5. Selective Amnesia

109K 709 17
                                    

Matapos kong maalala ang nagawa kong kagagahan ay mabilis akong nagbihis at umalis sa kwarto niya. Ni hindi man lang ako sumagot o nagkomento sa sinabi niya. Wala na akong mukhang maihaharap sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ko ba nasabi ang mga bagay na yun. Tila ba may narinig ako mula sa nakaraan na siyang nag udyok sakin para sabihin na halikan niya ako.

Haist.

Habang naglalakad pabalik sa kwarto namin ni Veron ay hindi ako mapakali. Mabilis ang tibok ng puso ko at kinakabahan.

Hindi pa ako nakakapasok sa kwarto ay rinig ko na ang tumutunog kong telepono.

"Yes. Nang. Magandang umaga po........... What???.... Nang tell me that everything is okay.... Pabalik na ko dyan..... Please paki bantayan po siya...." Shit. Shit. Shit.

Creak

"Hey, where are you going?" tanong ni Veron ng makita niya akong nagiimpake na ng gamit ko. Hindi ko pinansin ang tanong niya. Halos isalpak ko na ang lahat ng gamit ko sa loob ng travelling bag na dala ko. "And where the hell are you last night?" tuloy pa niya. "Care to share?" ayaw niya talag akong tigilan.

"Something came up. I need to go." yun lang ang sinabi ko at binitbit na ang bag ko.

Ready ng umalis ng resort kahit hindi pa ako naliligo, mas mahalaga na makabalik na ako ng Maynila ngayon.

Mas mahalaga na makita ko na okay na siya ngayon.

"Who told you na pwede kang umalis? May team building at seminar pa." nagulat ako ng si Sir Trevor ang magsalita at nakasandal sa pinto.

Ang gwapo pa rin niya kahit na wala sa ayos ang porma niya. Pero hindi ito ang panahon para pagpantasyahan ko siya. "But Sir...." simula ko.

"NO BUTS. YOU WILL STAY JUST LIKE THE OTHERS." maotoridad niyang sinabi at bago pa siya makatalikod ay tinuloy ko ng sinabi ang mga bagay na nagpatigil sa kanya at nagpatulala kay Veron na nasa gilid ko.

"MY DAUGHTER IS RUSHED IN THE HOSPITAL. FIRE ME IF YOU LIKE SIR!"

.

"Everything will be alright."

"Thank you Sir." sa labas ng bintana lang ako naka tingin. Matapos malaman nina Sir Trevor na dinala sa hospital ang anak ko ay siya na mismo ang nagvolunteer na magdrive sakin pabalik ng Maynila.

Tahimik ang buong biyahe. Gusto ko ng makita ang anak ko. Sana okay lang siya. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may masamang nangyari sa kanya. Please. Help my daughter.

Feeling ko wala ng katapusan ang highway na dinadaanan namin. Parang ang tagal ko ng naka upo sa passenger seat ng kotse ni Sir Trevor gayung halos isang oras pa lang ang nakakalipas.

Sa ganitong mga sitwasyon ko nakikita ang mga proyektong ginagawa ng gobyerno. Highway na nakaka iwas sa mga traffic. High way na tila ba wala ng hangganan sa haba.

Dalawang oras ang lumipas bago kami nakarating ng hospital kung nasaan ang anak kong si Nixia.

Ang sabi ni Manang noong tumawag ako ay patuloy pa rin ang mga tests na ginagawa sa kanya.

"Nang... Nang... What happened?" humahangos kong tanong kay Manang na nasa labas ng Emergency Room. "Tell me she's okay." nagsimula ng pumatak ang mga luha ko. "Nixia.... baby...." tahimik lang akong niyakap ni Manang.

Maging siya ay naluluha na rin sa pinagdadaan ng anak ko.

"Dan." tawag sakin ni Sir Trevor na nasa likuran na pala namin ni Manang. "Magkape ka muna. Hindi ka pa nagbebreakfast." bago ko pa maabot ang kape na inaalok niya ay may nakita ako sa likuran niya na lalong nagpa iyak sakin.

"Han....*sobs* Han....*sobs*"

Mabilis siyang naglakad palapit sakin at hindi napansin ang naka extend na kamay ni Sir Trevor kaya naman natapon ang kapeng hawak nito.

"Everything will be okay. Nixia is strong. Baby, just wait for the doctor okay." kalmadong sabi niya sakin.

Nakayakap ako sa kanya at tahimik na umiiyak sa dibdib niya ng maalala ko si Sir Trevor.

Pero pag angat ko para tingnan siya ay wala na siya sa kinatatayuan niya kanina.

Siguro ay umalis na at nagpahinga. Hindi man lang ako nakapag pasalamat ng maayos.

Nakakahiya natapon pa yung kape kanina.

Maya maya lang ay may dumating na maglilinis ng natapong kape at sinabing "Mam. Sabi po nung tumawag sakin para maglinis nito ay magreport na lang daw po kayo sa office kapag okay na raw po ang lahat."

Salamat naman at naiintindihan niya ako.

.

"Magpahinga ka na muna, ako na ang magbabantay sa kanya."

"Salamat Han pero babantayan ko si Nixia, gusto ko ako ang una niyang makita paggising niya."

"Hay. Totoo nga ang sabi ni Eun, pasaway ka parin."

"Nasaan na siya?" naka ngiti kong tanong sa kanya.

"Bukas pa siya makakapunta dito, nasa Cebu at may inaasikaso lang. Pinababantayan ka rin nga niya sakin."

Johan and Eun were engaged two years ago. They prefer to have a long engagement para daw mas makilala pa nila ang isa't isa.

Si Eun ang bestfriend ko simula pagka bata. Parehas kaming pinanganak sa America. Solong anak din siya, ang pagkaka iba nga lang close siya sa mga magulang niya.

Tulad ni Manang, diary ko na rin si Eun. Lahat ng mga nangyayari sakin ay alam niya.

Except for one thing.

Sino ang ama ni Nixia?

Tulad ng mga magulang ko, ni Manang, ni Eun, maging ang sarili ko walang nakaka alam kung sino ang ama ni Nixia.

Selective Amnesia.

February 15, 2008, nagising ako sa loob ng hospital, ng sobrang sakit ng ulo. Parang may kung sinong pumupukpok nito.

"MANANGGGGG. MY HEAD HURTS!!!!! MANANG..."

"Dee baby, just hold on okay, the doctor is coming. Ohhhh. My baby." nagulat ako na nandito si Mama.

Inikot ko ang paningin ko at nakita ko si Papa na naka tingin sakin. Lumapit siya at hinalikan ako sa noo.

"I'm sorry Dannica. I'm sorry baby." kung nagulat ako na nandito sila mas nagulat ako ng humingi ng sorry si Papa.

"Papa, I should be the one saying sorry. Papa. Sorry for what happened last night. I promise na hindi na po mauulit. Sorry kasi nasira ko po yung New Year nating lahat."nahihiya kong sabi kay Papa at sakto naman na nasa tabi na ng kama ko ang doctor.

Kumunot ang noo nina Mama at Papa sa sinabi ko.

"New Year?"

"Yes po Papa, diba umalis po ako after nating salubungin ang New Year dahil may nasabi akong masama sa inyo? Sorry po. I didn't mean that ."

Mahabang katahimikan ang dumaan ng magtanong ang doctor sakin.

"What is the date today Ms. Ruiz?"

"January 02 Doc."

Sa pagsagot kong iyon ay napa singhap silang lahat na nasa kwarto.

Matapos ipaliwanag sakin ng doctor ang sitwasyon ko isang balita ang nagpagulo sa aking isipan.

Ang sabi sakin nina Papa.....

....I'm six weeks pregnant.

From who???

I.

Myself.

Don't know too.

♥♥♥

Sex on the beachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon