8. I'm coming

117K 625 12
                                    

*January 2008

5 years ago*

"Happy New Year." sabay sabay naming  bati pagpatak ng alas dose ng bagong taon.

Nasa dinner table kami nina Papa, Mama at si Manang Sylvia.

"Dannica, your getting eighteen this year. Maybe this is the right time for you to enter the company." seryosong sabi ni Papa habang kumakain kami ng masasarap na putaheng inihanda nina Mama.

"Pero Pa, I'm still studying and one more thing I'm into fashion and not into construction." maarteng sagot ko kay Papa with matching raise of eyebrows pa.

"No, you'll start to work for the company and my decision is final."

Nawalan na akong kumain ng paborito kong macaroni salad na binalot sa lettuce sa sinabi ni Papa.

"Papa hindi ikaw ang magdedecide ng buhay ko. Anak mo ako at hindi utusan mo!"

Padabog akong tumayo at mabilis na tumakbo palabas ng bahay.

Mabuti na lang at palaging nasa bulsa ko ang susi ng kotseng regalo sakin nuong ng sixteen ako.

Pinaharurot ko ang kotse na para bang nagdra drag racing ako.

Lahat na lang ng gusto nila sinunod ko pati ba naman hanggang ngayon kailangan ko silang sundin?

No way.

But on the other hand, makakaganti ako sa mga Monteclaro if may alam ako sa construction.

Maybe entering the company is  not a bad choice.

Maybe this is the sign for me to be ready.

Medyo binagalan ko ang pagdra drive dahil sa ayaw ko namang makulong by over speeding.

Wala akong ibang mapupuntahan. Si Eun lang ang kaibigan ko. Pero umuwi sila ng Pilipinas. Buti pa siya. Suportado ang pamilya niya sa lahat ng gusto niya.

Paliko sa may park ay may mabilis na kotse ang nag overtake, nagulat ako sa biglang pagsulpot niya kaya naman muntik na akong mabunggo sa puno buti na lang at naka pag break ako.

Tumama ang ulo ko sa manibela at  dahil don ay sakit ng ulo ang inabot ko.

Lapastangan ang walanghiyang driver na yun. Dapat sa kanya ay igapos sa puno na puno ng mga antik.

Ibitin patiwarik o kaya ay isabit sa taas ng flag pole.

Isang itim na mustang.

TM33148

Magkikita tayong muli.

.

Nagpa umaga ako sa park para makapag- isip. Mali ang ginawa ko. Maling sinagot ko ng ganun si Papa.

I need to do something. Ayoko naman na magkagalit kami for the whole year.

Pero pag uwi ko sa bahay ay wala na si Papa. Nasa opisina na kahit unang araw ng taon ay trabaho pa rin ang inaatupag niya. Nakaka inggit minsan ang opisina niya, mas nakakasama pa niya ng matagal kesa samin ni Mama.

"Dee, baby san ka ba nanggaling?" si Mama na hawak ang cellphone niya. "Lahat na ata ng mga kaibigan mo natawagan ko na. San ka ba nagpunta?"

"Ma, si Eun lang po ang kaibigan ko." yumakap ako kay Mama at nagsumbong na parang bata. "Mamaaaa. Bakit ako? Ayaw ko sa construction. Mamaaaaaa."

"Baby, alam mo naman na ito lang ang maipapamana namin sayo. Hindi lang naman construction ang pwede mong pagka abalahan sa company. Kung gusto mo sa interior design ka, or sa HR, pwede ka rin naman sa accounting, baby the company is yours so you need to know everything about it."

Sex on the beachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon