CPMGP_Chapter 84

56K 1.7K 51
                                    

DAZU'S POV

"Kuya, ready na ako makaapak sa Korea." Sabi ni Kazu na nasa tabi ko.



"Baka mamaya 'di ka na naman magkanda ugaga sa pagtingin mo sa mga koreana haha! Lago ka kay Ayesha." Singit naman ni Insan Russel na nasa unahan namin. Oo, nandito rin siya at magkasama na naman ulit kami.



"Sweeti, 'wag ka na mang maingay. I want to sleep pa." Sabi ni Hanna.



At, oo nagkabalikan sila, at nagbalik si Hanna sa kanya. Ngayon, masaya na ako para kay Russel. Isa pa, magkaibigan nalang talaga kami ngayon ni Hanna dahil ilang taon na rin naman ang nakalipas. Kinuwento na ni Insan sa akin ang aksidenteng muling pagkikita nila noon sa Airpot.



At ako ngayon, kung bakit pupunta ako sa Korea dahil gusto ko siyang makita. Nagbabakasakaling pagtagpuin ulit kami ni Shimi. Birthday na namin bukas nitong kakambal ko kaya ito ang hiniling ko kina Mama at Papa ang makapunta rito kasama si Kazu. Napangiti naman ako nang ilang minuto nalang ay malapit nang lumapag itong eroplano na sinasakyan namin ngayon.






SHIMI'S POV

8pm na. Nakatingin na naman ako sa langit katulad ng ginagawa ko dalawang taon ng nakakalipas. Nandito lang ako sa kuwarto ko. Lagi naman kasi akong mag-isa at walang kasama kundi si SoongWo lang madalas. Namimis ko na rin kasi sina Jamaica, ALex, at Ayesha, ang mga best friends ko.



Napalalim ako ng hininga. Kumusta na kaya 'yong mga 'yon? Wala na akong balita at contact sa kanila. Birthday ko na bukas at naalala ko noon, kaming apat ang magkakasama no'n na nagce-celebrate ng birthday ko pero ngayon? Napakahirap mag-isa, ang hirap humanap ng tunay na kaibigan lalo na kapag iba ang kultura.



Hindi rin nagtagal natulog nalang ako na may punong puno ng pag-asa na isang araw magbabalik na ang lahat sa dati at makikita ko ulit ang dati kong mga kaibigan sa Pilipinas.



Kinabukasan...



Walang pasok ngayon kaya nasa Mall ako kasama sila Daddy at Mommy. At dahil birthday ko na rin kaya they treat me at sobrang daming food sa harapan ko ngayon. "Ang sarap." Bigkas ko pa habang nanguya.



"Kumain ka lang ng kumain, Shimi." Sabi ni Daddy. At dahil hindi ako makapagsalita dahil punong puno ng pagkain ang bibig ko tumango nalang ako sa kanya.



"Tignan n'yo oh!" Sabi naman ni Mommy sabay turo sa bandang labas kaya napatingin kami ro'n. Saengil Chukhahaeyo Booth. "Baka may pabirthday sila sa mga may birthday ngayong araw." Dagdag pa ni Mom.



"Talaga po? Ano naman kaya 'yon?"



"Gusto mo pumasok do'n, anak?" Sabi ni Mommy sa akin.



"Puwede naman po." Pagkasabi ko no'n siyang hila ni Mommy sa akin papalabas. Hindi pa nga ako tapos kumain e.







DAZU'S POV

"S***! I miss Korea!" Sigaw ni Kazu kaya binatukan ko siya.



"Ano ba? Nasa Mall tayo para sumigaw ka ng ganyan. Nakakahiya kaya." Nagtakip ako ng mukha ko.



"Sorry." Sabi naman niya nang mahina sabay kamot sa ulo niya.



Tapos si Russel tumawa naman habang nakatakip din ng mukha niya. Pinagtinginan kaya kami no'ng sumigaw siya. Habang naglalakad lakad kami tingin tingin na rin ng mga damit. "Iba talaga rito imported." Sambit ko.



"Oo nga tapos ang gaganda pa."



"Alin bang magaganda ang binabanggit mo ha, Kazu?" Ani Russel.



"Ha? Itong mga damit."



"Weh? Sa babae ka kaya nakatingin. Kukuhaan kita ng video at ipapasa ko kay Ayesha hahaha!"



"Grabe ka naman sa akin, Insan."



Napailing nalang ako sa usapan ng dalawa. Iniwan ko sila at naglakad pa ulit ako ng kaunti. Tingin tingin ng damit sa.



(Book 1)Written by MsjovjovdPanda2016 All Rights Reserved2nd Generation of KANG SERIES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon