Chapter 6

28 0 0
                                    

Magtatatlong araw na ako sa ojt ko ng sinagot niya ang tawag ko. Laking tuwa ko at tila abot langit ang nadarama. Agad akong lumabas ng opisina upang kausapin muna ang aking sinisinta.

"salamat, sinagot murin ang tawag ko ate." 😄 "na miss ko ang boses mo na kay lambing."

"ako rin kuya, na miss kita sobra. Pasensya talaga, nagtampo lang ako kaya di kita sinasagot. Pasensya talaga."

"okey lang ate, naiintindihan kita."

"mahal kita kuya. H'wag kang maghahanap ng iba djan hap."

"opo ate at tsaka kilala mo naman ako. Di ko naman magagawa yan sayo."

"hmp, dapat lang."

"opo ate, di ko lang ipapangako, gagawin ko talaga sapagkat yang pangako ay mapapako lamang kaya gagawin ko talaga."

"i love you kuya."

"i love you too ate. Sige ate babalik na muna ako sa aking trabaho baka mapapagalitan pa ako."

"sige kuya. Tumawag ka lang ulit mamaya."

"opo ate, i love you."

Naging ganon din kami araw-araw hangang sa mga linggong nagdaan. Sa tuwing vacant time ko ay tinatawagan siya at buong magdamag kausap ko rin sya.

Ngunit akala ko na ang ganong sitwasyon ang pangmatagalan. Dumating yong araw na sa tuwing tinatawagan ko siya batid ko na wala siyang gana. Minsan din ang kinakausap niya ako ilang minuto lang ay nagpapaalam na siyang matulog. Kahit na sa umaga'y ganoon din,  kinakausap lang nya ako saglit at magpapaalam ng may gagawin.

Ngunit kahit ganon paman nanatili parin ako sa aking naipangako sakanya.

Hanggang sa di inaasahang pagkakataon. Yaong tawag na yon ay muntikan ng magdudulot ng pagbabago.

"hello ate, i really miss you. Malapit ng matapos ang ojt ko rito makakauwi na rin ako. I love you ate."

"kalimutan mo na lang ako kuya."

Biglang ng lumo ang pakiramdam ko.

"bakit, anong ibig mong sabihin?"

"kalimutan mo na ako. Kalimutan mo na ang lahat ng meron tayo."

"bakit, ganun lang ba kadali iyon? Ganun lang ba kadali ang isang taon at kalahating buwan ng ating napagsamahan? May nagawa ba akong mali?"

"basta makakaya ko rin yan. Basta kalimutan mo na ako. Di ko na matiis ang ganito palaging magkalayo tayo."

"eh ano naman ngayon kung magkalayo tayo? Di ba nangako tayo na lahat titiisin natin? Pwera na lang kung may iba ka na ate. Sabihin mo sa akin, may iba ka na ba?"

"wala akong iba!! Di ko na kaya, give up na ako."

"kapit lang ate malalampasa natin to. Have faith in me ate. Nasaan na yong pangakong walang bibitaw at tsaka pag-ang isa ay mawawalan ng lakas ng loob, yong isa ang syang magpapalakas ng loob upang maiwasan na may bibitaw?"

Tumahik lang sya sa kabilang linya.

"ate?"

"ate?"

Ilang beses ko rin syang tinawag ngunit walang sagot kahit naka-open parin ang kabilang linya.

Hanggang may mahinang boses akong narinig.

"pasensya ka na, napaghinaan ako ng loob. I almost give up kasi di ko na kaya. Salamat at nandyan ka palagi para di ako bitiwan. Salamat mahal na mahal kita."

Nagbalik ang dating kami. Kung ano kami sa simula lahat ng yon ay nanumbalik. Laking pasalamat ko na lang sa Kanya na di Niya pinahintulotan na may mangyari sa amin.

I AM YOURS ( DIVINE LOVE 2)Where stories live. Discover now