Chapter 5

26 0 0
                                    

Heto na, dumating na ang araw ng pangingibang bansa ko, ay este pangingibang bayan pala para sa ojt namin.

Magkahalong emosyon ang nadarama. Di ko tuloy maintindihan, inaaliw ko na lang sarili ko sa panunood ng mga anime habang naghihintay sa oras ng pag-alis namin.

Ni isang text o tawag ay wala akong natanggap mula sa kanya. Di rin naman nya sinanasagot ang mga tawag ko sa kanya, kaya mas lalo akong nag-alinlangang umalis.

"hay nako, anu ba ang dapat kong gawin? Parang hindi buo itong loob ko sa pag-alis ko." bulong ko sa sarili. "umayos ka Fred, maayos din ang lahat, nagtatampo lang yon."

Dahil sa lalim ng aking pag-iisip hindi ko na tuloy na pansin ang mga bilin ng aking inay sa aking pag-alis. Parang lutang iyong pag-iisip ko na parang wala ako sa mundo. Hangang sa tinapik ni mama ang balikat ko.

"hijo, nakikinig kaba?"

"o-opo naman ma." pautal-utal kong sagot sa kanya.

"oh sya, magbihis kana, malapit na ang alis mo."

"sige po." sagot ko sa kanya sabay pasok sa aking kwarto. "medyo dalawang oras pala akong nawala sa sarili." bulong ko sa sarili sabay dampot ng maisusuot na damit.

Pagkatapos makapagbihis ay agad na akong nagpaalam pansamantala sa aking pamilya.

Dala-dala aking malita ay agad na akong pumara ng bus kasama ng aking ama na syang maghahatid sa akin sa pyer.

Lumipas ang ilang oras ay narating na namin ang pyer at agad na akong sumakay sa barkong naghihintay. Nandoon na rin ang mga kasamahan ko sa loob ng barko.

Masakit mang isipin na sa aking pag-alis ay di ko batid ang kasiyahan kundi ang kalungkutan, sapagkat di ko mawari na may taong di masaya sa aking paglisan.

Di ko parin sya matawagan at di rin nya ako tinitext o di kaya'y sa tawag man lang.

Hanggang sa dumating na kami sa lugar na aming pupuntahan. Nais ko sanang ibalita sa kanya ang kay gandang lugar ngunit di parin nya sinasagot ang tawag ko.

Kahit pati yong unang araw ko sa ojt di ko maibalita sa kanya. Kaya ang lahat ng ito'y inihatid ko sa kanya sa isang text message nagnanais na mabigyan man lang nya ng panahon upang basahin.

I AM YOURS ( DIVINE LOVE 2)Where stories live. Discover now