CHAPTER 19

83 12 1
                                    

Khaiden's POV

Ngayon ay nakakulong parin ako sa isang kwarto. Walang pupuwedeng makapasok sa kwarto namin.

Transparent yung kwarto at nakikita kami ng mga iba pang immortal.

Makikita lang nila kami pero di kami pwedeng makausap.

Kaya ngayon ay para kaming nasa museum na para kaming buto ng sinaunang mga immortal.

Naririnig ko rin sila.

"Sila yung nakakuha ng legendary powers?!" Sabi nung hindi ko kilala pero alam kong lalaki.

"Ambelibabol!" Parang hindi pa siya makapaniwala.

May seal na yung mata ko at pwede akong tumingin sakanila pero ayoko. Nanatili akong nakayuko.

At alam na namin kung kanino talaga ang soul stealer na power,power stealer at summoner.

Soul stealer kay Zhade

At hindi niya pa kayang kontrolin

Power stealer kay Alei

Summoner kay Xia

At sila rin ay hindi pa nila kayang kontrolin ang mga power nila

Kaya kinulong kami ng hindi magkakasama. Hindi rin kami magkakitaan. Sa harap lang ang nakikita namin. Pader na talaga ang sa gilid.

Baka sa hindi pa nga namin kontrol ang kapangyarihan namin ay makapagpatayan pa kami.

Nakayuko lang ako nang maramdaman akong pumasok.

Baka one of the teachers lang na nagpupunta sa akin dito para bigyan ako ng food.

"Khaiden....."

Pero iba pala.... si Raven

"Kamusta ka dito?" Tanong niya.

Nakayuko parin ako. Ayoko siyang masaktan.

"Ayos naman. Lumabas ka na." Pagtataboy ko sakaniya.

Baka mapatay ko pa siya. At ayokong mangyari iyon. Di ko kaya.

"Hindi mo naman ako ayaw makita diba??" Sabi niya.

Tss. Pinapahaba pa.

"Ayaw kitang makita." Sabi ko at narinig kong napa"tss." Siya.

"Umalis kana nga!!" Sigaw ko sakaniya at tinignan pa siya. Nakita ko pa kung paano siya nagulat sa pagsigaw ko. Yumuko nalang ako ulit. Siya naman napabuntong hininga nalang at saka umalis.

"Sorry" sabi ko nang pagka alis niya.

Nang may marinig akong pumasok ulit.....

Someone's POV

Habang nakakulong parin ang apat na nakakuha ng legendary powers ay may isang miyembro ng clan ng bad guys ang nag kunwaring estudyante rin ng Lizardon.

Ang miyembro na ito ay magaling nang gumamit ng magic at malakas na rin.....

Nagpunta ito sa kwarto na pinaglalagyan ni Alei at saka ito tumawa ng malakas..

Kasama niya si Charles.....

"Hahahahahah!!!! Alam mo kung gusto mo pang mabuhay itong kasama ko,eh sumama ka sa akin!" Sigaw niya kay Alei. At si Charles naman ay pilit na umaalis sa pagkakasakal nung isang miyembro na masama.

Ginagamit niya na lahat ng kapangyarihan niya pero wala.

Sasama na sana si Alei pero pilit na pinipigilan ni Charles si Alei na huwag sumama.

"Kahit na anong mangyari ay huwag na huwag kang sasama!" Sigaw ni Charles pero naaawa na si Alei sa kaniyang kaibigan.

"B-bitawan mo siya....sasama ako." Nakatingin na sabi ni Alei kay Charles na parang nagsasabi na "gagawin ko to para sayo"

Tumawa naman yung kamiyembro ng masasama at itinapon sa sahig si Charles at hinatak si Alei.

Saka nagpunta papunta sa kuwarto ni Khaiden....

Pero si Charles ay tumakbo papuntang mga kaibigan at kapatid niya para humingi ng tulong.

Habang nasa kwarto ni Khaiden....

"Punyeta ka! Bitawan mo siya!" Sigaw ni Khaiden sa lalaki. Lalaki yung miyembro ng masamang immortal.

Pero tumawa lang yung lalaki.

"At bakit ko naman yun gagawin. Trabaho ko ngang kunin kayo diba. Tapos papakawalan ko. Ano ako tanga!?! Sumama ka nalang! May dalawa pang makapangyarihan na babae no!" Sigaw niya at pinalibutan ng tubig si Khaiden.

At inipit siya gamit yung tubig.

"Aaaaahh!!" Sigaw ni Khaiden dahil sa sakit.

"Gago ka!" Napatigil siya sa pagipit kay Khaiden dahil binato siya ng fireball ni Raven.

"Oh. Ilan kayo tapos isa lang ako. Daya naman." Parang dinadayang sabi nung lalaki.

"Manahimik kang gago ka!" Sigaw ni Charles na ngayon ay ayos na.

"Buhay ka pa pala. Hahhaah!! Di bale. Say bye to world ka na dapat. Kasi papatayin ko na kayo isa isa!" Sabi niya at nakipaglaban sa kanila Raven.

Nasira pa yung kwarto at marami nang nakakakita. Pero hindi sila makalapit dahil oo iisa lang siya pero sugatan na ang mga prinsepe at prinsesa.

Sila Khaiden,Zhade,Alei,at Xia naman ay nakikipaglaban na rin. Pero yung mga lalaki ang habol niya talaga na mapatay dahil sila ang mga nakapaligid sakanila Khaiden.

Sila Rex,Khyle,Charles,at Jan yung mga nakapaligid sakanila para protektahan sila....

Hindi napansin ni Rex na nasa likod niya lang pala yung lalaki kaya nasaksak siya nito sa may puso...

Napatigil ang lahat. Lalo na si Raven....hindi man sila sweet sa isat isa pero mahal nila ang isat isa kaya masakit nang makita niyang masaksak ang kapatid.

May mga dumating na kasama yung lalaki na tatlo ring lalaki kaya lalong dumami ang kakalabanin nila. Si Raven ay nakaupo sa gilid ng kapatid at pilit na pinapagaling ang kapatid pero........

Masyado na itong nauubusan ng dugo at masyado na rin siyang mahina.

"Ugh! *umubo na may kasamang dugo* A-alagaan mo sila K-khaiden. W-wag na wag mong hayaan na makuha sila. I-ipangako........m-mo" huling nasabi ni Rex atsaka nawalan na ng malay.

At tulad ni Rex ay namatay rin sila Khyle,Charles,at Jan.....sa pagliligtas sa buhay nila Khaiden,Zhade,Alei,at Xia...

Dahil sa sobrang galit ay biglang mas lalong lumakas sila Raven,Yeoan,Bryan,At Xanderr......

Wala silang ibang inisip kundi ang galit.

Galit sakanila Khaiden,Zhade,Alei,at Xia...

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

Kung may maling type paki intindi nalang.

Wala akong masyadong alam sa mga laban at chuchuchu... at sa power thingy basta like ko lang ng fantasy.  Kaya pagtiisan nalang.Thank you sa mga nagbabasa!!!

The Four Most Powerful Unknown Princesses Where stories live. Discover now