Chapter 7

42 0 1
                                    

Natapos na rin ang isa at kalahating buwan na ojt namin. Agad naman kaming umuwi sa aming lugar.

Hindi pa lang makadaong ang barko ay tanaw na namin ang kabuuan ng aming cotta shrine na sumisimbolo sa aming pananampalataya at makulay na history ng aming lugar.

Sinundo ako ng aking mga magulang ngunit di ako sinundo ng aking kasintahan.

Tila may kulang man pilit ko paring iniintindi ang kanyang sitwasyon baka maypinagkakaabalahan lang kaya di nya magawang sunduin ako.

Nakapag-isip tuloy ako na bago ako papasok muli sa seminaryo ay bibisitahin ko muna siya sa kanyang paaralang pinapasukan.

Lingid sa kanyang kaalaman ay binisita ko talaga sya. Laking tuwa nya na ako'y makita.

"kuya, hahahaha miss na kita" sabay yakap sa akin. Di mo sinabi na pupunta ka rito."

"gusto ko kasi na surprisahin ka. Buti na lang di ako yong na surprisa."

"bakit naman ikaw ang masurprisa?"

"baka may masaksihan ako na di ko gustong matuklasan."

"hmp, kailan ko ba magagawa yan sayo?"

"ewan." "o heto may pasalubong ako sayo di mo kasi ako sinundo."

"pasensya na busy lang po"

"okey lang, naiintindihan ko na man po"

"hmp, talaga lang?"

"opo, may pasok ka pa ba?"

"wala na po."

"sige maghahanap muna tayo ng mapagkainan."

"sige kuya, nagugutom na rin kasi ako."

"saan ba dito ang masarap?"

"doon na lang tayo kuya, masarap doon banda."

"sige ate, ikaw ang masusunod."

Magkasama kami hanggang dalawang oras dahil pagkatapos noon ay may pasok narin sya.

Pagpasok niya ay agad din akong nagpaalam na uuwi na.

Naging masaya rin naman ang araw na yon para sa amin na matagal-matagal ring di nagkita ang nakapag-usap ng personal.

Kinaumagahan noon ay bumalik na ako sa seminaryo upang ipagpatuloy ang huling taon ko sa aking college seminary formation.

Mula noon ay naging masigasig ako sa pag-aaral at nanatiling mabait at masunurin sa aking pormasyon.

At sa huling taon ko sa aking limang taon ko sa college formation, naging busy kami sa aming pag-aaral. Madalang na lang kami nagcocomunicate ni cherry. At dahil din don, may paminsan-minsan ding alitan ngunit naayos din naman namin.

Hanggang papalapit na pagtatapos paparami rin ang pagsubok. Papahirap din kami sa pagtimbang kong saan ba dapat kami nararapat.

Natapos narin kami sa pagkuha ng theological entrance exam. Mga apat na buwan din ang tinagal at natanggap na ng rector namin ang resulta. At napabilang ang pangalan ko sa pumasa. Mas lalong mahirap sa akin ang mag-decide dahil sa result. Maswerte pa yong di pumasa dahil they have their freedom to continue or not. Mas napamahal narin sa akin ang pagpapari at napamahal na rin ako sa kanya.

Ngunit di ko muna pinapaalam sa kanya dahil ayaw ko siyang masaktan. Ang lahat ng ito'y nakatago lang sa aking puso at pilit na tinitimbang kung sino at ano ang masmabigat, sabi nga ng iba, si Cristo ba o si Cristy; si Jesus o si Jesah.

I AM YOURS ( DIVINE LOVE 2)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα