CPMGP_Chapter 74

56.1K 1.8K 57
                                    

SHIMI'S POV

Bakit kailangang mangyari 'to? Bakit ngayon pa? Ngayong hindi ko pa nakikitang maayos ang kalagayan niya? Hindi ko alintana ang puwedeng mangyaring sakuna sa akin ngayon habang nagpapatakbo ako ng mabilis sa motor ko.



Halos tumulo ang mga luha ko habang pinapaharurot 'to ng mabilis dahil sa mga binitiwang salita nila Daddy at Mommy kanina. Ayokong umalis dito, ayokong iwan ang Campus, maging ang mga kaibigan ko at mga memories ko.



Lalong lalo na si Dazu na sa hanggang ngayon, hindi ko alam ang tunay na nararamdaman ko para sa kanya kung sa Korea na ako mag-aaral at titira. Gusto ko siyang makausap, marami akong tanong na gusto kong marinig ang sagot mula sa kanya.



Hindi ko gugustuhing umalis ako ng ganito lang tayo Dazu bigkas ko sa isipan ko.



Nang bigla akong magulat nang makita ko ang isang wheel truck at magku-krus ang dadaanan namin nito. Paano 'to? Hindi ko kayang ma-control ang pagbilis ng pagpapatakbo ko, hindi ko maaaring itigil 'to kundi titilapon ako.



Damn it! Kailangan kong mag-isip ng paraan kundi sasalpok ako pero isa lang ang tanging nasa isip ko. Dederetso ako do'n at papailalim ako rito. Sumesenyas na ngayon 'yong mga sasakyan na papasalubong sa daraanan ko at sa tingin ko gusto nila akong pahintuin sa pagpapatakbo ko.



Pero hindi puwede. Tuloy tuloy pa rin ako sa tulin ng pagpapatakbo ko. Tiwala lang. Mas pinatulin ko ang pagpapatakbo ko at mas hinigpitan ko ang paghawak sa manibela ko. Malapit na. Mas lalo ko pang pinatulin. At nang makita kong mas malapit na, bigla kong inihiga ang motor ko habang tuloy sa pagmamaneho.

"Nababaliw na ba siya?!"


"She wanna die?"


"This is stupid!"


"The hell! Itutuloy niya talaga 'yon?!"



Lahat ng tao nakatingin lang sa akin at tila nag-aabang kung anong mangyayari sa pagpapailalim ko sa Wheel Truck. Halos magpigil hininga ang lahat ng nakakakita sa akin ngayon pero kailangan kong ipagpatuloy 'to.



"F**k!!" Sambit ko kasabay ng tunog ng motor na dumadausdos sa kalsada.

...

...

...

Pero nagawa ko! Saka ko lang napahinto ang motor ko nang makabuwelo na ako. Hinubad ko ang suot kong helmet at nakatingin lang ako sa Wheleer truck na papalayo dahil hindi ako makapaniwala sa nagawa ko.



Nalampasan ko siya. Humahangos pa ako habang nakatitig do'n ngayon. Sa sandaling pangyayari nakalimutan kong pupunta nga pala ako kay Dazu. Sinuot ko na muli ang helmet ko at itinuloy ang pagpapatakbo sa motor ko.











JENRICK'S POV

Napapunta kaagad ako ng Bar nang malaman kong mag-isa siyang umiinom at tila may problema. "Russel," Hinawakan ko siya sa balikat niya nang makalapit ako sa kanya.



"Maupo ka." Aniya.



Nang mapaupo naman ako inabutan niya ako ng isang baso na may lamang alak. Tinanggap ko naman ito bilang pagdamay sa kanya. "Anong problema, Bro?" Tanong ko. Pero hindi niya ako sinagot, kundi nginitian niya lang ako.



Hinihintay kong kusa siyang magsabi sa akin ng problema niya. Nakakadalawang baso na akong inom ngayon. "Alam mo namang pangalawang beses na 'tong nangyari sa amin hindi ba?" Panimula niya at mukhang 'yong nakaraan na naman nila ni Dazu 'yong binabanggit niya.



"Oo." Sagot ko.



"Ibang klase 'yong best friend mo." Sabi niya. "Bakit si Shimi pa? Bakit hindi nalang si Claire para sa kanya?"



"Russel, ang puso hindi kayang diktahan kung sino ang nilalaman. Maaaring gusto nga ni Dazu si Claire noon pero may nakita naman siyang kakaiba kay Shimi ngayon. Lahat puwedeng magbago. Lalo na ang nararamdaman ng isang tao."



"Pero sadya ba talagang gano'n? Lahat ng nagugustuhan ko, sa kanya nagkakagusto? Natural lang ba 'yon Jenrick? Sabihin mo nga kung anong wala sa akin na mayroon si Dazu?"



"Russel, may pagkakaiba kayo ni Dazu. Hindi mo dapat ikumpara ang sarili mo sa kanya."



"Hanggang kailan?"



Napatingin ulit ako sa kanya at napatitig. "Sa tingin ko hindi mo pa nakikita 'yong babaeng nararapat para sa 'yo. Come on, Russel! Lahat ng bagay may tamang oras at panahon. Hindi natin kailangang madaliin 'yon."



Sa sinabi kong 'yon hindi na siya umimik pa. Nang bigla namang may tumatawag sa akin pero hindi ko 'to sinasagot.



"Bakit hindi mo sagutin? Sino ba 'yan?"



"Hmm? Pangatlong girlfriend ko."



"Tss, ibang klase ka rin talaga." Sabi niyang nakangiti sabay iling. Ngumiti na rin ako at nakipagcheer sa kanya.




(Book 1)Written by MsjovjovdPanda2016 All Rights Reserved2nd Generation of KANG SERIES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon