Plan

81 12 1
                                    

Cesia's POV

"Fuck!" sabi ko na ikinagulat nilang lahat.

Paano niya nagawa sa mga magulang namin to kung trinato naman siya ng mabuti. Pinagkatiwalaan at tinuring na pamilya. Anong motibo niya? Bakit.


"Nagulat din kami ng malaman namin yan, Queen" nakayukong sabi ni Lauren na tinatago ang pagluha niya.


" What's their motive? anon laman ng file? nasaan ang File?!" napatagis bagang na lamang ako sa sobrang galit ng naramdaman ko.


" Base sa research namin ay nasa kanya ang file at wala kaming makuhang motibo sa ginawa nya" saad ni Laurence habang kinakalikot ang laptop niya.


" Slowly drag their lives downs. Lahat damay, walang palalampasin" sabi ko at agad namang sumang ayon ang lahat.


" I'll dig deeper information about Tito Manuel" sabi ni Lauren at kinuha ang kanyang laptop.


" Arriane, bilhhin mo ang shares ng mga stock holder sa company niya. Palihim mong gawin lahat " sabi ko at kinuha ang sarili kong laptop. I send an email to kuya regarding sa natuklasan namin.


"Zeke, Pull out some shares sa mga company ng anak niya. " tumango ito habang umiinom ng alak.


"Laurence, ikalat mo ang ibang maruruming gawain nila na makakapag pasama sa public image ng buong angkan niya." pinatay ko ang lapptop dahil hindi na maganda ang pakiramdam ko.


" Anong gagawin naming dalawa?" tanong ni Chase sabay turo kay Lance.


" We will give them a show." nakangisi ko pang sabi sa kanya. "Lance, Why not have a date with Haven? Matagal kanang gusto non." tinapunan ko siya ng nakakalokong ngiti.


" Hala! I like that idea, Queen. Pwede natin siyang gawing mole since bobita naman siya" tumawa pa ng malakas si Arriane. Tama ang naisip niya dahil magiging mas madali ang trabaho namin pag may mole sa panig nila.


" Potcha naman, e baliw yung babaeng yun!" nadidiring saad pa nya na ikinatawa naming lahat.


" Remember noong sinabi ni kuya Lance na gumulong si Haven sa hill? diba ginawa niya pa rin yun kahit alam niya masusugatan siya" parang mamatay na sa kakatawa si Arriane at pinaghahampas pa si Chase na nasa tabi niya.


" Meron pa! yung nag outing tayo tapos lahat naka bikini tapos siya naka sweat pants at hoodie siyang naligo dahil sinabi ni kuya na yun ang dapat niyang suotin sa beach. Ang epic!" nakahawak pa si Zeke sa tiyan nya habang tumatawa. Lahat ng sabihin ni Lance kay Haven ay sinusunod niya agad ito dahil sa pag asang mamahalin siya ng lalaki.


" But don't be deceived by her, Lance. Baka paikotin then tayo, Mahirap na" sabi ko at sumeryoso naman ang mga mukha ng kasama ko. "magpahinga na kayo dahil marami pa tayo gagawin bukas, Lalo na si lance at Haven" natawa ako dahil bakas ang pandidiri sa mukha ni Lance na siyang nagpatawa sa lahat.


Dumeritso ako sa kwarto at agad na nagshower. Paglabas ko ay nadatnan ko si Chase na nakaupo sa dulo ng kama. Naka pantulog na siya pero basa pa ang buhok niya kaya kunuha ko ang blower para mapatuyo ito.





"Lapit ka dito, basa na yung comforter ko oh" tinuro ko ito at naglakad siya papalapit sa akin.


Pinaupo ko siya sa harap ng vanity table ko. Dahan-dahan kong pinatuyo ang buhok niya gamit ang blower. Palagi niya ginagawa ito dahil gustong-gusto niyang maglambing saakin. Natuyo na buhok niya kaya tumayo sabay higa sa kama ko. Nag skin caere routine ako pagkatapos matuyo ng buhok ko and then tumabi kay Chase sa kama.


" Stress na stress kana Sia" hinatak niya ako at pinaunan ang braso niya. Niyakap ko siya at isinuksok ang mukha ko sa leeg nya.


" Ang dami kasing dapat gawin at dumagdag pa si Tito Manuel" napa buntong hininga na lamang ako at pinikit ang aking mata. I'm so tired.


" Tulog ka na,Babantayan kita" napanatag ako sa sinabi niya. Siya lang talaga ang nakakawala ng pagod ko. " Please stay " pahabol pa niyang sabi pero wala na akong lakas pa na tumugon dahil inaantok na ako.


Nagising akong may humahaplos sa buhok ko. Niyakap ako ni Chase ng mahigpit at nagsimula siyang kumanta. Kahit ilang beses ko na siyang narinig kumanta ay hindi ko parin maiwasang mamangha sa talent niya.


" Bumangon ka na Sia, masyado ka atang nag eenjoy ah? nangangalay na ako" natatawang sabi niya.

" Inaantok pa ako Chase. 5 more minutes" isiniksik ko lalo ang mukha ko sa leeg niya para matulog ulit pero bigla siyang tumayo kaya naalog ang utak ko.

" Hindi mo ako maloloko sa 5 minutes na yan,Sia." wala akong nagawa ng hilahin niya ang braso ko para maka bangon.


padabog akong tumayo at nagtungo sa CR para makapag handa na sa mangyayari ngayong araw. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis lang ako ng fitted denim skirt na hanggang tuhod at long sleeves na baby blue ang kulay and paired it with nude high heels.


Bumaba ako sa dining at nadatnan ang mga kaibigan ko na hinihintay ako para makakain na kami. Habang nasa hapag kainan ay hindi nakatakas si Lance sa panunukso ng troubles at halata ang pandidiri sa kanyang mukha. Palihim niyang inabot saakin ang dapat kong inumin.


Boung byahe namin papuntang school ay nakadungaw lang ako sa labas ng bintana at pinagmamasdan ang nag uunahang kotse. Maganda ang sikat ng araw at maaliwalas ang paligid na lalong nakakagaan sa loob.


Buong umga ay abala ako sa mga bagay na may kinalaman sa magaganap na foundation day next week. Sinigurado kong magiging maayos ito at nagreview na rin at konting kembot na lang ay friday na. Normal lang kung tutuosin ang araw na to kumpara sa mga nagdaan pero hindi talaga maiiwasang may sisira sa araw mo at yun ay ang lalaking malakas ang bilib sa sarili.


" DREEEEEEEEEEEEAAAAAAAAMMMMMMMM" napalingon ang lahat ng estudyante sa lakas ng pagsigaw sa niya. hindi ko tuloy mapigilang umirap dahil sa pagka isip bata niya. tumatakbo siya sa kinatatayuan ko kaya bigyan ko na lang siya ng bored look. " Kain tayn, Di pa ako nag breakfast" humihingal niya sabi.


" Eat by yourself" sabi ko at naglakad papuntang garden dahil doon ko planong mag aral ngayon. Umupo ako sa isang bench at binuklat ang librong hawak ko.


Habang nagbabasa ako ay bigla na lang tumulo ang dugo mula sa ilong ko dahilan para namanstahan ang pag na binabasa ko. Hinalungkat ko ang bag ko para hanapin ang panyo pero sadyang minamalas talaga ako at naiwan ko pa sa HQ.


" Ba't ka kasi dito tumatambay e alam mo namang mainit, dumugo pa tuloy ilong mo." inabutan nya ako ng panyo niya at tinanggap ko na lamang ito at ipinamunas sa ilong ko.


" Gusto kung magpasikat sa araw" sabi ko at agad na niligpit ang libro ko. Pinagmasdan ko ang paligid na sobrang payapa at presko ng hangin.


"Mas dalasan mo ang pag ngiti dahil bagay sayo " sabi ni Sky at kinurot ang pisnge ko. Binigyan ko siya ng matalim na tingin pero tumawa lang siya at iniwas ang tingin saakin.


Magiging tunay na masaya lang ako pag naitama na ang lahat ng maling nangyari sa nakaraan.

The Enigmatic ChickDove le storie prendono vita. Scoprilo ora