[1] NEIGHBORS

104 19 46
                                    

"Ania, "

Alam ko tinatawag ako ni Tita pero ayoko pa rin dumilat.

"Ania, bumangon ka na. Hindi mo pa naaayos ang gamit mo mula kagabi. "

Ilang minuto pa ay dumilat na ako. Naniningkit pa ang mga mata ko dahil sa sobrang liwanag ng kuwarto, hindi ko kasi naisarado ang bintana mula kagabi. Pinilit kong bumangon sa kabila ng pagod sa biyahe mula kagabi. Ito ang bagong titirahan ko, nang hindi kasama ang mga magulang ko.
Siguro pabigat lang ako sa kanila, kaya mas pinili nilang dito na ako tumira kay Tita.

Marahan akong tumayo para isarado sana ang bintana pero may nakita akong tao sa ibaba. May binubuhat siyang mga kahon papasok dito sa bahay, kaya naisipan kong lumabas ng kuwarto at bumaba.

"Oh, Ania. Mabuti at gising ka na. Sige iho, pakilagay nalang sa kusina ah. "

Sumulyap ang lalaki sa'kin bago tumango sa mando ni Tita, bitbit ang isang kahon. Sa tingin ko ay magkasing edad lang kami ng binata, tinitigan ko lang rin siya na mayroong maayos at kulay itim na buhok at magandang hugis ng mukha. Saglit na nagtama ang mga mata namin matapos niyang ilagay ang kahon sa kusina.

"Ania, ito nga pala si Arl siya ang madalas na taga-deliver ng kahon na ginagamit ko sa paggawa ng mga cupcakes. Dapat lang na makilala mo siya dahil madalas mo siyang makikita dito. " pakilala ni Tita, nagulat naman ako ng ngumiti si Arl. Parang biglang naging maamo ang mukha niya.

"Hello, Arl? " parang hindi pa ako sigurado sa sasabihin ko dahil nga nahihiya ako.

"Nice meeting you, Ania. "

Malumanay ang boses niya, para bang napaka-espesyal ng pangalan ko. Napasulyap naman ako sa salamin na nakalagay sa tapat ng kinatatayuan ko, saka ko naalalang hindi pa nga pala ako nagsusuklay!
Mabilis akong umakyat sa taas, nakakahiya para na namang nakuryente ang kulot kong buhok na hirap ako  palaging suklayin. Narinig ko pang natawa si Tita sa'kin bago ako makabalik sa kwarto.

Nagsuklay na ako at naligo at itinirintas ang buhok ko, para makalibot naman ako sa bago naming nilipatan.

"Tita, pwede po bang maglibot ? " abala siyang nag-aayos ng mga cupcakes at cookies na negosyo niya mula nang umalis si Tito patungong abroad. Dahil hindi daw sila magkaanak, kaya siguro ako nandito.

" Sige lang Ania, wag ka lang lalayo ah."

Akmang aalis na ako nang muli niya akong tawagin.

"Ania! Bakit hindi mo tawagin si Arl? magpasama ka sa kanya dahil kabisado niya ang lugar dito. "  nag alangan naman ako bigla.

"Mabait naman ang batang 'yun. Katukin mo lang diyan sa kabilang bahay. " dagdag niya.

Nang makalabas ako ay agad kong nilibot ang paningin ko. Napakaganda, sariwa ang hangin at maraming puno kung ikukumpara sa tinirahan namin dati. Magkakalayo ang mga bahay na may mga dalawang palapag, lumingon ako isang bahay na kalapit lang namin, doon kaya nakatira 'yong Arl na 'yon?

Nagbakasakali ako at kumatok sa pinto. Parang walang tao. May nabasa pa akong nakatatak na pangalan sa pinto,

"ACOSTA" 

Napakunot noo ako bago muling kumatok pero wala pa rin, siguro walang tao dito , aalis na sana ako nang bumukas ang pinto.

"Anong kailangan mo, Ania? "

Syempre nagulat ako, nang makita ko siya naka simpleng gray na T-shirt lang at six pockets.

"Hmm... Sabi ni Tita baka pwede daw akong magpasama sayong maglibot dito." kako.

Hindi naman siya tumanggi at kumuha saglit ng leather jacket. Matangkad siya sa'kin sa malapitan at parang misteryoso ang mga mata niya.

"Tara na? saan mo gustong magsimula? Ania? "

"Kahit saan... "

Mabait naman at madaling kausap si Arl. Sa paglalakad lakad namin ay nakarating kami sa isang lawa, na makikita banda sa likod ng mga bahay na nakatayo sa kalsada.

"Isa ito sa mga paborito kong lugar dito sa Rockyside. Halos dito na kasi ako lumaki. " kwento niya.

Malumanay talaga siya mag salita kaya hindi ka matatakot kasama siya.

"Ah ganun ba? Tama ka, ang ganda nga dito... " naupo ako sa nakatumbang puno at tinanaw ang kabuuan ng lawa. Ang linaw ng tubig at may mga maliliit na isda, sa paligid nito ay may mga kahoy na nakatayo .

"Arl? bakit parang bitin ang pangalan mo? " dagdag ko habang dumadapyo ang malamig na hangin sa mukha ko. Kumuha siya ng bato at ibinato sa lawa.

"Ang totoo niyan. Dito ako mismo pinanganak..." nagtaka naman ako sa  simula niya.

"Dito ako pininanganak ng Mama ko , sa tabi ng lawa habang umuulan dahil wala na siyang masilungan, kaya  sinaklolohan siya ng Tito mo... "

Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Ano? Si Tito? "

"Oo... nang isilang ako ni Mama dito, sabi ng Tito mo...Arl daw ang huling sinabi ni Mama bago siya malagutan ng hininga, kaya iyon na ang ipinangalan sa'kin. "

Bakit walang binanggit si Tita sa'kin tungkol dito ? Kaya naman siguro pinagkakatiwalaan siya ni Tita... Nakaramdam ako ng panlalamig dahil sa walang tigil na dapyo ng hangin sa balat ko. Ganito pala kalamig dito tuwing umaga?

"Ito, suotin mo muna. " inabot niya ang leather jacket niya at sinukbit sa balikat ko.

"Sadyang malamig ang hangin dito tuwing umaga dapat masanay ka na."

"Salamat, Arl. Kaya ba malapit kayo sa isa't isa ni Tita?"

Nakangiti siyang tumango, ang amo talaga ng mukha niya pati yung mata niya ay talagang natutuwa. Muli siyang pumulot ng bato at ibinato sa lawa, mas malayo kaysa kanina. Siguro ako naman ang dapat magkwento.

"Ania Ferrell, hindi ko alam kung bakit 'yun ang ipinangalan sa'kin. " kako.

Bahagya siyang lumingon sa'kin at nagtama ang mata namin.

"Ang ganda..."

Nagtaka naman ako.

"Ang ganda ng alin? "

"Ang ganda ng pangalan mo. Kung ano man ang dahilan nila ay sinigurado lang nilang babagay ang pangalan mo sayo. "

Napangiti nalang ako sa sinabi niya. Magaling siyang magsalita, nakakabilib. Nagpatuloy kaming maglakad-lakad sa tabi ng lawa, nang makalayo na kami ay nagdesisyon na rin siyang ihatid na ako pauwi dahil hapon na.

Ania FerrellWhere stories live. Discover now