WAKAS

79.7K 1.9K 430
                                    

WAKAS




Nangigigil ako habang nakatitig lang sa bansot na lumaklak ng growee kaya tumangkad. He took another gun and started cleaning it again habang ako ay nakatitig lamang sa kanya.


"Bansot.." tawag ko. Tumaas lamang ang kilay niya.


"Ma'am ko?"


I blew a breath at pabalibag na kumuha ng isa sa mga baril doon. Ashton was still busy with his gun at sa sobrang inis ko ay binalibag ko iyon sa kanya. Tumama iyon sa ilong niya at agad siyang napahiyaw.


"Ay putangina! Pucha Ma'am! My nose! Ghad!" sigaw niya, napapatalon pa. Mabilis akong tumayo at nilapitan siya.


"Putangina mo rin Santillan! It's been three months since I was discharged!" sigaw ko pabalik. Tumigil siya sa pagtalon pero sapo pa rin niya ang ilong niya.


I was shaking from anger. Naiinip na ako. Ang sabi niya pagkalabas ko ng ospital ay papakasalan na niya ako at bubuntisin. Wala na akong pakialam kung hindi engrande. If he wants to have a traditional military wedding then fine! Wala akong paki kahit sa Mars kami ikasal at mga alien lamang ang imbitado! All I want is to marry him! I just want to be Serise Santillan!


"Alam ko Ma'am na pinakacute sa lahat. Marunong akong magbilang." Walang modo niyang sabi. God! Napapikit ako. Ang bobo mo Santillan! Tumangkad ka lang naging---aargh!


Tinalikuran ko siya at lumabas ng kwarto niya. Tuloy tuloy lamang ako sa pagbaba para makita lamang ang mga pamangkin ko na naglalaro sa sala. Clio was busy climbing the sofa while my nephew, Neron, constantly kicks her face.


"Alit ka!" Neron said. Napabitaw si Clio at bumagsak sa carpet. Mabilis akong tumakbo pero naunahan ako ni Papa na nagbabantay sa kanila.


Clio cried and I rushed to her. Noong makita ako nito ay agad niyang nilahad ang kamay sa akin.


"Tata Pweety!" she beamed. Kinarga ko siya bago ko isa isang hinalikan ang mga pamangkin ko.


"You look angry Se." puna ni Papa habang pinupunasan ang sipon ni Calliope. He grunted a bit when Thalia pulled his hair. Napailing lamang ako at tiningnan ang kwarto kung saan ako nanggaling.


"Si Ashton Pa...wala yatang balak na pakasalan ako." sumbong ko. Matagal akong tinitigan ni Papa bago tumawa. Mas lalo lamang akong nainis.


"Pa!"


"What?"


"Stop laughing! Naman eh, para ka talagang si Seven kung minsan." Iritado kong sabi. Binaba ko si Clio bago ako umupo sa sofa. Kumandong sa akin si Neron at Bryant habang si Chasin ay lumapit din sa akin.


"He's too busy with his guns. Nakalimutan yata niyang may fiancée na siya! And for god's sake, his fiancée is me! Si Serise Montreal! The Serise Montreal!" naiiyak na talaga ako. I just.. damn it. Kung pwede lang ay tatalian ko na ang lalaking iyon at kakaladkarin ko sa pinakamalapit na simbahan.

First Kiss - LEGACY 5 (AWESOMELY COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora