Chapter 9-The blood manipulator

3.5K 105 0
                                    

Ice POV:

''Gusto niyo mag friendly-match?" Tanong ko.

"Ayaw lugi kami." Sabi nilang dalawa.

"Oh sige... No magic ako magkakampi pa kayo." Sabi ko.

"Ok."Sabi nila.

Nagpunta na kami sa training room at andoon na si Headmaster Aizelle dahil tinawag ko siya gamit ang telephaty ko.

"Ok ano maitutulong ko?" Tanong ni HM.

"Gamitan mo po kami ng hatred spell para maglaban kami. Magkakampi po silang dalawa tapos mag-isa ako. Hindi rin po ako gagamit ng magic ung ice set lang po gagamitin ko." Sabi ko.

"Ok." Sabi niya.

Pumuwesto na kami sa gitna at naka-seal na ang powers ko. Nai-summon ko na din ang ice set.

"Ang matatalo may parusa." Sabi ko. Nginitian ko sila kaya kinilabutan sila. Alam nilang pag-tritripan ko nanaman sila pag natalo ko sila.

''Ready?" Tanong ni HM.

"Yes." Sabi namin.

Cinast na niya ang spell kaya may naramdaman akong nabuong galit sa kanilang dalawa... Parang ang laki ng atraso nila.

Sumugod na silang dalawa. Si Cassandra ay nagpalipad ng Fire blades papunta sa akin samantalang si Alexandra ay nagpalipad naman ng earth blades. Iwas lang ako ng iwas pero may pumama na fire blade sa kaliwang braso ko kaya napangiwi ako sa sakit. Gaaahh!

"Now, my turn.'' Sabi ko.

Sumugod na ako sa kanila.. Sinubukan nila akong patamaan ng same technique na ginawa nila kanina pero naiwasan ko na lahat yun. Napakabilis ko kaya di nila namalayan na nasa likod na nila ako. Agad ko sila hiniwa sa may bandang legs kaya napasigaw sila sa sakit. Hindi pa ako nakuntento at sinipa sila sa may tagiliran kaya tumalsik sila. Ayun, Tulog silang dalawa.

'Dispell' Sabi ni HM kaya nawala na ang epekto ng spell. Nilapitan ko na sila Alex at Cass walang malay. Nag unseal na ako ng powers maliban siyempre sa fear sighting.

'Healaia' Bulong ko kaya na-heal na sila. Nagising na sila.

"Ang lakas mo talaga." Sabi ni Cass.

"Oo nga ate tingnan mo wala kaming palag!" Sabi ni Alex kaya binatukan ko siya.

"Aray! Para saan yun!?"Sabi niya.

"Anong walang palag eh anong tawag mo dito!?" Sabi ko sabay turo sa nalapnos na kaliwang braso ko. May kasama pang mga patusok na bato.

"Ayy.." Sabi niya.

'Healaia' Sabi ko kaya gumaling na ang mga sugat ko.

"Ok nice match aalis na ako." Sabi ni Headmaster.

"Thank you po." Sabi ko.

"No prob." Sabi niya at umalis na siya. Napansin ko na 5:00 na ng hapon kaya nagpunta na kami sa canteen at nag meryenda na.

Bilang may narinig kami na pagsabog. Pinuntahan namin ito at nakita namin ang isang lalaki na may kasamang babae.. Ang babae ay mukhang hinang-hina na. Tumingin ako sa lalake at inanalyze ko siya. Isa siyang taga- dark kingdom. Ginagamit ang isipan niya.

"Shit ba't si Ken pa?" Sabi ni Alex.

"You know him?" Tanong ko.

''Oo...... Kababata ko."

"What's his power?" Tanong ko.

"Blood manipulator." Sabi niya. Tumango na lang ako. Hehe. He's gonna be quite a challenge.

World Changes: The lost princess of VaporiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon