Chapter 7-Captured

4.1K 105 0
                                    

Ice POV:

''IIIICCEEEE!!!!" Sigaw ni Cass.

"Ano ba yan bwiset natutulog ung tao eh!" Sabi ko.

"Uuy gumising ka na! Andun ung prince charming mo sa labas hinihintay ka!"Sabi ni Alex.

"Huh? Sinong prince charming?" Nalilitong tanong ko.

''Sino pa ba? Edi si Josh!" Sabi ni Cass.

Waa namumula na naman ako mukha akong kamatiiisss!
Di ko na lang namalayan na biglang dinala na ako ng mga paa ko pauntang CR. Naligo na agad ako at isinuot ang pinaka-disenteng uniform na meron ako. Inayos ko na ang itsura ko at lumabas na. Andun siya at Namumula ako nang titigan niya ako mula paa hanggang ulo.

"Ang ganda mo ngayon." Sabi niya.

Ung pisngi ko.. Ang iniiit! Waa namumula ulit ako!

"Uy bakit namumula ka nanaman? May sakit ka ba?"Sabi niya.

"Ay w-wa-wala.." Sabi ko. Waa nauutal na ako ano ka ba Ice! Magpaka-tino ka!

"Ok tara na alis na tayo." Sabi niya.

"Saan pupunta? Sa paraiso?" Wala sa sarili kong tanong.

"Ano?" Tanong niya. Natauhan din naman ako. Tawa ng tawa lang ung ibang kasama namin. Nakakahiya!

"Ay err.. I mean.. Saan tayo pupunta?" Sabi ko.

"Sa Headmasters office, May mahalaga daw na sasabihin sa atin si Headmaster." Sabi ni Josh.

"Ok." Sabi ko.

Pumunta na kami sa office ni Headmaster at andun nga siya.

"Bakit mo po kami ipinapatawag Headmaster?" Tanong ni Josh.

"I'm sending you for a mission." Sabi ni Headmaster.

"What mission to be exact?" Tanong ni Jake.

"May spy kaming ipina punta sa Dark kingdom at nalaman nila na balak nilang kunin si Lily." Sabi ni Headmaster. Ha? Bakit ako

"Your task is to keep Lily safe. Nalaman din nilang susugod sila bukas kaya kailangan niyong protektahan si lily."

"Ha? Bakit naman po ako? Ano pong kailangan nila sa akin?" Tanong ko.

"Dahil isa kang napaka lakas na tao Lily. Gusto kang mapangasawa ng dark prince Lily." Sabi niya. Wait, hindi ko maintindihan ang sinasabi niya...

"Ano pong malakas?" tanong ko.

''Ikaw ang itinakdang tao na nagtataglay ng Fear-sighting magic. Ikaw ang anak ni Queen Aiza. Ang diyosa ng yelo at ni King Danielle, Ang kapatid ni Poseidon at ang diyos ng mga bampira." Sabi ni Headmaster.

"Diyos po ang mga magulang ko?" Tanong ko.

"Oo Lily. Pero hindi ang mga magulang mo na kinikilala mo sa mortal world.. Ipinaubaya ka lamang ng mga totoong magulang mo sa kanila dahil sumalakay ang dark kingdom sa Vaporea kingdom noong sanggol ka pa. Nasawi ang mga magulang mo sa laban pero naitakas ka papunta sa mortal world ng kapatid ni Lizelle." Sabi niya. Napakuyom ang mga palad ko sa narinig ko. Ang dark prince at ang hukbo niya ang sumira sa buhay ko!

"Kailangan ka namin protektahan laban sa kanila dahil pag nakuha ka nila ewan ko na lang." Sabi ni Headmaster.

"Ok po." Sabi namin.

.......

Andito kami ngayon sa tuktok ng school.. Ang mga teacher ay naghanda na pati na rin ang mga estudyante.. Mamaya-maya ay nakita na namin na papunta na dito ang hukbo ng dark prince.

World Changes: The lost princess of VaporiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon