Hidden

2 0 0
                                    


Cesia's POV

Lahat kami ay nakatitig ngayon sa screen at halos hindi makapaniwala sa nilalaman ng file. Kaya pala ito pinag-aagawan ng mga halang ang bituka dahil sa kayamanang pupwede mapasalamay nila. Bilyon-bilyon ang laman nito bukod pa sa mga ari-ariang napaka rami.

"What the fuck! Grabe! Wala akong masabi kundi Salamat Shopee" sabi ni Zeke

" Bounce Back sa Lazada" mahinang sambit ni Christina.

Natawa na lang kami ng bahagya dahil sa itinuran ng dalawa. Nakakalula ang laman ng file bukod pa sa kayaman dahil nakapaloob din rin ang mga evidences ng pagkamatay ng aming mga mahal sa buhay. Nakapagtataka masyado kung bakit mayroong mga ebidensya na naka paloob dito gayun nasa pangagalaga ito ng mga kalaban at alam din nilang pwede itong maagaw ng kung sino man.

" Ang astig mo talagang mag decrypt ng codes, bro!" Sabi ni Drame at nakipagkamayan pa.

"Actually, Hindi ako ang naka open ng file" maharan siyang limingon saakin na ipinagtaka ko gayung kagigising ko lamang.

" Bakit ka ganyan makatingin?" Mahina kung sabi.

" While you were sleeping, nahirapan talaga akong buksan ang file hanggang sa magka ideya ako na kinakailangan ito ng fingerprint. Pinasubok ko ito sa kuya mo pero hindi gumana. Kaya kanina habang nagbabantay sayo ay naisipan kung itapat ang kamay mo rito at na-unlock nga. Madali ko na lamang na halungkat ang laman ng file hanggang sa nagising ka at ito na ang nakita nating lahat " pagpapaliwanag ni Laurence.

Kaming lahat ay hindi makapaniwala sa mga nangyayari. Nagkakapagtaka na ang file ay nangangailang ng aking fingerprint gayun kahit kailan ay hindi ko naman ito nahawakan. Lahat kami ay napaisip sa kung anong pwedeng dahilan ng mga nangyayari.

" Pero maiba nga tayo, Sino ba itong dalawang ito? Bakit sila andito?" Sabi ni Lance habang nakatingin sa gawi nina Timothy at Christina o mas mabuting tawaging Chelsie dahil ito naman talaga ang kanyang tunay na pangalan.

" They are our youngest siblings" sabi ko na nagpahulog sa kanilang mga panga.

" E Diba dalawa lang naman kayong siblings? Why are you apat all of a sudden?" Nagtatakang taning ni Arriane.

"After our parents died, we decided to hide them for their safety. They were just toddlers back then and we don't want them to experience a chaotic life. Kinupkop sila ng aming pinagkakatiwalaang butlers." Saad ni Drame.

" Kaya pala magkamukha tayo ate Dream! Kasi ate talaga kita! Namin " naiiyak na sabi ni Chelsie at niyakap ako.

Alam na noon pa ni Timothy ang totoo nilang pagkataon kaya't hindi na siya nagulat pa. Mahigpit ang kanyang naging pagbabantay sa aming bunso dahil siya ang aming princess. Bagaman ay hindi nila ako nakakasama ay palagi akong nakabantay sa kanila dahil ipinangako ko iyon sa mga magulang namin.

"Oh my God! Sila yung batang palagi mong binabantayan sa Academy! I knew you have a connection to them dahil sa inakto mo and im right!" Kumikembot na sabi ni Arriane.

" Im hungry! Wala ba kayong food kuya? Nagugutom na ako!" Nayayamot na saad ng aming nakababatang kapatid.

" Mom and Dad will probably drop by later, I'll ask them to buy some food" sabi ni Timothy kaya tumango na lang si Chelsie.

Matapos kaming magkumpolan sa kama ko ay napagpasyahan ng lahat na magpahinga muna dahil sa pagod habang ako ay hinahalungkat ang laman ng file. Marami ang nakalistang ari-ariang mapupunta sa aming pamilya at gayun din ang naguumapaw na pera. Hindi ko mawari kung anong gagawin namin dito gayung sobra-sobra ito.

Nahagip ng mata ko ang isang folder na nakapangalan sa akin. Nang akmang bubuksan ko ito ay agaran itong humingi ng password na ang Clue ay ang salitang Daddy. Inilagay ko ang buong pangalan ni daddy ngunit mali. Halos nailagay ko na ang lahat ng alam kung kunektado kay daddy kasama na ang lahat ng pangalang ng pamilya namin ngunit hindi ko parin ito mabuksan.

Dahil sa pagka-irita ko ay natipa ko ang katagang gusto kong isigaw sa kanya. " NakakabadtripAngPasswordMoDaddyDapatKasiCesiaDreamYlaineNaLang!. Yan ang itinipa ko at bumukas ang folder at tumambad saakin ang samot sariling documents ngunit mayroong isang document ang naka agaw ng aking attention na agad kung binuksan.

Nang Mabasa ko ito ay gayun na lamang ang saya ng aking naramdaman dahil sa wakas may sagot na rin ang aking mga dasal. Hindi ko maipaliwanag ang tuwang naramdaman ko at napaluha na lamang ng tahimik. Binasa ko ito ng mabuti at nakasisiguro akong ito na nga ang solusyong bigay ng panginoon.

" Ate! Bakit ka umiiyak! Dahil ba sa pagpilit ni Kuya Chase sa iyong magpakasal?! Malalagot talaga sa akin yung lalaking yun pagnagkataon" matapang na sabi ni Chelsie sa natutulog na Chase.

"Masaya lang ako dahil sa wakas magkasama na tayo, mamaya darating din sila mommy at daddy" sabi niya ng nakangiti at kalaunan ay niyakap ako ng marahan.

Kinilala niya ngang magulang ang mga kumupkop sa kanya na mabuti na rin ng maranas rin nila kung ano ang pakiramdam ng mayroong magulang na nagmamahal. Sayang nga lang at hindi nila naranasan na maalagaan ng parents namin. Ganun pa man ay masaya ako at napalaki nila ng maayos ang mga kapatid ko.

" Alam mo ba na lagi akong kinakantahan ni mommy, ate. Tapos pinagluluto niya rin kami ng baon para sa school. Ayaw nya nga rin kaming lumabas dahil delikado daw. Minsan nakakasakal talaga pero buti na lang at andito kana para protektahan kami" sabi niya pa at hanggang ngayon ay nakayakap pa rin saakin.

" Lahat ng gusto mong gawin, Susuportahan kita. Sasamahan at Puprotektahan sa mga taong mananakit sayo, Tadaan mo yan. Kami ng mga kuya mo ay hindi ka pababayaan." Hinaplos ko ang kanyang buhok.

Ngayong tapos na ang laban ay wala ng dahilan pa para magkahiway kaming magkakapatid. Matapos kung mangako sa kanya ay nauwi kami sa napaka habang kwentuhan tungkol sa mga kalukuhan niya para lang makalabas sa bahay. Masasabi kong masaya naman ang kanyang childhood memories hindi kagaya ng sa amin ni kuya. Kung ako ang puro ensayo ang inaatupag ay kabaliktaran nito ang kanyaang ginagawa na puro laro lamang.

"Ate mahal kita, at nandito lang ako parati kahit anong mangyari, hindi ka namin iiwan" makahulugang sabi niya saakin.

" May alam ka ba sa kalagayan ko" natatakot kung tanong at agad nilibot ang aking paningin kung maroong bang ibang nakatingin sa gawi namin. Nang makasiguro akong wala ay ibinalik ko ang atensyon ko sa kaniya.

"Yes Ate, but i promise to keep your secret basta ba lalaban ka" sabi niya at pinisil ang mgakabila kong pisngi.

"I will" nasabi ko at hinawakan ang kanyang mga kamay.

Nang inantok si Chelsie ay nahiga siya sa tabi ko ng nakayapos sa akin. Hinaplos ko ang kanyang buhok ng sa gayun ay tuloyan na siyang makatulog at makapagpahinga. Kahit sa edad na 15 ay nangingibabaw na ang kanyang angking kagandahan na namana namin sa aming mga magulang. Palagi akong nakatutok sa kanya sa academy sa kadalihanang marami itong manlikigaw.

May kumatok sa pinto kaya agad na tumayo si Timothy at bunuksan ito. Nakangiti at mayroong dalang pagkain ang pumasok ang lalaking naka face mask at ang kanyang kasamang babae naman ay nakatalikod at may kausap pa sa telepono. Tinitigan ko ang mukha ng lalaki na mahahalatang nakangiti dahil sa paniningkit ng kanyang mga mata. Matagal ko ng hindi nakita ang mga matang iyon ngunit hindi ako pwedeng magkamali kung sino ito. Humarap ang nakatalikod na babae at naging dahilan ng paghagulhol ko.

The Enigmatic ChickWhere stories live. Discover now