Over and Over

42.5K 1.2K 108
                                    

25



Malamig ang tingin ni Aidan sa akin habang hinihintay akong makalabas sa building ng aking condo unit. Nakasandal siya sa kaniyang itim na Porsche Carrera habang nakatingin lamang sa bawat hakbang ko. Iyong magulo niyang buhok ay pinaglalaruan ng hangin kasabay ng polo niyang bukas hanggang sa ikatlong butones, revealing his perfectly sculpted chest.


Napalunok lamang ako at nilingon na lamang iyong mga bodyguards ko na dala dala ang aking mga maleta. Noong makalapit ako kay Aidan ay binuksan niya ang kaniyang kotse at inilahad iyon sa akin.


"Pasok na, Ma'am." Aniya, nakanguso habang pinaglalaruan ang shades na nakasabit lamang sa kaniyang ulo. Tahimik akong sumunod sa kanya at pumasok sa sasakyan niya.


Nagpumilit si Aidan an sabay na kaming pupunta sa airport para lumipad papuntang Bukidnon. Nasa may Malaybalay ang plantation nila. Aidan also mentioned that he owns a small hacienda near the plantation at pwedeng doon ako manatili sa loob ng ilang buwan.


Noong pumasok si Aidan ay agad akong naalarma. Naramdaman ko na naman iyong pamilyar na kaba kapag nasa paligid siya. But no matter how nervous with his presence, there is still that feeling of safety whenever I'm with him. Para bang wala kahit na anong mangyayari sa akin dahil lang sa kasama ko siya.


Pagkarating namin sa airport ay may apat na lalaking sumalubong sa amin. Kinuha nila ang aming mga gamit habang si Aidan ay inalalayan akong makababa ng kanyang sasakyan. Nakabusangot pa rin siya habang tinitingnan ako.


Napataas ang kilay ko. Bakit ba ang sungit nito?


"Anong problema mo?" mataray kong tanong. Nilingon lang niya ako bago isinuot ang kaniyang shades.


"Wala."


Napaikot ang aking mga mata. "Wala pero nakabusangot ka?"


Huminga siya ng malalim at nagkamot ng batok. "I just don't like what you are wearing right now." Anas niya. Lalong tumaas ang mataas ko na talagang kilay.


"What?"


Nilingon niya ako, "If you are mine, I won't allow you to wear something like that." He huskily said. Napanganga ako noong marinig ko iyon.


If I was his? IF.I.WAS.HIS


Fucker. Anong masama sa shorts at sando? Hindi ako pumunta sa airport para sumama sa long gown competition at magmukhang suman na balot na balot!


"I'm not yours." Sagot ko na lang at mataray siyang tinitigan. Tumaas lamang ang sulok ng labi niya bago napailing. Yabang!


"Not yet." aniya at nilampasan na ako para dumiretsyo. Napasipa na lang ako sa hangin sa sobrang inis! Sa kanya pa talaga ang huling salita! I am a freaking Montreal! I should have said the last words! Asar!

First Kiss - LEGACY 5 (AWESOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now