[2] ARL ACOSTA

65 16 39
                                    

" Arl, salamat ang saya pala maglibot dito sa Rockyside. " kako habang nasa labas kami ng bahay.

Naningkit ang mata niya na parang natatawa sa sinabi ko.

"Oh bakit may problema ba? "

"Wala...Wala naman, masaya ka rin kasing kasama. Paano? Una na ako ah."

Tumango lang ako nang makaalis siya. Pumasok na ako at dumeretso na sa kuwarto bago nagligpit ng mga damit ko habang wala si Tita. Hindi pa kasi ako nakakapagligpit hanggang ngayon. Mahiya naman siguro ako kahit kunti.

__

Lumipas ang mga araw. Halos hindi na rin ako nakakalabas ng bahay. Abala kasi ako sa pagda-drawing, dahil madaming sketch pad na ibinigay sa'kin si Tita. 

"Oh Ania, mukhang nababagot ka na ah." sita ni Tita.

"Oo nga po wala po kasi akong ma-sketch. "

"Bakit hindi mo subukang lumabas? Baka madami kang magawa tutal hapon na at hindi na mainit ngayong hapon."

Nagpintig ang tenga ko sa narinig.
Oo nga 'no?
Dali-dali akong umakyat at nag ayos ng sarili para naman hindi ako magmukhang aswang. Bago ako lumabas binitbit ko ang sketchpad at ibinulsa ko naman ang mga lapis ko. Bakit ganon? Wala man lang bang tao  sa labas hanggang ngayon? Napakatahimik talaga dito sa Rockyside. Halos lahat ata ng nakatira dito ay nagtatrabaho sa opisina at kung  hindi ako nagkakamali ay bihira lang silang makauwi.

Naglakad-lakad ako hanggang kanto. Wala pa talaga akong gaano kakilala dito maliban kay Arl. Teka, nasaan nga pala siya?
Inikot ko ang paningin ko nang may bigla akong mabangga.

"Oppps! Sorry hindi ko sinasadya."

Tinitigan ako mula ulo hanggang paa ng dalawang lalaki na magkamukha? Tama! kambal nga sila!

"Sa susunod pwede tumingin ka naman sa kalsada! pasalamat ka guwapo ang nabangga mo." sabi nito habang nakangisi, siniko naman siya ng isa niyang kambal na mas mataba sa kanya .

"Bro! wag ka ngang mayabang! Hello Miss. Bago ka lang ba dito? baka naliligaw ka, tara! sama ka muna sa'min. " sabay hila sa kamay ko kaya nahulog ang sketch pad ko.

"Ah pwede bitawan niyo ko? Ayoko sumama sa inyo! nasasaktan ako ano ba! " pagpupumiglas ko pero ayaw nila ako bitawan.

"Pwede bitawan niyo siya? " agad akong lumingon sa nagsalita. Si Arl!

Napahinto naman ang kambal
"Siya si Ania. Kung kukunin niyo siya para niyo naring pinagkaitan ang sarili niyong makatikim ng cupcakes at cookies na ginagawa nila. "

Mabilis akong binitiwan ng kambal kaya tumakbo ako kay Arl.

"Hey! Arl! I'm so so sorry dude. Kilala mo pala siya?" sabi n'ong mapayat.

"Arl! Sorry hindi na mauulit. Hello Ania. I'm so sorry. We hope to taste your cupcakes and cookies again. " sabat naman ng mataba bago sila umalis.

Agad namang inabot sa'kin ni Arl ang sketchpad ko.
"Sa susunod wag kang lalabas ng mag isa, Ania. "

"Salamat Arl... " nakayuko kong sabi ginulo niya naman ang buhok kong nakalugay.

"Bakit mo ginulo? "

"Para hindi ka na lapitan ng kung sino-sino. " natatawa niyang sabi, mapagbiro din pala ang lalaking 'to?

"Eh sino ba kasi ang kambal na yun? " pag iiba ko. Napakagat naman siya sa ibabang labi niya para pigilan ang pagtawa kaya naman nainis ako bigla sa kanya.

"Tatawanan mo parin ba ako? Diyan ka na nga! " sabay talikod.

"Teka! Ania, biro lang naman. Sila ang Erman twins, anak sila ni Mr.Erman na suki ng Tita mo sa mga cupcakes niya dahil paborito daw 'yon ng kambal, si Jake yung mapayat at si Nake naman 'yong mataba. "  paliwanag niya at muling inayos ang buhok kong ginulo niya.

"Ganun ba? Sige uuwi na ako. " kako, dahil medyo nasira ang araw ko sa nangyari.

"Uuwi ka na agad? Diba kakalabas mo lang? " sinabayan niya ako sa paglakad.

"Oo, uuwi na ako baka ano na naman ang mangyari sa'kin. " tuloy parin ako sa pag lakad nang hawakan niya ako sa kamay para pigilan.

"Nandito naman na ako eh, isa pa. Hindi ka ba nababagot sa bahay niyo? " nagkibit-balikat lang ako sa sinabi niya, talagang makulit itong lalaking to.

"Tara! Doon muna tayo sa lawa. " sabay hila sa'kin umikot kami sa kanto at nakarating sa lawa.

Binitawan niya ako at may kinuhang plastic sa tabi ng natumbang puno. Nagwisik siya ng ilang butil sa lupa .

"Anong ginagawa mo? " kako,

"Basta makikita mo nalang sa sunod na pagbalik mo dito. "

Naupo nalang ulit ako sa puno at pinanood ang kabuuan ng lawa naisip kong maganda kung iguguhit ko ang...

"Patingin naman ako ng sketch pad mo, Ania. " nilingon ko si Arl, parang interesado ang mga mata niyang makita ang mga ginuhit ko kaya inabot ko nalang sa kanya. Binuklat niya naman agad ang bawat pahina.

"Ang galing mo naman palang mag-drawing. Bakit hindi ako ang i-drawing mo? " natawa ako sa sinabi niya , dahil sa kanya ko pa talaga unang narinig 'yon.

"Bakit? sigurado naman akong kaya mo akong i-drawing, sige na Ania. "

Talagang mapilit siya kaya naman sumang ayon nalang ako.

"Lumapit ka doon banda sa punong 'yon. " agad naman niya akong sinunod at nag pa cute na parang model kaya naman tawa ako ng tawa.

"Ano ba Ania! I-drawing mo nalang kaya ako ng maayos." reklamo pa niya habang nagpapacute.

Natapos ko siyang i-drawing nang sumasakit ang tiyan ko kakatawa, ganito pala kakulit itong si Arl.

"Patingin nga ako, " sinuri niyang mabuti ang ginawa ko.

"Ano? Maganda ba? " nag aalangan kong sagot bigla namang sumeryoso ang mukha niya kaya kinabahan ako.

"Magaling kang gumamit ng lapis..." tipid niyang sagot at nakangiting tumingin sa'kin.

"Ha ? Anong ibig mong sabihin? " isinarado niya ang sketchpad ko at nilagay sa tabi.

"Hindi naman kailangan perpekto ang gawa mo para hangaan ka ng ibang tao di'ba? Sapat na 'yong napasaya mo sila." natulala naman ako sa sinabi niya.

" Ayos ka lang ba, Ania ?"

"Ahh. Oo ayos lang ako, Tama ka... " nakangiti kong sabi buong buhay ko kasi wala akong ibang iniisip kundi ang maging perpekto at tama sa lahat ng ginagawa ko...para maging proud naman sa'kin ang magulang ko pero wala... wala akong narinig na paghanga mula sa kanila...
Ngumiti lang rin siya at muling ginulo ang buhok ko na para bang nangigigil.

"Ano ba Arl! " reklamo ko, tawa naman siya ng tawa sa itsura kong mukhang aswang kaya natawa nalang din ako. Kami lang ang maingay sa lawa hanggang sa biglang may nagsalita

"Arl!" napalingon kami pareho sa tumawag sa kanya, sino siya?

Ania FerrellTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang