14

1.1K 13 0
                                    

[Surgery]







Pumunta na ako sa office ko para makapaghanda na. Hindi ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko. Kakaiba. Hindi ko maipaliwanag.

Kahit kailan hindi ko pa ito nararamdaman, ngayon lang talaga. Kanino? Kay Jason? No, hindi pwede. Hindi talaga pwede. Sa tuwing nakakasama ko siya wala akong ibang nararamdaman kungdi kaba at takot. Hindi ko alam pero natatakot ako sa kanya, sa tuwing tinititigan niya ako, sa tuwing nasisilayan ko ang galit sa kanyang mukha. Kaba, na hindi naaalis kapag nagdidikit ang aming katawan, sa tuwing lihim na napapatingin siya sa akin, kapag nagkakasalubong kami ng hindi sadya at sa tuwing nagtatabi kami kapag nagkakaroon ng meeting ang mga doctors.

Sana may gamot para sa takot at kaba na lagi kong nararamdaman sa kanya. Pero kahit anong gawin at sabihin ko sa sarili ko na kumalma ay hindi tumatalab dahil nangungunahan sila. Gusto ko siyang iwasan pero hindi ko magawa dahil siya ang chief at hindi pwede na hindi kami mag-usap.

Nakabalik na rin ako sa aking office. Agad akong nagtungo sa swivel chair at doon ako nagrelax panandalian. Habang ako'y namamahinga ay bigla namang nag ring ang phone ko.

Hindi na ako nag-atubili na sagutin iyon.

"Bakit?" Agaran kong sabi sa kaniya. Sumandal ako sa swivel chair pagkatapos kong sagutin ang tawag.

"Ate, pwede ba padalhan mo ako ng allowance. Para na rin sa tuition fee na babayaran ko sa susunod na sem."

Napapikit ako ng mariin dahil doon. Hay! Bakit ba sa akin siya umaasa.. pwede naman siyang part time job habang nag-aaral. Hindi ko naranasan na umasa sa iba, gumawa ako sa sarili kong sikap.

Bumuntong hininga ako bago ako nagsalita.

"Padadalhan na lang kita sa account mo." Walang ekspresyon at simpleng sambit sa kanya.

"Lakihan mo ate ah." Isa na namang malalim na buntong hininga ang ginawad ko.

"Kung ano lang ang ipapadala ko yun lang. Pagkasyahin mo..at siguraduhin mong magkakasya iyon sa isang buwan. Hindi yung lagi ka na lang nanghihingi! Matuto ka ngang magbanat ng buto."

"Bata pa ako para magtrabaho."

Hindi na ako nakatiis ay ibinaba ko na ang telepono. Mas lalo lang hahaba ang aming pag-uusap kung magtatalo pa kami. Wala ako sa mood ngayon. Masyadong maraming bagay ang naooccupy ng aking isip.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at kinuha ang gown upang isuot.
Mag-uumpisa na rin akong mag-check ng pasyente. Isang araw ang aking pahinga pero parang hindi ko dama. Parang pagod pa rin ako at walang lakas. Pagtapos kong mag-ayos ay lumabas na ako sa aking silid upang puntahan ang ward 21.

Lahat sila ay mahimbing na natutulog, kahit si nanay Imelda. Agaran ko silang chineck at wala namang problema. Lahat ay normal.

Habang nagchecheck ako ay may biglang pumasok sa kwarto. Naghahabol siya ng hininga at mukhang pagod na pagod sa paghahanap sa akin.
Biglang kumunot ang aking noo.

"Nurse Gilliane, may problema ba?" May pagtataka sa aking boses. Hindi pa rin siya nagsasalita sa ngayon dahil hinahabol niya ang kanyang hininga.

"Doc--doctora, emergency po.. pinapatawag po kayo ni chief para po sa operasyon ni Mrs. Yoo.. kailangan na po kayo doon." Hingal pa rin siya habang sinasabi iyon.

Si Mrs. Yoo ay asawa ng chairman nitong hospital na ito.

"Sige, ikaw muna ang bahala dito. Pupunta na ako doon." Tumakbo na ako palabas ng kwarto. Tumungo lamang si gilliane at hindi na nagsalita. Pinaubaya ko na rin sa kanya ang pagche-check ng pasyente sa ward 21 . Alam niya na rin naman ang gagawin niya dahil siya ang head nurse dito sa hospital.

Doctor ParkWhere stories live. Discover now