CPMGP_Chapter 20

76.7K 2.6K 27
                                    

DAZU'S POV

Hinahanap ko siya ngayon sa buong paligid nitong Park. Humahangos pa nga ako. Nasaan na kaya siya? "Nandito ako Dazu." Napalingon ako sa nagsalita sa bandang gilid ko kaya nang makilala ko siya agad akong lumapit sa kanya.



"C-Claire, tama 'yong hinala ko. Gusto mo pa rin ako hindi ba?" Bigla ko siyang niyakap."I miss you so much." Bulong ko pa.



"Dazu, please, bitiwan mo ako.
Hindi ako nakipagkita sa 'yo rito para makipagbalikan. Ito nang lahat ng mga binigay mo sa akin noon, binabalik ko na." Nagpupumiglas siya at nagulat ako sa sinabi niya.



"P-Pero?"



"Dazu, tapos na tayo, kaya puwede ba? Tantanan mo na ako."



"Please, Claire, 'wag mong gawin sa akin 'to. Kahit three months na ang nakakalipas ayos lang sa akin, please, bumalik ka na sa akin." Lumuhod na ako sa harapan niya at nagmamakaawa. Wala akong pakialam kung maging mukhang tanga ako sa mga taong nakakakita sa akin ngayon.



"I love you. I love you, Claire. Please, naalala mo pa ba 'yong mga sinabi mo sa akin noon? 'Di ba walang bibitaw sa atin? Please, Claire, please, mahal na mahal kita."



"Dati 'yon Dazu, hindi na ngayon kaya bitiwan mo ako." Pagpupumiglas pa rin niya.



"Claire, please," Pero patuloy pa rin akong nagmamakaawa sa kanya. Nagbabakasakali.



"Dazu, ano ba?!" Napabitaw ako sa kanya matapos niyang sumigaw. Tulala lang akong nakatingin sa kanya ngayon. "Ako naman ang makikiusap sa 'yo ngayon. Please, pakawalan mo na ako. Hindi na kita mahal!"







SHIMI'S POV

Oh, e 'di ako na flirt. Kasama ko lang naman ngayon si Russel. Inggit na inggit lang naman 'yong tatlo sa akin dahil ako lang ang sinamahan ni Russel pauwi.



"Shimi?" Tawag niya sa akin kaya bumalik ako sa ulirat ko. Nilingon ko siya.



"Ha? Bakit? May sinasabi ka ba?"



Nang bigla siyang tumawa. "Oo, kanina pa kaya ako nagkukuwento rito. Nasaan ba ang isip mo?" Patuloy niya akong tinatawanan.



"Ah, kasi—"



"Never mind. Amh, gusto mo bang kumain muna?"



Bigla akong pinagmulahan ng mag-yaya siya sa akin na kumain daw muna kami ngayon. Date na ba ito? "Ha? S-Sige, ikaw ang bahala kaso—wala akong dalang pera, e." Palihim akong kinikilig.



"Ano ka ba, ayos lang, treat ko naman dahil ako ang nagyaya."



"Talaga?" Napalihis ako ng tingin sabay hawi ng buhok ko sa tainga.



"Tara, ano bang gus—" Pero naputol bigla 'yong sinasabi niya nang may makita kami ritong hindi namin inaasahan sa Park.



"P-Pero?"



"Dazu, tapos na tayo, kaya puwede ba? Tantanan mo na ako." Nagulat kami nang makita namin si Prince Dazu na nakaluhod at nagmamakaawa sa harapan ni Claire.



"Please, Claire, 'wag mong gawin sa akin 'to. Kahit three months na ang nakakalipas ayos lang sa akin, please, bumalik ka na sa akin." Kita namin ang pagpupumiglas ni Claire. "I love you. I love you, Claire. Please, naalala mo pa ba 'yong mga sinabi mo sa akin noon? 'Di ba walang bibitaw sa atin? Please, Claire, please, mahal na mahal kita."



"Dati 'yon Dazu, hindi na ngayon kaya bitiwan mo ako." Pagpupumiglas pa rin ni Claire sa kanya.



"Claire, please,"



"Dazu, ano ba?! Ako naman ang makikiusap sa 'yo ngayon. Please, pakawalan mo na ako. Hindi na kita mahal!" Matapos 'yong sabihin ni Claire ay agad siyang tumakbo palayo.



Naiwanan namang nakaluhod si Prince Dazu habang tumutulo ang mga luha niya at pinagmamasdan ang likuran ni Claire habang papalayo sa kanya.



"Dazu..." Bigkas naman ni Russel at lumapit na kami sa kanya.



"H-Hindi ko maintindihan." Sabi niya habang tumatawa siya na umiiyak. Tumayo na siya habang nagpupunas ng luha nang bigla siyang sumigaw ng malakas sabay tinapon niya 'yong hawak hawak niyang bagay na binigay ni Claire sa kanya kanina.



"Tama na Dazu." Kinakalma siya ni Russel ngayon dahil umiiyak pa rin siya samantala nakatingin lang ako sa kanila. Naalala ko tuloy 'yong sarili ko sa kalagayan ni Dazu ngayon no'ng mga panahong iniwan din ako ni Ross noon, tatlong buwan ng nakakalipas.



"INSAN, uminom tayo. Oy Chimnie! Uminom ka rin para makalimutan mo na si Ross." Uminom siya ng alak habang tumatawa. Imbes na kumain kami ni Russel sa restaurant dumeretso kami ng Bar para samahan siya.



"Nababaliw na siya." Bulong ko. Nananatili pa rin siyang inaalalayan ni Russel kahit nandito na kami sa mesa.







(Book 1)Written by MsjovjovdPanda2016 All Rights Reserved2nd Generation of KANG SERIES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon