CPMGP_Chapter 71

53.3K 1.7K 13
                                    

Pagpasok ko sa loob ng kuwarto ni Shimi nakita ko siyang nakaupo lang malapit sa bintana at nakatanaw lang do'n. Pero nang makita niya ako napatayo siya at nagulat.



"R-Russel?" Bigkas niya.



"Kumusta ka rito?" Nilapitan ko siya. "Kumusta ang pakiramdam mo? Okay ka na ba?" Tumango lang siya. "Wag ka nang malungkot. I'm here for you."



"S-Si Dazu? Kumusta siya?"



Hindi agad ako nakapagsalita nang 'yon ang itanong niya. Si Dazu ulit 'yong hinahanap niya. "O-Okay siya." Napalihis ako ng tingin.



"Kung gano'n gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang makausap Russel. Please, tulungan mo akong makalabas dito."



"Pero Shimi, hindi ko magagawa ang gusto mo. Maraming nagbabantay sa 'yo sa labas. Ano bang dahilan ng 'yon?"



"H-Hindi ko nga rin alam. Gusto ko nang lumabas dito."



Nawala 'yong atensyon ko sa sinasabi niya nang biglang magvibrate ang cell phone ko tapos ang nakita kong tumatawag sa akin ay si Kazu kaya agad ko itong sinagot.



"Kazu?"



"S-Si Kuya..." nangingiyak na bigkas ni Kazu sa kabilang linya.



"B-Bakit? Anong nangyari kay Dazu? Magsalita ka Kazu." Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong kinabahan.



"Russel? Bakit? Anong mayroon? A-Anong nangyari kay Dazu? Nasaan ba siya?" Sunod sunod naman na tanong ni Shimi sa akin.



"Pumunta ka na rito bilisan mo!"



"Sige, pupunta na ako." Pagbaba ko ng phone agad akong napatingin kay Shimi. "K-Kailangan ko nang umalis."



"P-Pero Russel, sabihin mo naman sa akin. Ano bang nangyayari kay Dazu? Bakit parang hindi n'yo pinapaalam sa akin 'yon?!" Hindi ko siya sinagot kundi nakatitig lang ako sa kanya.



Napapaisip ako kung anong dapat kong gawin. Hinawakan ko ang kamay niya. "Pagtulungan nating kalabanin 'yong mga bantay mo para makaalis tayo rito." Ito lang 'yong naiisip kong paraan para makaalis kami rito.



"H-Ha? Sige, pero sabihin mo muna sa akin kung anong nangyari kay Dazu."



"Mamaya ko na ipapaliwanag. Humanda ka na, kailangan na nating makaalis dito."



"Uhm." Tumango lang siya.



"Ako ang unang lalabas, hintayin mo ang signal ko."









SHIMI'S POV

"Ako ang unang lalabas, hintayin mo ang signal ko." Agad akong sumang-ayon sa plano niya.



Unti-unti siyang lumalapit sa pinto, pagbukas niya ro'n halatang mayroong
mga bantay doon. Tumingin siya sa akin at bigla niyang sinuntok 'yong isa at ayon na 'yong signal na sinasabi niya.



Dali dali naman akong lumapit sa kanya para matulungan siyang matalo ang dalawa pang bantay dito. Ilang sigundo lang ang itinagal napatulog na namin sila.



Tumakbo naman kami sa may hagdanan pababa at sumuksok sa gilid nito para hindi kami makita ng ilan pang nagbabantay dito. Nang makaalis naman sila dali dali kaming lumabas ng pinto, pero oo nga pala, dito ang mas may pinakamaraming bantay sa labas.



"Si Young Miss, nakatakas!" Nang biglang may sumigaw ng malakas dahilan para makita nila kami.



Habang papunta kami ng gate sinasalubong ni Russel ng mga suntok ang mga papadating na bantay at nasa likod niya lang ako at hindi hinahayaang makipaglaban. Hawak niya ang kamay ko at hila-hila niya ako. 



Nang makalabas kami ng bahay agad agad kaming sumakay ng kotse niya at pinaharurot niya ito agad. Bigla akong napahinga ng malalim dahil sa nangyari. Napatingin ako sa kanya at tila nagmamadali siya na parang may malalim na iniisip at dahil ang bilis niyang pinapaandar ang kotse niya.



"Shimi, ayos ka lang ba, ha?" Pero inalala pa rin niya ako.



"Oo, okay lang ako."



"'Wag kang mag-alala, makakapunta na tayo kay Dazu." Matapos niyang sabihin 'yon naging seryoso na si Russel.



Napapaisip ako kung bakit gano'n nalang ang pagmamadali niya. Pero ang mahalaga ngayon, makikita ko na si Dazu. Makikita ko na ulit siya.





(Book 1)Written by MsjovjovdPanda2016 All Rights Reserved2nd Generation of KANG SERIES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon