CHAPTER 2

158 17 1
                                    

Khaiden's POV

Maaga akong nagising dahil magluluto pa ako nang agahan.

Habang nagluluto ay naglilinis din ako para naman kahit maliit itong bahay namin eh magmukhang maayos dahil sa linis. Dahil kung puro dumi ay lalong sisikip. Para sa akin lang yun ah.

Matapos maluto nung niluluto ko ay nagpahinga ako nang kaunti atsaka dumiretso ng ligo.

Pagkatapos kong maligo at masuot na yung uniform ko ay kumain na ako. Nang mag isa. Lasing pareho sila auntie at uncle. Kaya baka tanghali na sila magigising.

***

Nag tricycle nalang ako papuntang school.

Pagkapasok ko ay agad masasamang tingin at nandidiring tingin ang agad na nakuha ko. Tss.. di pa ba sila nag sasawa?! Dahil ako sawang sawa.

***

Naglalakad ako papasok ng pinto nang classrooom. Pero pagkabukas ko ng pinto ay agad akong naligo sa pintura. Hay. Hirap kaya nitong labhan. Sila kaya paglabahin ko!?

Tumayo ako nang maayos at umalis dun. Nagpunta ako sa locker ko at kinuha yung damit kong extra. Sanay na ako kaya may handa akong extra na damit.

Pumasok ako sa isang girl's cr at pumasok sa isang cubicle.

Tinanggal ko yung pinturang naka kalat saakin. Yung cubicle naman may shower sa loob.  Matapos kong matanggal yung pintura ay nagpatuyo ako at sinuot ang extra kong damit.

Pagkatapos ay lumabas na ako. Naglakad papasok sa classroom.

Pagkapasok ko ay nagtuturo na yung teacher. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Are you ok now,ms. Park??" Tanong niya kaya tinanguhan ko lang siya. Saka ako nagpunta ng upuan ko.

Nagdiscuss lang ng nagdiscuss yung teacher at nung mag lunch break ay nagpunta ako ng library.

Tahimik don at walang manggugulo saakin. Hate nang mga yun ang library. I guess.. wala naman kasi sa itsura nila ang pagbabasa.

Lumapit ako sa librarian at nginitian niya naman ako. Sa lahat nang nandito siya lang yung mabait talaga saakin. Nginitian ko rin siya at naghanap na nang librong pwedeng mabasa.

Nang makahanap ako ay nagpunta ako sa pinakasulok na bahagi ng library. Trip ko bat ba?!

Tahimik lang akong nagbabasa nang dumating yung librarian. Nginitian niya ako. May katandaan na rin siya,mga forty siguro.

"Alam kong hindi ka pa nag lulunch. Halika sumabay ka na." Sabi niya at umupo sa tabi ko. May table rin naman dun. Kaya pwedeng kumain. Tatanggi sana ako pero di niya ako pinagsalita. Bigla nalang kasi niyang sinubo sa akin yung kutsara. Kaya no choice ako.

Tahimik lang kaming kumakain at nang matapos ay tinulungan ko siyang ayusin ang gamit niya.

Nang matapos ay nagpaalam ako. Hanggang 2:00 lang yung class. May two hours pa kami para sa science and math.

Pumasok ako nang classroom. Nag iingayan sila. Anong nangyayari?! Wala ba yung teacher? Tss..tapos kapag dumating akala mo may dumaan na anghel.

Di ko nalang sila pinansin at nagbasa ng libro.

Dumating yung teacher at sa pagkilos nila ay parang wala lang nangyari. Walang batuhan ng papel,sigawan. At kung ano ano pa. Basta nakakastress sila.




*******

Pagkapasok ko sa bahay ay agad akong nagsaing at nagluto ng pagkain. Kailangan ko ring kumain at baka mamatay ako. Hindi pwede yun. Kailangan ko pang hanapin totoo kong mga magulang. Masakit mang iniwan nila ako pero gusto ko parin silang makita.

Pagkaluto ay kumain ako at pagkatapos ay nagligpit ng pinagkainan.

Saka umakyat ng kwarto ko. Naligo at nagsipilyo saka nahiga sa kama ko.

Good night everyone.





Someone's POV

Someday.. Your life will not be sad. It will become happy like what you wanted. You will be happy with your family again. Magiging masaya ka narin.. Konting hintay nalang.

"Just wait for us..... makakalaya rin kami kung nasaan man kami ngayon."

Sabi nung isang lalaki at biglang naging isang agila at saka lumipad papalayo.









The Four Most Powerful Unknown Princesses Where stories live. Discover now