..

Biglang napatol ang pag-iisip ng may nagbukas ng pinto.

"ikaw pala ma."

"natutulog ka ba?"

"di naman po"

"umpisahan mo ng mag-ayos-ayos ng mga gamit mo, para di kana magmamadali sa pag-iipaki sa araw ng pag-alis mo." sabay abot nya sa isang malitang di naman kalakihan para masidlan ko ng mga damit.

"opo ma." sabay bangon mula sa pagkakahiga ko sa higaan.

At agad na nag-aayos ng mga dadalhing gamit ngunit may halong lungkot ang nadarama.

I AM YOURS ( DIVINE LOVE 2)Where stories live. Discover now