28

841 9 0
                                    

[The new head of Drug Team Department ]


Nagising ako dahil sa narinig kong sunod sunod na pag-doorbell sa pintuan. Tiningnan ko ang orasan sa may lamp shade, it's still early in the morning.

Bumangon ako sa pagkakahiga at pinagbuksan ang kanina pang kumakatok sa unit ko.

"Lendreeeein!!!.." sigaw ni Gwen sa akin at pagkatapos ay lumapit siya at niyakap ako.

"Kumusta ka, wala bang masakit sa 'yo? Ha?.. " tininganan niya lahat at inisa isa niya ang pag-obserba sa katawan ko.

"Gwen. Shhhh. I'm fine. Okay? 'wag kang maingay, baka magising si mama, By the way, what brings you here? May emergency ba sa hospital? " bago niya ako sagutin ay dumeretso muna siya sa loob, inilapag ang dala niyang plastic bag sa may center table atsaka umupo.

"Malamang! Nag-alala ako sa'yo, sa nangyari sayo kahapon.." it's suddenly pop up to mind again. Paano nalaman ni gwen ang tungkol sa nangyari kahapon?

"Hmm, sinabihan ako ni chief Park na puntahan daw kita dahil kailangan mo daw ako ngayon...ano ba nangyari sayo kahapon? Pati si chief, nag-aalala. "

I sighed. I sit beside her then I start telling her what happened yesterday.

(flashback)

Muntik na akong mabangga sa poste dahil sa biglaan kong pag-break sa aking sasakyan, mabuti na lamang ay hindi ako tumilapon kung'di ay nasa kwarto na siguro ako ng hospital.

Mabilis ang aking paghinga at unti unting lumalabas ang pawis ko mula sa noo. Hindi ko alam kung bakit biglaan siyang nagpapakita sa akin.

Sumilip ako, ngunit bigo akong makita siya.

Lumabas ako mula sa sasakyan at inikot ko ang aking paningin pero hindi ko na talaga siya makita. Tanging boses lang niya ang narinig ko.

"tulungan mo si jason, tulungan mo si jason, tulungan mo si jason.. " tuloy -tuloy niyang sabi. At wala siyang ibang sinasabi kung di ang tulungan ko daw si Jason. Naguguluhan ako, bakit kailangan kong tulungan si Jason? Saan ko siya tutulungan? At.... Bakit kilala niya si Jason?

Unti -unting namumuo ang luha sa mga mata ko dahil sa naririnig kong ito.

Tinakpan ko ang aking tainga para hindi ko siya marinig pero walang talab 'yon! Wala akong magawa kungdi ang takpan ang tainga ko kahit wala 'yong silbi.

"tama na please!! Tama na!! Tigilan mo na ako!! " tuloy tuloy na ngayon ang aking pag-iyak, hindi ko na alam ang gagawin ko, gusto ko ng umalis dito pero hindi ko magawa dahil sa takot ko.

Mas lalong yumanig ang kaba ko ng may biglang humawak sa aking balikat.

Ang naipong luha sa mata ko ay muling bumagsak sa aking pisngi dahilan upang mabasa

Hindi ko alam kung bakit hindi ko mapigilang umiyak at natagpuan ko na lamang ang sarili ko na nasa bisig na ni chief Park.

"Shhh. Don't worry, I'm here. " niyakap niya ako at nararamdaman ko ang pagiging concerned niya sa akin, I don't know but part of me is more than this.

"Huwag mo akong iwan, please. " pleasing him for not to leave me.

Ilang minuto ang tinagal ng eksenang iyon bago ako kumawala sa kaniyang mga bisig.

Pinunasan ko ang mukha ko dahil medyo basa pa ito dahil sa luha. Pagkatapos kong gawin 'yon ay hinarap ko si chief Park.

Nang tumingin ako sa kaniya ay saktong nagtama ang aming mga mata. Bigla akong umiwas ng tingin dahil bigla akong nakaramdam ng kabog sa aking dibdib dahilan kung bakit hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya.

Doctor ParkDonde viven las historias. Descúbrelo ahora