CHAPTER 4

105 14 0
                                    

Khaiden's POV

Ngayon ay nasa harap ko si Maya na ngayon ay tinitignan nang mama niya ang kaniyang mga pisngi. Katabi ko si maam.

"My baby! Huhu.. " sabi niya at biglang tumingin sa akin.

"Look at what you've done! My daughter's cute and beautiful cheeks. Tignan mo bumakat yung kamay mo! Malakas siguro pagkakasampal mo!" Sabi niya at tinignan ulit ang pisngi ni Maya.

"P-principal her classmate said that Maya. Your daughter. Is the one who started it." Sinabi niya at tumingin sa akin ng sandali yung principal na bumalik din yung tingin niya kay Maya.

"Is that true?" Sabi niya at tumango si Maya.

Akala ko hindi niya na ako pa eexpell pero di rin pala.

"Whatever! I dont care if Maya started it. The important thing is,Maya got hurt. You are EXPELLED!!" Sabi niya at nakita ko namang nagulat si Maya pero bumalik rin yung dati niyang itsura. Haays. Expelled parin ako.

Tumayo ako at nag bow kay principal. Pagkatapos ay lumabas ako at nagpunta sa locker ko. Kukunin ko na mga gamit ko dun. Tss.. paano ako makakapag aral ngayon?! Malas na Maya at mama niyang yun.

Pagkakuha ko ng mga gamit ko ay lumabas ako nang gate. Magtratrabaho nalang ako at mag iipon. Tama! Pagsisipagan ko ang ipang aaral ko.

Sumakay ako ng tricycle at pagkauwi ko nang bahay ay wala sila uncle at auntie. Kailan ba sila nagstay? Never.

Naglinis ako nang bahay at naligo nalang, pagkatapos ay nag luto ako nang pang tanghalian. Nang maluto ko ay kumain ako.

Maya maya pa siguro sila. Di naman kami sabay sabay kung kumain kaya sanay na ako. Na mag isa.

Pagkatapos ay nagpunta ako ng kwarto ko. Matutulog nalang ako dahil sa kauna unahang pagkakataon ay makakapagpahinga ako. Estudyante nga sa umaga at alipin sa gabi ang buhay ko diba. Wala na akong time makapahinga kaya ngayon ay gagawin ko.

Nakatulog ako at mga ilang oras din ay nagising ako.

Pagbangon ko ay nakakita ako nang envellope.

'Ano toh?' Tanong ko sa isip ko.

Binuksan ko yung envellope at nakakita ako ng letter.

Ms. Park,

Congratulations! You are invited to enter the Immortal School,Lizardon academy. At the day of January 3,a bus will come and will deliver you to the academy. No need to pack things because all the things that are needed are already at your room. Once again,congratulations!

Lizardon Academy

What the eff! May nag jojoke ba saakin?! Immortal?! Hah! Immortal world doesnt exist. And Lizardon Academy?? Sa lahat ng academy dito sa mundo ay ngayon ko lang yun narinig.

Thats a big no. Hindi ako maniniwala. Baka si Maya lang yun. Di na nakakapagtaka dahil alam niya kung saan ang bahay ko.

Lumabas nalang ako nang kwarto.

"Oh bata. Andito ka pala. Bilhan mo ko ng sigarilyo at alak." Sinabi ni uncle. Tumango nalang ako sakaniya at lumabas.

Pero naisip ko. Mahirap kumita ng pera lalo na kung baka araw araw eh pabili ng pabili si uncle.

Subukan ko kayang maniwala sa letter?? Hindi naman siguro ako mamamatay. Sige,January 3 hihintayin kita.

Bumili nalang ako nang pinapabili ni uncle at bumalik sa kaniya. Binigay ko yung alak at sigarilyo saka pumasok sa kwarto ko.

Saka libre. Di man lang ako magbabayad. Nice.

Naligo nalang ako ulit at sinuot ang uniporme ko sa trabaho. Isa lang naman akong waitress sa isang restaurant.

Geh,trabaho muna ako.

The Four Most Powerful Unknown Princesses Where stories live. Discover now