Bar

45K 1.3K 90
                                    

5





"Put that there!" sigaw ko para tigilan na ni Ashton ang pagpupumilit na ilagay iyong coffee table sa gilid ng sofa. I want my perfect red table on the center so that I can put my feet there whenever I watch a freaking romantic movie or something about Dave Franco. Gosh, just the thought of that guy makes me giddy and all.


"Bakit ka natatawa?" tanong ni bansot, interrupting my thoughts about my baby Dave.


"Bakit pakialamero ka?" balik ko dito. Tumaas lang iyong gilid ng labi niya bago niya inayos iyong pagkakalagay ng coffee table sa gitna. I just grinned at him before I folded my legs to give him space.


"Mag jogging pants ka nga!" sigaw niya. My brows raised and I laughed harder. Seriously, jogging pants? Ano ako? Prep? Bwisit.


Kanina pa siya hindi makatingin sa akin. I'm just wearing a red sweatshirt with a huge 21 printed and a baby blue jeans short shorts. I tried wearing something normal para sa paglipat ko ng condo and this midget cannot take my eyes of my legs.


"Maganda pa rin ako kahit na pangit damit ko diba?" natatawa kong sabi. Sumama lang tingin niya sa akin bago pinunasan ang pawis. Kinuha niya iyong neckline ng shirt niya at iyon ang ginamit niyang pamunas. His v-line right just beliw his abs showed and I immediately straightened my legs. Kinuha ko iyong Kleenex ko at inabot sa kanya.


"Gross. Use tissue when you wipe sweat. Kaya bumabaho kayo eh." Reklamo ko. Kinuha lang niya iyong tissue at nagpunas.


"Ano pang papagawa mo Ma'am pinakamatalino sa lahat?" aniya. Napanguso ako bago humiga sa sofa. I looked at my ceiling, I think I need three chandeliers, maybe red siguro? Or silver? Hmmn..


"Ash.." I called him. Tiningnan niya ako mula sa pagkakasalampak niya sa sahig. Dahil sa nakashirt lang siya ay kitang kita ko iyong sugat niyang hindi pa gaanong gumagaling. Isang dangkal din ang haba nun, mula sa gilid ng siko niya pababa hanggang banda sa wrist niya.


"Does it hurt?" tanong ko habang nakanguso sa sugat niya. Ngumuso lang si Ashton bago umiling.


"Hindi. Mas masakit pa yung nauntog yung daliri ko sa gilid ng lamesa. Punyeta kasi may hinahabol akong gangster nun." Kwento niya. Tumawa lang ako pero di ko pa rin inaalis yung tingin sa braso niya. I bet that would scar. But thinking about his job, maybe that is not the first time that he would have a scar. Baka mas may malala pa diyan. I don't have any scar at all, physically speaking, emotional scars marami. But I care about my skin so much I won't let anything bad happen to it.


Oh well, enough of the scars. Nicheck ko iyong orasan para makitang alas nuebe na pala ng gabi. I pouted before looking back at Ashton who is now busy trying to solve the rubik's cube.


"Bansot, bar tayo. Samahan mo ako." utos ko. Hindi niya ako pinansin at patuloy lang sa hopeless niyang pagbuo sa rubik's ni Seth.

First Kiss - LEGACY 5 (AWESOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now