24
Yumakap ang matipunong braso ni Aidan sa beywang ko at mas hinila pa ako palapit sa kanya. The softness of my body met the hardness of his. I can feel the beating of his chest, each sound of it is like the roaring of winds. Sobrang lakas. Nakakabingi. Katulad na lang ng pagsabog sa dibdib ko.
I didn't know why but my tears fell faster when he kissed me. It was like Ashton all over again. Ashton is here now. Ashton won't leave me.
Pero alam kong niloloko ko lang ang sarili ko. Hindi labi ni Ashton ang umaangkin sa akin ngayon. Hindi siya ito. Hindi na siya babalik.
Marahan kong tinulak si Aidan at lumayo rito. I fixed myself and stepped backwards.
"Serise.." his voice cracked. Nag iwas ako ng tingin at dumiretsyo ng tayo. I looked at his face, his rugged features, his deep brown eyes, his pointed nose. Everything about him reminds me of Ashton. Except for his height. Well, Aidan is tall.
Sinubukan niyang abutin ang braso ko pero umiling lamang ako. Niyakap ko ang aking sarili at nilampasan siya. Hindi ko na sinubukan pang magsalita dahil alam kong kapag may lumabas pa sa akin ay dalawa lang ang kakahinatnan ko. It is either I will hyperventilate or I will collapse.
And I am Serise Victoria Montreal. No matter how heartbroken I am, no one has the rights to see me weak. Nobody is stronger than me.
Magmula noong nawala si Ashton ay naramdaman ko ang pagkukulang. People crave for somebody who will make them feel as if they are not alone. Kahit isang tao lang yan, basta alam mong hindi ka tatalikuran, ay magiging sapat na.
Akma na sana akong papasok noong makita ko si Noah na nakasandal sa barandilya ng upuan. His eyes locked into mine and I froze on my spot. Did he..was he..
"N-noah.."
Malamig ang tingin na ibinigay niya sa akin bago tiningnan si Aidan na papalapit na sa amin. Bago pa man ako makagalaw ay tinabi na ako ni Noah at sinugod si Aidan.
Bumagsak ang kamao ni Noah sa pisngi ni Aidan na napahakbang patalikod.
"Puta!" sigaw ni Aidan at hinawakan ang labi niyang pumutok. Lumapit ako kay Noah para pigilan siya. Ramdam ko sa ilalim ng mga palad ko ang panginginig ng braso niya sa galit.
"Noah, please. Let's go." Anas ko. He glared at Aidan before trying to punch him again.
"Noah!" tawag ko rito. Hindi siya nagpatinag at binaklas ang kamay ko na nakahawak sa kanya. Isang suntok ang dapat ay papakawalan ni Noah para kay Aidan noong may hinila si Aidan sa loob ng kanyang bulsa.
Nanlaki ang mata ko noong nakita ang isang baril na nakatutok sa noo ni Noah. Seryoso na ang mukha ni Aidan habang hawak hawak iyon.
"Sige lang. Isa pa bes, papaputukin ko talaga iyang bungo mo." Nanggigigil na sabi ni Aidan. I looked at Noah who was cooly looking at Aidan's gun.
BINABASA MO ANG
First Kiss - LEGACY 5 (AWESOMELY COMPLETED)
General FictionWe understand how dangerous a mask can be, we become what we pretend to be. The mask becomes our own skin, until we are consumed by the lies and the pretendings. But I guess it can't be helped. No one will love you unless you wear a mask on. No one...