22

955 12 0
                                    

[Bakit ako nagkakaganito?]








Hindi ko masyado
nararamdaman ang sakit ng sugat ko dahil masyado akong nag-iisip tungkol sa mga titig ni Chief Park. Bakit parang may ibang tinatagong katauhan si Jason. Napapansin ko na ang ilang mga misteryosong kilos niya at dahil doon ay unti-unti akong nagtataka tungkol sa pagkatao niya. At dahil doon ay mas lalo kong gustong malaman ang buong pagkatao niya.

"Ayos ka lang ba, lendrein? Namumutla ka na..." nakaalalay sa akin si gwen habang kami'y naglalakad patungo sa opisina ko.

"Okay lang ako, malayo sa bituka." Sinabi ko na okay lang ako para hindi siya masyadong mag-aalala. Tinawag ni gwen ang isang nurse para dalhan siya ng first aid kit.

"Kahit na..hay! Hindi ka kasi nag-iingat eh. Nakita mo namang may patalim yung kalaban mo, kinalaban mo pa din!" Hay! Grabe naman tong si gwen kung pagsabihan ako. Daig pa ang nanay ko. Pero masaya ako dahil may ganyan akong klaseng kaibigan. Hulog siya ng langit sa akin.

Binuksan na ni gwen ang pintuan ng opisina ko ng pigilan ko siyang pumasok. Nagtaka siya sa ikinilos kong 'yon.

"Lendrein, may problema ba? Mas lalo kang namutla. Bilisan na natin dahil nauubusan ka na ng dugo.." pansin na pansin ko ang pag-aalala ni gwen sa kalagayan kong 'to.

"Si Chief Park.." tumingin ako sa kaniya.. agad na kumunot ang noo niya dahil sa biglaang pagsambit ko ng pangalan ng lalaking 'yon.

"Oh? Anong problema kay chief Park? " humarap na siya sa akin, pero hindi niya pa rin inaalis ang pag-alalay niya sa akin.

"Para kasing.....may kakaiba sa kaniya.. hindi ko lang masabi, pero sigurado akong meron.."
Naguguluhan ako kung ano ba ang dapat kong sabihin. Natatakot ako na baka kung ano ang masabi ko tungkol sa kaniya. F*ck!

Huminga ng malalim si gwen. Hindi makapaniwala sa mga sinabi ko. Hay! Lagi naman tong walang napapansin. Ako lang ba ang nakakapansin sa kakaibang kilos niya? Hay! Bakit ko ba siya iniisip.

"Eto na naman tayo, lendrein eehh. Pag-uusapan na naman ba natin ang tungkol diyan? Kung gamutin muna natin 'yang sugat mo, noh? Hay! Pasaway ka talaga! Halikana." Napangiwi ako dahil sa mga sinabi niyang 'yon. Nagpahila na lamang ako kay gwen para hindi na siya magalit sa akin.

Hay! Baka guniguni ko lamang ang mga 'yon. Dapat hindi ko 'to pinoproblema at iniisip,eh! Ano ba nangyari sa akin. Jason, jason, jason! Bakit hindi ka mawala sa isipan ko!? Letseng buhay 'to. Siya na lang lagi laman ng utak ko.

Pinaupo niya muna ako sa sofa. May kumatok sa pintuan kaya tiningnana at pinagbuksan niya muna 'to. Siguro ay 'yon na ang ipinakuha niyang first aid kit na gagamitin niya sa paggamot sa aking sugat.

Sumandal ako sa sofa para ipahinga ang aking sarili. Medyo nanghihina na ako dahil na rin sa malalim na sugat na nakuha ko mula sa pasyenteng nakasagupa ko. Pumikit ako ng panandalian.

Narinig kong sinara ni gwen ang pinto, binuksan ko ang mata ko at nakita kong may hawak na siyang kit na inilagay niya sa center table.

Pumunta siya sa gawi ko at inalalayan na makapunta sa upuang malapit sa center table.

"Sisimulan na kitang gamutin ah. Sabihan mo lang ako kung mahapdi o masakit..okay?"

Ngumiti at tumungo lamang ako bilang kasagutan. Sinimulan niya ng linisin ang sugat ko, pagkatapos ay nilagyan niya ito ng gamot bago nilagyan ng bandage. Hindi naman ako nasaktan habang ginagamot niya ang sugat ko dahil maingat naman niyang ginagamot.

"Lendrein..siguro ay kailangan mo munang mag leave para makapag pahinga ka at para mabilis na maghilom ang sugat mo.." sambit niya habang naglalagay ng bandage sa aking sugat.

Doctor ParkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon