CHAPTER 20

70 10 0
                                    

Xia's POV

Nagpunta kami sa isang special room dito sa lizardon para sa burol nila Rex,Khyle,Charles,at Jan.

Pagkapunta namin sa entrance ay maraming tao ang napatingin sa amin. Kasama na sila Xanderr,Raven,Yeoan,at Bryan.

Tinignan nila kami na puno ng galit.

Pumasok kami at saka sila nilapitan. Pero tinaboy lang nila kami. Buti at andiyan sila Yan para hindi kami masyadong masaktan.

"At ang kapal rin ng mga mukha niyo! Kayo na nga ang dahilan kung bakit sila namatay! Sana di nalang namin kayo nakilala!! Baka buhay pa sana sila ngayon!"

Sigaw sa amin ni Xanderr.. Napakasakit lang dahil namatay na nga sila...kami pa ang dahilan....

"Ahmmmm... xanderr! Hindi sila ang dahilan! Hindi sila yung pumatay tandaan mo. Yung bad guys. Hindi sila!"

Pagtatanggol sa amin ni Kim.

"Kahit na! Sila parin yung dahilan! Kaya kung ayaw niyong magalit din kami sa inyo paalisin niyo nalang sila!"

Sigaw ni Yeoan. Tumingin ako sa mga immortal na nasa paligid. At nahihiyang umalis. Lumabas kami at pagkalabas namin ay sinaraduhan nila kami ng pinto.

"Huhuhuhuu"

Nakarinig ako ng iyak. Tinignan ko kung sino. Si Alei at Zhade...umiiyak.

"Tss. Wag kayo umiyak."

Natatawa ako sa pagpapatahan na ginagawa ni Khaiden. Hinahaplos niya yung likod nila habang pokerface na nakatingin sa ibang direction....

Pacool pa eh. Naiiyak din naman.

"Ayos lang na umiyak Khaiden...wag mong pigilan."

Naiiyak na sabi ko rin. Nakita ko namang nag iwas siya ng tingin.

Yinakap ko siya at naramdaman kong may parang basa sa likod ko.

Narinig ko na rin siyang humikbi. Kaya lalo akong naiyak...

Naramdaman ko ring yumakap na yung dalawa. Medyo nagyakapan pa kami ng kaunti lang naman atsaka kami naghiwalay na sa pagkakayakap

*After 1 year.*

(Still Xia's POV)

Nakatambay kami sa likod ng Lizardon ng may marinig kami...

"Uwaaaaaaa!! Uwaaaaaaa!!"

Baby na umiiyak??

Nagkatinginan kaming apat at saka namin sinundan yung iyak. Nang makapunta kami ay nakakita kami ng apat na mga batang lalaki na nasa mga basket.

K-kamukha namin ang mga yun!! Pa-paano yun nangyari?!

Nabuntis at nanganak ba kami ng di namin alam?! Parang boy version lang namin yung mga bata eh!

"M-may anak ba tayo?!"

Gulat na tanong sa amin ni Khaiden.

"Teka! May mga sulat!"

Biglang sigaw ni Alei at kuha nung lalaking kamukha niya.

"Alei, paki alagaan muna si Ax habang di pa namin sila kayang alagaan ng mommy niya. Sana ma-alagaan mo siya nang mabuti at huwag na huwag mo siya papabayaan dahil.......kadugo.....mo....siya??"

Pagbasa sa amin ni Alei at yung dun sa huling linya ay......teka! Kadugo?

Kinuha ko rin ang akin at Xy (Say ang pagpronouce hindi xi) ang name nung bata. At tulad nung kay Alei ay kadugo ko raw to. Paanong nangyari iyon??

The Four Most Powerful Unknown Princesses Onde histórias criam vida. Descubra agora