[7] ELEVEN TO TWELVE

8 1 0
                                    

A/N: It's been a long day, sorry I was so busy guys. Ipagpapatuloy ko na ulit ito after moving up. Enjoy reading ☺

***

"Bye, Ania. Take care ah." tumango lang ako at binigyan siya ng ngiti.

Alas syete na ng gabi nang ihatid ako ni Lance. Pinapasok talaga niya ako sa bahay bago nagmaneho paalis para masigurong nakauwi ako ng maayos.

"Mabuti naman at hinatid ka ng maayos." bungad ni Tita pagpasok ko palang ng pinto.

"Tita bakit ka naman po pumayag kanina? " hinubad niya ang apron at nagrelax sa sofa dahil kakatapos niya lang mag-ayos.

"Ang gusto ko lang naman ay mag enjoy ka dahil naranasan ko na din iyan dati sa Tito Tomas mo." bahagya akong napangiti nang mapansing kinikilig pa si Tita habang marahang minamasahe ang sintido.

"Napapansin ko kasing medyo hindi na kayo nakakapag usap ni Arl. Ano bang problema niyo? " dagdag niya, kaya yumuko lang ako.

"Tita, magpapahinga na po muna ako ah. Sige po." napabuntong-hiningang tumango si Tita bago nagsalita ulit.

"Nasa kuwarto na ang mga school supplies mo, Ania. Ikaw na ang bahalang mag-ayos. "

"Salamat, Tita."

Agad akong nagtungo sa kuwarto. Nakita ko ang mga nakaplastik na pinamili ni Tita, napaisip ako bigla at nalungkot.

Namimiss ko na sila Mama at Papa, kaya ba nila ako pinatira dito kay Tita dahil hindi nila kayang tustusan ang pangangailangan ko? Kamusta na kaya sila? nag aalala rin kaya sila sa'kin?

Tinungo ko ang banyo bago tuluyang lamunin ng kalungkutan. Naglinis ako ng katawan at hindi na nag abalang maghapunan pa, dahil pang-isang linggo na ata ang ipinakain sa'kin ni Lance.

Napahinto ako sa pagsusuklay ng basa kong buhok sa harap ng salamin, muli kong naalala ang sinabi ni Lance kanina. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko doon, kung matutuwa ba ako o maiilang sa kanya. Guwapong lalaki si Lance, mayaman at seryoso. Ano pa ba ang hahanapin sa kanya ng mga babae? Pero bakit parang nakukulangan ako?

Napasulyap ako sa mga Night-Light flowers na nakapatong parin sa bed side table. Si Arl.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang may marinig akong tunog. Ano iyon? Parang binabato ang bintana. Tumayo ako at may nakitang maliit na bato sa sahig.

Oo nga! May nambabato! Dumungaw ako sa bintana kung sino man ang taong 'yon, gabing-gabi...

Nanlaki ang mata ko nang makita si Arl sa baba. Nakatingala siya sa'kin, tanging lamp post nalang  sa tabi ng kalsada ang nagsilbing liwanag para maaninag ko ang mukha niya.

"Arl? Anong ginagawa mo diyan?" kako

"Shhh..." sinenyasan niya akong bumaba, kaya naman mabilis kong hinanap ang flashlight sa drawer ko at hinagilap ang jacket.

Tulad ng ginawa ko noong nakaraan ay dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kuwarto para masigurong tulog na si Tita. Alas onse na ng gabi. Tahimik akong humakbang pababa sa hagdan at sa wakas ay nakalabas din ako ng bahay. Umikot ako sa likod kung saan naroon si Arl.

"Arl, bakit?" pabulong, pero tama lang para marinig niya.

Kahit medyo madilim ay naaninag ko parin ang maamo niyang mukha na nakangiti sa'kin.

"Tara!" mabilis niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako palayo.

Tumakbo kami sa kalsada mabuti nalang at tulog na ang mga tao, walang makakakita sa'min. Tuloy lang kami sa pagtakbo ni Arl at nang hingalin ako ay agad akong napahinto, sapo-sapo ang dibdib.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 04, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ania FerrellWhere stories live. Discover now