Almost

3 0 0
                                    

Cesia's POV

Habang nasa biyahe ay hindi ko parin maiwasang isipin ang misteryosong lalaki kanina. Pamiliar siya at alam kung malaki ang parte niya sa pagkatao ko gayung hindi naman ako interesado sa mga bagay na walang kinalaman saakin. Malalaman ko rin ang totoo sa tamang panahon kaya isinandal ko na lamang ang aking sarili sa upuan.

Walang nagsasalita sa amin dahil kapwa kaming may pinag-iisipan. Focus naman nag mamaneho si Chase at hindi magandang ideya na gambalain ang taong nagmamaneho. Gayun rin ang pagiging seryoso ni Laurence sa back seat na hanggang ngayon ang nakatutok sa laptop at nagtitipa ng kung ano man ito.

" Someone's following us, ready yourselves " sabi ni Chase at pinaharorot ang kotse patungo sa isang malawak na green field.

Inihanda ko ang aking sarili sa magiging laban. Inaantay namin silang makarating dito upang malaman kung ano man ang kanilang pakay. Nagsidatingan ng ang mahigit sampung sasakyan at lulan nito ang mga armadong lalaki.

" Stay in the car, Laurence. Kami na ang bahala sa kanila" sabi ko at lumabas ng sasakyan kasama si Chase.

Hawak niya ang isang Katana ko. Mahusay rin siya sa pakikipaglaban gamit ang katana kaya alam kong magiging madali lang ito para sa kanya. Seryoso niyang tinitigan ang taong papalabas ng sasakyan at sa isang iglap lang ay napatumba na niya ang mga ito.

Agad din akong sumugod upang matulungan si Chase na patumbahin ang mga kalaban. Baril ang kanilang mga hawak kaya pabor sa kanila kung long range ang labanan. Swabe ang paggamit ni Chase sa kanyang sandata na para bang lumulutang siya. Walang binatbat mga lalaki sa amin ni Chase dahil madali lang namin silang naubos.

Akala namin ang tapos na ang laban ngunit may pares ng kalaban ang biglang lumitaw. Dalawang lalaking mayroon ding dalang Katana ang unti-unting lumapit sa kinaruruonan namin. Ma-autoridad ang kanilang aura kaya hindi ko matanggal ang tingin sa kanila.

" Ahh what a pleasant couple we have here, brother " sabi ng isa sa mga lalaki. Katamtaman lang ang laki ng kanyang katawan ngunit mapapansin mong tunay siyang malakas.

" Cesia and Chase" sambit ng lalaking kulay abo ang mga mata.

Nakakapangilabot ang kanyang tinig dahil sa sobrang gaspang nito. Nilalaro ni niya ang katana gamit ang isa niya pang kamay at sinadyang sugatan ang kanyang sarili. Napangisi siya ng makitang tumulo ang kanyang dugo.

" Who sent you " sabi ko kaya agad naman silang tumawa.

" Akala namin hindi ka na magtatanong, ngunit para hindi naman ikaw ang tinutukoy ni boss" sabi ng lalaking may katamtaman ang katawan.

" What do you mean?" Nagtatakang tanong ni Chase. Kanina pa siya tahimik at nagmamasid lamang sa paligid.

" batay sa mga mata mo na kulay kayumanggi ay imposibleng ikaw ang tinutukoy nilang Queen" napa iling pa siya matapos ng kanyang itinuran.

Tinanggal ko ang aking contact lenses at tumambad sa kanila ang aking mga mata. Magkahalong lila at asul ang natural na kulay ng aking mata. Natigilan sila sa sandaling masilayan ito.

" Ikaw na nga ang dapat namin tapusin." sabi ng lalaking kulay abo ang mga mata.

Mabilis niya akong sinugod at masangga ko naman. Magaling siyang makipaglaban at malalakas rin ang mga ataking binibitawan niya. Kahit ganun pa man ay nasisiguro kung ako ang mananalo sa labang ito.

Mabilis ang kanyang kilos kaya nasasabayan niya ako. Marami na rin siyang sugat na natamo kaya kung titignan ay para na siyang naliligo sa kanyang sariling dugo. Mayroon din akong mga sugat pero hindi naman ito malalim gaya ng sa kanya.

Natumba siya sa ataking ginawa ko at agad naman akong lumayo para daluhan si Chase nahihirapan na sa pakikipaglaban. Kung nahuli pa ako ay malamang patay na si Chase dahil sa sobrang panghihina. Sinalag ko ang atake ng kalaban at madali ko iyong inilayo sa kinaruruonan ni Chase para hindi na nito madamay pa.

Mabilis ang naging kilos ko dahil mahusay rin ang kalaban. Kagaya ng lalaking kulay abo ang mata ay hindi hamak na mas mahina ang isang ito. Kahit nagihirapan na siya ang nakangisi pa rin ang kalaban ko ngayon sa hindi malamang kadahilanan. Nang mawala ang kanya atensyon saakin ang agad kong pinugot ang kanyang ulo kaya parang gripo kong umagos ang dugo sa paligid.

Hindi ko inaasahang sa paglingon ko ay siya rin pagtusok ng katana ng lalaki sa aking kalamnan kaya ako natigilan. Nakita ko rin ang reaksyon ni Chase ng makita ang katana sa aking tiyan. Kahit nanghihina ay mabilis kong pinugot ang ulo ng aking kalaban.

Natumba ang aking kalaban dahilan ng pagkahila ng katana papalabas sa aking kalamnan at nagdulot ito ng nakababaliw na sakit. Agad akong dinaluhan ni chase at diniinan ang aking sugat upang pigilin ang pag agos ng dugo. Bakas ang pag- aalala sa kanyang mga matang lumuluha.

"Hang on, Sia" sabi niya na tila bulong na lamang ang lakas nito dahil unti unti ng nawawala ang aking pakiramdam. Unti-unti na rin dumidilim ang mga mata ko. Patawad Chase.

Chase's POV

Nawalan na ng malay si Sia ng dumating si Laurence lulan ng sasakyan. Agad ko rin siyang isinakay ay patuloy na dinidiinan ang kayang sugat.

Nang makarating kami sa ospital ay agad siyang ipinasok sa Operating Room para lunasan. Lahat ng kaibigan namin at Kuya niya ay nadirito malibang kay Lance na siyang gumagamot sa kanya. Lahat kami ay kabado sa kung ano mang pwedeng mangyari kay Sia. Tahimik ring uniiyak ang mga kasama ko at hindi rin mapakali kagaya ko.

Kung hindi lang ako naging mahina ay hindi ito mangyayari sa kanya. Kung dumating lang ako ng mas maaga ay hindi siya nasaksak ng walang hiyang lalaking iyon. Kung hindi lang sana ako nagpabaya ay hindi siya malalagay sa panganib. Kasalan ko itong lahat ng nangyayari sa kanya.

" Ipagamot mo muna yang sugat mo habang nasa operating room pa si Cesia" sabi ni Drame.

" Hihintayin ko munang maging maayos si Sia." sabi ko at hindi lamang sila binigyan pa ng pansin.

Ilang oras na ang nakalipas ngunit hindi patin tapos ang operation. Ang mga kasama ko naman ay nakatulog na sa paghihintay. Hindi ako mapapanatag hanggat higit nagiging ligtas ang mahal ko.

" Narinig mo ba ang sinabi ko kanina, Chase? Nung sinabi kong sasaksakin ng kalaban si Queen sa ear piece?" Tanong ni Lauren sa akin na natayo sa gilid ko.

" Oo, kaya dali-dali akong tumayo para sana pigilang masaksak siya pero nabigo ako" nakayukong sabi ko.

" Sa tingin ko ay hindi ito narinig ni Queen dahil mukhang tinanggal niya ang pagkakasuot ng ear piece." Mahinang sambit ni Lauren na bakas din ang pagkalungkot sa nangyari.


Bumukas ang Operating room ang inuluwa nito ang aming kaibigang si Lance. Bakas ang pagod sa kanyang mga mata gayon rin ang lungkot. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may masama pang mangyari sa magiging asawa ko.

" We almost lost her. Almost" sabi niya at agad naman ako nabunutan ng tinik kahit papaano.

The Enigmatic ChickWhere stories live. Discover now