2. They Ruin my family

217K 985 10
                                    

Blurry pa ang nakikita ko, pero alam ko na nasa hospital ako.

I don't know if I'm goin' to smile or not when I saw Manang.

Mabilis siyang naglakad palapit sakin. "Nak, may masakit pa ba sayo? Nagugutom ka ba? Tatawagin ko lang ang doktor ha." 

---

Paglabas ng doctor ay tinanong ko si Manang kung ano ang nangyari,ang huling natatandaan ko lang ay sumakit ang ulo ko and that's it.

"Yung kasama mo sa trabaho na si Veron. Tinawagan niya ako kaagad. Naku bata ka." alalang sabi sakin ni Manang.

Si Manang Sylvia, siya ang naging second Mom ko. Mabait at mapag aruga. Tinuring na rin niya ako na sariling anak niya.

Yung apo at manugang na lang niyang lalaki ang pamilya niya. Ang kaso lang ay nasa Singapore ang mga ito.

Naging bestfriend ko na rin si Manang. Sa mga photo albums nga, madalas ko siyang kasama sa picture.

Kapag may mga problema ako, nasasabi ko sa kanya at siya na rin ang nagbibigay sakin ng mga advices sa kung ano ang dapat kong gawin.

Alam niya kung ano ang ayaw at gusto ko. Halos buong buhay ko kasi kasama ko na si Manang. Siya ang naging yaya ko nung maliit pa ako, at kahit ngayon na nasa hustong gulang na ako.

Matagal na samin si Manang, siya nga rin ang naging yaya ni Papa. Kaya naman parang nanay na talaga namin siya.

Naalala ko pa nung mga panahon na kailangan ko ng magulang, si Manang ang nandyan pa rin para sakin.

Kaya nga hindi ko malaman kung ano ang irereact ko kanina pagka kita ko sa kanya. Ayaw ko na nag aalala siya. Ayaw ko na may problemahin pa siya.

Matanda na rin siya at ayoko na makisama sa mga alalahanin niya.

.

Okay na naman daw ako sabi ng doktor, pero bukas ng umaga pa raw ako pwedeng lumabas. May mga ilang test pa daw na kailangang gawin.

It's been 5 years of suffering.

5 years na kulang ang pagkatao.

5 years of searching on my real identity.

---

Nagtitimpla ng kape si Manang ng may kumatok sa pinto.

Si Veron.

"Hi, musta? Bakla ka, tinakot mo ko. Buti na lang at nandon si Sir Trevor. Kamusta na ang paki ramdam mo?" sabi niya habang naglalakad "Hi po." bati niya ng mapansin si Manang.

"S- si Sir Trevor?"

"Yup, he carried you when you fainted. How sweet..." tila ba nagpapantasya pa siya habang nagsasalita. "Babalik daw siya after ng meeting niya." tuloy pa niya nang naka taas pa ang isang kilay. "What's between you two?" tanong pa niya.

"Hoy. Anong what's between us? Malay ko, nawalan ako ng malay diba." sagot ko sa kanya sabay abot ng kape kay Manang. "Thanks Nang, kakain po ako mamaya. Promise."

"Promise yan ha. Lalabas lang ako para bumili ng makakain. Veron nak, ikaw muna ang bahala dyan ha. Huwag kayong pasaway." sabi ni Manang sabay tapik sa balikat ni Veron.

"OPO." sabay na sabi namin na sagot ni Veron.

"Oh ano na bakla? Usap usapan ka na rin kaya sa office. Sabi pa nila, hinawahan daw kita ng kalandian ko. Mga baliw na yun. Kaya nga umalis din ako kaagad eh."

"Huh? Bumalik ka pa ng office?" takang tanong ko sa kanya.

"Eh kasi sabi ni Sir Trevor, kunin ko na raw ang mga naiwang gamit mo. Sobra nga siyang mag alala sayo. Kaya nga ung iba na nakakita na binuhat ka ni Sir, nag isip na ng kung ano ano. Mga inggetera talaga yung mga yun."

Tinawanan ko lang siya sa sinabi niya.

Sir Trevor

I should not fall for his sweet gestures for me. It's not part of the plan.

---

Kaaalis lang ni Veron ng may itanong si Manang sakin. "Nak, may nangyari ba kanina kaya sumakit ang ulo mo?"

"Wala naman po, may naamoy lang po ako na familiar scent tapos sumakit na po yung ulo ko " sagot ko habang nakatuon parin ang mga mata ko sa t.v.

Paano kaya ako nito bukas? First day na first day, half day ako. Ano ba yan. Bakit kasi naamoy ko pa yung scent na yun. Lalo lang nakakasakit ng ulo.

"Okay lang ba Nak na uuwi muna ako. Kukunin ko lang mga gamit mo. Mga pamalit mo."

"Opo. Sige po. Pero madadala niyo po ba si Nixia dito?"

"Alam mo naman na hindi diba."

"Sige na nga po. Ingat po kayo sa byahe."

Sayang.

Miss ko na agad si Nixia.

---

Ilang minuto lang ang lumilipas ng may kumatok sa pinto, akala ko mga nagra rounds lang na mga nurse.

"How are you?" tanong niya. "You're alone?" tuloy pa niya nang mapansin na wala akong kasama sa kwarto

"Umuwi lang po sa bahay."

"Kailangan talagang may 'po'?"

Nginitian ko lang siya at nagsalita. "Ahm. Sir thank you po sa pagdala sakin dito. Pasensya na if naabala ko pa kayo."

He stared at me for a second and ask me, na nagpadagdag sa mga isipin ko.

"Hindi mo ba ako naaalala?"

"What do you mean Sir Trevor?"

He walked and sit sa katabing upuan ng hinihigaan ko. "Don't tell me you don't really recognize me. I know it's been years but for me, we made a perfect memory." Hindi ko siya maintindihan. "Sorry. Akala ko kasi unforgettable din ang mga panahon na yun para sayo. Nagkamali ako."

Nanatili lang akong naka titig sa kanya na naka kunot ang noo.

Oo, it was my plan to get in Monteclaro, pero hindi dahil kay Trevor.

Ano ba ang ibig niyang sabihin?

May dapat ba akong malaman? Nagka kilala na ba kami ni Sir Trevor noon?

I don't know.

All I know is,

THEY RUIN my family!

"If you don't remember that's all right. I should go, para makapag pahinga ka na. I'll settle the bill."

---

Pagdating ni Manang agad ko siyang tinanong tungkol sa mga Monteclaro.

I thought Manang could help me with this mystery, with this questions that making me crazy.

But I was wrong.

♥♥♥

Sex on the beachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon