19

969 12 0
                                    

[Jealous]

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Bakit ba ganoon ang ugali ng lalaking 'yon. Hindi ko maintidihan. Akala ko ay pasasalamatan niya ako sa ginawa ko pero walang nangyaring ganon.

Hay! Bakit ko ba 'yon iniisip? Wala rin naman akong magagawa dahil ganon naman talaga ang ugali nun.

Dapit hapon na ng matapos akong magrounds sa children ward. Andito na ako ngayon sa office ko. May tinitingnan lamang akong mga records ng mga hawak kong pasyente.

Bigla ko ring naisip na ngayon na nga pala ilalabas si nanay Imelda at ipapalipat sa ibang hospital sa ibang bansa. Doon na daw kasi ang tirahan ng mga anak niya kaya doon na rin daw siya titira at doon niya na rin ipagpapatuloy ang pagpapagamot niya.

Matapos kong tingnan ang mga records na hawak ko ay nagpunta na ako sa kwarto ng ward 21. Paniguradong sa oras na 'to ay naghahanda na sila sa pag-alis.

Nadatnan kong nakaayos na silang magpamilya. Nandoon din ang mga nurse na nag-alaga kay nanay Imelda, inaayos nila ang higaan para kapag may panibagong pasyente na mako-confine ay ayos na 'yon. Tumakbo si clowee sa akin, yung apo ni nanay, iginiya niya ako papunta sa kinaroroonan ni nanay.


Nagbow ang mga nurse sa akin, tinunguan ko lamang sila at pinagtuunan ko ng pansin si nanay Imelda.

"Nanay, mag-iingat po kayo doon ah. Sundin niyo din po ang mga doctor dun para gumaling na kayo." Tsaka nginitian ko siya. Hinawakan niya ng marahan ang aking kamay.

"Mamimiss kita iha, kayo ni Doctor Park." Napangiwi ako ng marinig ko ang pangalan ng lalaking kinaiinisan ko.

"Sana sa pag-alis ko ay magkaayos na kayong dalawa. Alam ko, magkakaayos pa kayo."

Mahinahong pagkakasabi ni nanay. Nakita ko ring tapos na ang mga nurse sa pag-aayos ng higaan kaya umalis na sila.

"Nay, huwag niyo ng pangarapin 'yon dahil sigurado po ako hindi po 'yon magkakatotoo. " pagsalungat ko sa kaniya. Si nanay talaga, pinagpipilitan talaga na magkaka-ayos pa kami. There's no possibility. And I'm sure of that.

Narinig ko rin ang yapak na may papalapit sa amin. Napangisi naman si nanay sa akin, para bang may mali sa mga sinabi ko. Kumunot ang aking noo dahil doon.

"Walang pinipili ang pagmamahal, kahit sino...kahit kaaway mo pa 'yan. Tiyak may tamang oras para sa inyo." Parang fairy god mother lang ang peg ni nanay ah. Pero medyo naengganyo ako sa mga words ni nanay, but still, hindi ko hahayaan ang pagmamahal na 'yon ang mag-ayos sa amin. Kaaway ko kaya yun. At kailanman ang magkaaway ay nananatiling magkaaway.

Nakita ko rin sa aking gilid ang anak niya. Hinihintay niya kaming matapos na mag-usap.

Saglit na lang kaming nag-usap dahil mahuhuli na sila sa flight nila. Ang tagal ko ding inalagaan si nanay Imelda. Mahigit five months, mamimiss ko siya. Yung laging nagpapaalala sa akin sa lahat ng bagay. Hindi ko alam pero, mamimiss ko kay nanay yung pang-aasar niya sa amin ni chief.

Heck! Bakit ko yun nagustuhan? Eh kasi naman, convincing kasi si nanay kung mang-asar, yan tuloy. Napailing na lang ako sa mga naiisip ko.

Medyo maraming gawain ngayong araw na 'to dahil maraming pasyente ang bagong confine. Ang iba ay minor lang ang mga sakit at 'yong iba naman ay severe. Marami ring nakaline up na surgery next week.

Mayroon din akong bagong patient na aalagaan at aasikasuhin. Hindi ako masyadong mahihirapan dahil ang medications ay madali lang. Ang isa namang patient ni chief Park ay kailangang operahan. He experiencing Cardiac tumor.

Doctor ParkWhere stories live. Discover now