CHAPTER 3

127 14 1
                                    

Khaiden's POV

Haays... tulad palagi ay maaga ulit akong nagising.

Nag luto ng agahan at naglinis. Saka pagkatapos ay naligo saka kumain at nag tricycle saka pumasok sa school na sa school ay palaging may nam bubwisit sa akin.

Araw araw ganiyan ang mga nagyayari sa buhay ko. Minsan nakakapagod na rin. Pero wala eh. Ano bang laban ko sa kanila? Isa lang naman akong scholar.

At mayayaman naman sila. Hays.

Papasok na ako sa room ng mapatigil ako. Bakit?? Baka mamaya matapunan ulit ako nang pintura. Mahirap na. Mahirap kayang labhan yung damit na may pintura. Wala pa naman akong pera pang bili nang bago. Nang makasiguro akong wala naman ay pumasok ako.

Pagkapasok ko ay napatingin sila sa akin ng sandali at tumuloy rin naman sa ginagawa nila.

Batuhan ng papel,pagtsi tsis misan,pagpapaganda,at marami pang iba ang ginagawa nila. Tahimik lang ako sa upuan ko nang dumating sila Maya the bird.

"Pumapasok ka parin pala. Akala ko pa naman mahihiya ka na. Pero wala ka nga palang hiya. Hahaha!!"

Tawanan nang buong klase. Natigil kasi sa mga ginagawa nila. At nakinig sa amin. Hindi ko nalang pinansin ang mga sinabi nila at nanatiling walang kibo.

Nanganga sila nang makita ang ginawa ko.

"Did you hear us??! Bingi ka ba??!"

Inis na tanong ni Maya. Pero di ko nalang siya pinansin at nanatiling nakatingin sakanya. Namumula na siya sa galit.

"Wait,if you cant hear us. You are also mute??"

Curious na tanong niya.

"Oo nga,hindi ko pa siya narinig mag salita... pero sa tingin ko nakakarinig siya. Baka pipi lang talaga."

Sabi nung isa kong kaklase kaya napatingin ako sa kaniya.

"See?? She hears us. Pipi lang ata talaga."

Sabi niya pa.

"Im not."

Sabi ko at gulat silang napatingin sa akin.

"S-so you can hear and talk. "

parang masayang sabi ni Maya. Nagtaka naman ako at nang mga kaklase namin. Na realize niya siguro yung ginawa niya kaya napa cross arms siya.

"D-diba kapag nakapagsalita na sya. Hindi siya pipi. Kapag nakapagsabi siya nang masama dahil kinukulit natin siya. Pwede siyang ma expell." Pagpapaliwanag ni Maya.

Napatango lahat nang kaklase namin. Ako naman ay napailing. Sinabi pa talaga sa harap ko. Hindi na yun secret kung balak man nilang isecret.

Nga pala. Madaldal ako sa utak. Pero kapag sasabihin ko na ay nakakatamad. Nakakapagod.

Dumating yung teacher at umayos kaming lahat nang upo.

Nagtuturo si maam nang may pumasok na estudyante at sinabing pinapatawag daw siya.

Kaya umalis naman siya at nagkaroon ng oportunidad si Maya para asarin ako ulit.

Lumapit siya sa harap ng upuan ko

"By the way,pina imbestiga kita at nakita ko lang naman na yung tatay tatayan at nanay nanayan mo ay parehong lulong sa bisyo at sugal. Di man lang nagtrabaho. Napaka mga iresponsable. Tsk!"

Kahit naman na alam kong totoo ang mga sinasabi niya ay naasar parin ako at sinabi niyang napaka iresponsable nila uncle. Kahit naman na ako na yung nagtatrabaho eh di naman sila iresponsable. Hmm medyo pero! Pinatuloy parin nila ako sa bahay nila kahit na silang dalawa palang ay nasisikipan na sa bahay namin.

"And oh, you're the one who works. Diba dapat sila?? They are really so iresponsible talaga. Akalain mo sila yung matanda pero ikaw ang nagtatrabaho. Wala ba silang napag arala-"

hindi na niya natapos yung sasabihin niya dahil sa pag sampal ko sa kaniya ng malakas.

"What the---- why did you slap me?! Cant you see that I'm still talking. And look,tignan mo cheeks ko. Nag iwan ka pa ng ebidensiya!"

Sabi niya at pinakita yung pisngi niya. Tss. Evidence yan? Sa ano? Pang aasar niya sakin?

"What is the meaning of this?! Bat ka sumisigaw Ms. Gonzales?! And what happened to your face??"

Bigla nalang pumasok si maam. Timing nga naman.

"Khaiden slapped me. It hurts miss. I didnt do anything but she sla-"

hindi niya natapos yung sasabihin niya dahil nagsalita yung president namin sa room. Mabait siya. Babae,maganda siya at katamtaman lang yung kulay ng balat niya .

"She started it miss. Sinabihan niya ng mga hindi magagandang salita ang p-parents ni Khaiden. Miss."

Pagtatanggol niya sa akin. O baka assuming lang ako. Baka ginagawa niya lang yung kailangan niyang gawin as the president.

"Go to the principal's office. Your mother is there Maya. She is the one who will decide if Khaiden has to be expelled."

Napabuntong hininga nalang siya dahil wala siyang choice kundi yun ang sabihin. Mama kasi ni Maya ang may ari nitong school. At ang ayaw niya sa lahat ay yung nasasaktan yung anak niya.

Mukhang goodbye school tayo ah. Sige...work nalang muna for College.

The Four Most Powerful Unknown Princesses Where stories live. Discover now