21

932 13 0
                                    

[Mga titig]


Napabuntong hininga ako dahil kanina pa ako nakahiga ay hindi pa rin ako inaantok. Nakatingin lamang ako sa itaas at naghihintay na dalawin ng antok. Hindi ako makatulog, dahil parang may bumabagabag sa aking isipan.

Bigla ko na lang kasi naisip si Jason. Parang nakaramdam ako ng kaba para sa kaniya. Parang isang babala na kailangan kong ipaalam sa kaniya.

"Tsss. Lendrein..ano ka ba! Hindi totoo yang mga pakiramdam na yan." Nagpagulong gulong ako sa aking kama. Sinuntok suntok at sinipa sipa ko ang kabuuan ng aking kama.

Napabuntong hininga ulit ako. Kailangan ko pang matulog dahil marami pa akong gagawin bukas!!! Iwasan mo na nga ang pag-iisip mo kay Jason!!. Ugh!

Dahil hindi pa rin ako mapakali ay umalis ako sa aking kama at lumabas mula sa balkonahe. Agad umihip ang napakalakas na hangin sa aking katawan, napayakap ako dahil doon.

Humawak ako sa railings at tumingala upang tingnan ang mga nagagandahang bituin. Pinikit ko ang mga mata ko upang damdamin ang simoy ng hangin.

Tanaw na tanaw ko din ang mga nagagandahan at mga nagtataasang mga buildings. Mga sasakyan na parang langgam sa aking paningin, ibat-ibang tindahan na may magagandang light decor. Isang napakagandang syudad ang nasisilayan ko ngayon.

Tumingala ulit ako sa kalangitan at itinaas ko ang aking kamay para mag-drawing ng pattern sa mga nagniningning na bituin. Pinagconnect-connect ko lamang 'yon at kung ano ano lamang ang nabubuo ko.

Nang mapagod na ako ay ibinaba ko na ang aking kamay at pumalumbaba sa railings.

"Kung nasaan ka mang lalaking itinadhana sa akin, sana makita na kita.." lumabas na lamang 'yon sa aking bibig at nasabi ko na lamang ng hindi man lang pumapasok sa utak ko.

"MAGPAKITA KA NA SA AKIN! PLEASE!!! PAGOD NA AKO KAKAHINTAY SAYO!" sigaw ko, wala naman sa aking makakarinig dahil nasa 25th floor yata ako ng hotel. Hahaha, ang sarap yata ng feeling na nasa taas ka ng nakararami. Nakikita mo silang lahat, nakikita mo kung ano ang ginagawa nila. Nago-observe ka lang ng mga nangyayari sa paligid mo. Ang saya sa pakiramdam dahil dito pwede kang sumigaw at ilabas kung ano man ang nasa loob mo.

Isinara ko ng aking mga kamay ang aking bibig at muling sumigaw.

"MATAGAL NA KITANG HINIHINTAY! MAGBIBIGAY AKO NG SIGN PARA ALAM KONG IKAW NA TALAGA ANG ITINALAGA PARA SA AKIN..." Nag-isip muna ako sandali at muling sumigaw.

"IKAW ANG UNA KONG MAMI-MEET SA CAFE STORE, MAKIKITA DIN KITA SA BOOK STORE KUNG SAAN MAGKAKAMBAGAAN TAYO AT PARA SURE, MAKIKITA ULIT KITA SA ARAW NG PANGALAWANG PAG-ULAN NG NIYEBE. SANA NAKIKINIG KA AT NARIRINIG MO ANG TINIG KO!! HIHINTAYIN KITA!!" Ngumiti ako at nakita kong nagningning ang isang bituin.

"Sabihan mo siya ah. At ipadala mo sa kaniya ang mga sinabi ko." Hindi masyadong kalakasan 'yon.

Nagulat na lamang ako ng may sumita sa akin. Ang katabing kwarto. Lumabas din siya sa kaniyang balkonahe at mukhang nagising ko ata siya ng alanganin. Patay. Kinusot niya muna ang kaniyang mga mata bago bumaling sa akin. Napakagat ako sa aking labi. Hay! Ano ba kasi tong ginagawa ko. Bakit ko ba tinatawag yung soul mate ko, eh hindi niya rin naman ako naririnig. Nasisiraan na yata ako ng ulo.

"Ano ka ba naman! Alam mo namang may katabi kang kwarto, kung gusto mong sumigaw huwag dito dahil marami kang nabubulabog. Hay! Ang mga bata talaga mga pasaway!" Sabi ng babaeng nasa mid 50's na. Yan ang napapala mo, lendrein. Tsk.

"Paumanhin po sa aking ginawa, hindi na po mauulit." Tumungo ako sa kaniya. Nagsisi ako sa aking ginawa. Bakit ko ba yun kasi ginawa. Para tuloy akong napahiya. Para akong nababaliw at nasasapian eh.

Doctor ParkWhere stories live. Discover now