[4] LANCE PACARDO

41 10 17
                                    

Dumaan ang mga araw, linggo at siguro halos mga buwan na din ang lumipas.Madalas kaming magkasama ni Arl, sobrang sarap sa pakiramdam kasi habang tumatagal ay nakakarecover na ako sa bago kong tinitirahan.

Maaga nga pala akong gumising para tulungan si Tita sa paggawa ng cupcakes at cookies. Natutuwa naman ako dahil ako ang gumagawa ng design.

"Tita ayos na po ba? "

"Ayos na yan, Ania. Bilisan mo diyan dahil naghihintay na si Mr.Erman sa orders niya. "

Abala ako sa paglalagay ng icing nang may kumatok, dali-dali namang pinagbuksan ni Tita si Arl na may bitbit na mga kahon  na araw-araw niyang hinahatid sa bahay. Hindi tuloy maiiwasan na magkita kami.

"Arl, paki patong nalang sa lamesa." tumango siya bago ako nilapitan.

"Good morning, Ania." nakangiti siya at itinukod ang mga kamay sa mesa, abala sa panonood sa'kin habang nagdedesenyo ako ng cupcakes.

"Talaga bang ganyan iyan, Ania? " nagtaka naman ako sa tanong niya.

"Ang alin? "

Ngumuso siya sa ulo ko at naalala kong hindi na naman pala ako nakapagsuklay. Humagalpak naman siya sa tawa nang mabilis akong tumakbo sa taas para makapagsuklay.

"Ania! Ano bang nangyayari diyan?" sigaw ni Tita. Nasa banyo ata siya at narinig siguro ang malakas na pagtawa ni Arl.

"Wala po Tita Len! Sige po alis na po ako. " sabat ni Arl at natatawa pang lumabas ng bahay. Nang makabalik ako sa lamesa ay sinamaan ko lang siya ng tingin. Hay nako! Ang aga-aga ako na naman ang pinagtripan ng lalaking 'yon. Nakakaasar!

Natapos ko ang ginagawa ko at nagligpit na nang kausapin ako ni Tita.

"Napapansin kong nagiging malapit na kayo sa isa't isa ni Arl ah." nahiya naman ako bigla. Pabebe.

"Nakakatuwa kasi siyang kasama Tita kahit madalas akong asarin dahil dito sa buhok ko! "

Napailing si Tita, " Hayaan mo isasama kita kapag nakapunta ako sa parlor, ipapaunat natin iyang buhok mo." umangal naman ako sa sinabi niya.

"Nako, Tita hayaan niyo na po, " natawa nalang tuloy siya sa'kin.

"Loko talaga ang batang 'yon, bakit kasi ganon iyon pinalaki ni Tomas."

Si Tito Tomas ang tinutukoy niya na nasa ibang bansa.

"Eh sino pala ang kasama niya sa bahay nila? "

"Ulila na ang batang 'yon Ania. Ang bahay na yan ay iniwan sa kanya ng tatay niya nang mag asawa ito ulit pagkatapos mamatay ng nanay niya at hindi na siya binalikan pa."

Natahimik ako sa kwento ni Tita. Halos hindi mo mahahalata na wala na pala siyang pamilya, nalungkot naman ako bigla. Paano nakayanan ni Arl 'yon?

"Mabuti pa Ania, habang wala ako ay mamili ka muna ng mga ingredients paubos narin kasi ang stocks natin."

Iniwanan ako ng pera ni Tita bago siya umalis, agad ko namang naisip na magpasama kay Arl na mamili kaya nag ayos ako at pinuntahan siya sa bahay niya.

"Arl?"
Kumatok ako ng makailang beses nang bumukas ang pinto. Nagulat naman ako nang makita ko si Ella. Anong ginagawa niya sa bahay ni Arl? pagtataka ko.

"Oh, Ania? Why are you here?" medyo nanunukso pa ang boses niya suot ang maiksing short at sando pero binaliwala ko nalang.

"Nandiyan ba si Arl?" kako kaya tumaas na naman ang kilay niya. Ano 'yon? Automatic na talaga?

"Oh sorry Ania. Natutulog kasi siya, alam mo na... pagod..." gusto ko sana siya samaan ng tingin pero pinigilan ko, dahil parang may ibig sabihin ang sinabi niya. Nakakainis!

Mabilis ko siyang tinalikuran at umalis na. Nakakainis! Hindi naman siguro papatulan ni Arl ang babaeng 'yon!

Ayoko na mag isip pa ng kung ano-anu at kung bakit siya nandoon sa bahay ni Arl. Mag-isa nalang akong umalis para mamili.

Naglakad ako hanggang kanto at nag-abang ng tricycle na masasakyan papunta sa Walter Mart. Minsan na iyong tinuro sa'kin ni Tita kaya alam ko na. Kaya ko namang mag isa! Dapat pala hindi nalang ako nagpunta doon nasira pa tuloy ang araw ko!

Nakarating ako nang walter mart dala ang listahan ng mga bibilhin. Nang makabili na ako at nakapagbayad sa cashier ay doon ko lang naisip na napakadami naman pala nito para bitbitin. Hay nako! Kaya ko 'to! 

Sinubukan kong buhatin ang malaking plastik na may lamang mga harina pero sadyang mabigat talaga. Paano 'to?
Sinubukan ko ulit at nang hawakan ko ang plastik ay may biglang humawak sa kamay ko kaya nagulat naman ako.

"Need some help? " umarko ang kilay ko sa lalaking nagsalita, nakasuot siya ng aviator shade at nakaporma. May kulay ang buhok nito at may kaputian tulad ni Arl, bahagya akong pa akong natulala bago sumagot.

"Ah hindi na po. Salamat nalang." inalis niya naman ang shades niya,

"I'm Lance, 19 years old. Wag ka na gumamit ng po."

Sa unang tingin ay sadyang gwapo itong lalaking 'to, pero hindi ko siya kilala at wala naman akong choice dahil hindi ko talaga kayang buhatin ito.

Hindi niya na hinintay ang sagot nang dali-dali niyang bitbitin ang plastik palabas ng Walter Mart. Dali-dali ko naman siyang sinundan.

"Sige hanggang dito nalang, salamat. Ako si Ania." pakilala ko, para naman patas kami. Bahala siya kung may pakialam siya sa pangalan ko.

"Ania? Saan ka nakatira?" tanong niya. Aba'y mukhang may balak ang lalaking ito.

"Ah malapit lang naman dito. Sige babye, salamat ulit ah. " kako at hinila ang plastik mabuti nalang at nakaya kong hilahin papunta sa sakayan...

Nag abang ako ulit ng tricycle pero walang dumadaan. Hay nako! Kung minamalas nga naman oh!
Nagulat ako nang may huminto na itim na kotse sa harap ko,

"Ania! Sumabay ka na. " sumulpot na naman ang lalaking 'to? Balak pa ata ako nitong kidnapin. Tumanggi ako sa alok niya dahil hindi naman ako basta basta nagtitiwala, baka mamaya kung saan niya pa ako dalhin. Nagbuntong hininga siya at muling isinuot ang aviator shades niya.

"I know it's hard to trust strangers like me Ania. But here's my phone...you can call anyone for help if ever... "  kumbinsi niya pa at inabot sa'kin ang cellphone niya. Pasasakayin niya lang naman ako sa kotse niya, kailangan talaga ingles ?

Sa huli ay pinagbigyan ko na siya. Nakakahiya naman dahil tinutulungan niya na nga ako tapos mag iinarte pa. Isinakay niya ang plastik sa likod ng kotse niya bago nagmaneho, tahimik naman ako at nakikiramdam lang.

"Saan ka ba banda nakatira? para naman hindi tayo maligaw. " itinuro ko nalang kung saan siya liliko.
Napanatag na ako dahil hindi niya naman pala ako balak kidnapin. Ilang minuto pa ay huminto kami sa tapat mismo ng bahay. Bumaba siya at kinuha ang mga pinamili ko sa likod ng sasakyan.

"Lance, salamat nga pala ah. Sige dito nalang ako. " kako ngumisi lang siya pero makikita mo talagang seryoso siyang tao hindi katulad ni Arl na pati mga mata ay nagniningning.

"Welcome. Here's my calling card tawagan mo'ko kung wala kang masakyan."

"Nako, huwag na...nakakahiya." kako dahil hindi ko naman siya kaano-ano para tawag-tawagan.

Sa huli ay nakumbinsi na rin akong tanggapin iyon. Bahala na.

"Don't be shy. I'll see you again, Ania." natigilan ako sa bigla niyang pagkindat sa'kin bago tuluyang magmaneho paalis. Toinks! Ano raw 'yon?

Ania FerrellWhere stories live. Discover now