[3] NIGHT-LIGHT FLOWER SEEDS

46 14 25
                                    

"Arl! kanina pa kita hinahanap, teka sino siya? " nakataas kilay akong tinignan ng babaeng nakasuot ng mini skirt at shoulder length na buhok, medyo mataray siya sa tingin ko , sino rin ba siya?

" Ania si Ella nga pala kababata ko. " pakilala ni Arl.

"Hi Ella. Kamusta? " nahihiya naman akong ngumiti, pero nanatili paring nakataas ang kilay niya. Inborn na ba 'yon sa kanya?

"Unfortunately not fine, tara Arl! Gumala naman tayo." yaya niya at hindi na ako pinansin pa.

"Ah , Ella bago lang kasi dito si Ania ihahatid ko muna siya pauwi , saka nalang. " Tinaasan na naman niya ako ng kilay sa sinabi ni Arl. Ano bang problema nito sa'kin?

"Okay fine! I'll come with you. " at sinabayan kami sa paglalakad pauwi .

Kanina not fine daw tapos ngayon fine? saan ba galing ang babaeng ito ? tahimik lang ako sa paglalakad naming tatlo habang siya ay kamot ng kamot sa binti siguro ay nilalamok na dahil sa iksi ng suot niya. Nakarating kami sa bahay ng bandang alas singko na ng hapon.

"Sige dito na ako, salamat Arl at Ella."

"Okay, let's go Arl. " sabay talikod si Ella at naglakad na paalis.

"Ania, mamayang gabi wala naman akong gagawin. Kung sakaling mabagot ka ulit, punta ka lang sa lawa ah. " pasimpleng bulong niya sa'kin, tumango-tango nalang ako habang natatawa sa sinabi niya bago kumaway nang makaalis na sila.

Habang tumatagal napapalapit ang loob ko kay Arl, simple lang kasi siya at masarap kasama dahil din sa kanya dumadami ang nakikilala ko dito.

Pagsapit ng gabi, tapos na kaming maghapunan ni Tita kaya dumiretso na ako sa kuwarto, siguro mga alas diyes na ng gabi nang magdesisyon akong lumabas. Nagsuot ako ng jacket at nagdala ng flashlight.

Lumakad ako hanggang kanto at umikot sa likod tulad ng dinadaanan namin. Sigurado akong nandito siya, narating ko ang lawa masyadong madilim kaya medyo kinikilabutan ako, maririnig mo ang huni ng mga insekto sa gabi at kung ano-anu pang tunog kaya naging alisto ako, nasaan ka na ba Arl? naglakad pa ako at nakarating sa nakatumbang puno laking gulat ko naman sa nakita.
Ano ito? inilawan ko ang mga maliliit na ilaw sa lupa parang mga alitaptap, ang ganda parang umiilaw ang paligid ng lawa. Tuwang tuwa ako habang pinagmamasdan ang mga ilaw na iyon sa kabila ng takot nang may biglang tumakip sa mata at bibig ko kaya nagpumiglas ako at itinapat ko ang flashlight sa kung sino man 'yon.

"Shh.. Ania! wag kang maingay" dumapyo ang mainit na hininga ni Arl sa pisngi ko, ang bango parang naaamoy ko ang mga halaman sa paligid.

"Arl! " napayakap ako bigla sa kanya sa takot at inilawan ko ang mukha niya, kaya naman naningkit ang mga mata niya natawa naman ako sa kanya, ang cute niya kasi.

"Arl! Mabuti nandito ka, nakakatakot pala dito kapag gabi. "

"Sorry Ania, hindi na dapat pala kita sinabihan pero pumunta ka pala talaga. " aniya naupo siya sa nakatumbang puno at sinag ng buwan nalang ang nagsilbing liwanag sa'min kinuha niya kasi ang flashlight ko , nanatili akong nakatayo at pinagmamasdan parin ang mga umiilaw sa paligid na maliliit.

"Ania? "

"Ang ganda Arl! ang ganda ng mga alitaptap!" kako kaya naman humagalpak siya sa tawa saka ako pinaupo sa tabi niya at may inabot sa'kin , natuwa naman ako dahil iyon nga ang umiilaw sa paligid kanina pa!

"Hindi sila alitaptap Ania, night-light flower seeds ang tawag sa kanila." paliwanag niya.

"Night-light flower seeds? ito ba 'yong mga butil na hinagis mo dito kanina? " parang ngayon ko lang yata narinig ang bulaklak na iyon?

"Oo, 'yon nga . Umiilaw sila tuwing gabi na parang mga alitaptap bago tuluyang maging bulaklak. "

Tumango lang ako at hinipo ang butil na hawak ko. Ang galing! ang ganda talaga! Palagi nalang akong namamangha sa tuwing kasama ko si Arl!

"Mabuti naman at nag suot kana ng jacket." lumingon ako sa sinabi niya at naalalang sa kanya nga pala ito.

"Opps! Oo, sorry Arl ah sayo pala itong jacket ngayon ko lang naalala. "

"Ayos lang sayo nalang 'yan, may jacket naman ako eh. Para palagi mo akong kasama. "

"Ha? "

"Wala... para may alaala ka lang sa'kin," ngumiti lang ako sa sinabi niya, dumaan ang mahabang katahimikan umiihip parin ang malamig na hangin mabuti nalang at naka jacket ako.

"Arl? " sambit ko

"Hmm." tahimik lang siya at nakiramdam.

"Hindi ka ba nalulungkot? " sa lagay niya kasi parang wala siyang problema.

"Bakit mo naman natanong?" niyakap ko ang tuhod ko at namaluktot sa dilim bago nagsalita.

"Kasi madalas kang nandito kung saan namatay ang mama mo. " bahagya siyang ngumiti sa sinabi ko at tumingala sa langit.

"Hindi...pakiramdam ko kasi sa tuwing nandito ako ay lagi ko siyang kasama." Hindi na ako umimik sa sinabi niya, ano ba naman ang lalaking ito, parang gusto niya na yata magpari.

"Ikaw? Ania. Bakit hindi mo kasama ang magulang mo? " napasimangot lang ako sa narinig, bakit nga ba? siguro kasi wala silang pakialam sa'kin o baka naman pabigat na ako sa kanila.

"Ania? Ayos ka lang ba? " inilawan niya ang mukha ko gamit ang flashlight at nagkunot-noo kung bakit ako nakabusagot,

"Ang totoo kasi niyan Arl... hindi ko alam kung bakit ako nandito,pagkatapos kasi ng seventeenth birthday ko nalaman ko nalang na kay Tita na ako titira... nagbigla nga ako eh pero wala na akong magawa ..."

Tinitigan niya naman ako na parang hinuhulaan kung bakit ako ganito.

"Nagtatampo ka ba sa kanila ? Ania? " hindi na ako nakakibo, bakit ganon? bakit parang nababasa niya ang isip ko? O baka naman masyado lang talagang halata?
Muli niyang ginulo ang buhok ko dahil hindi ako kumikibo.

"Arl! bakit mo ba ginugulo ah!" naiirita na ako kahit medyo naiilang ako dahil nagiging gwapo na siya sa paningin ko habang tumatagal.

"Para kapag binalikan ka nila dito, hindi ka na nila makilala."

"Nababaliw ka na ba ahh! reklamo ko pa

"Hindi ah, ang totoo niyan sasamahan pa kita sa kanila, Ania. At sasabihin ko kung gaano sila kaswerte dahil ikaw ang naging anak nila." natigilan naman ako sa sagot niya.

"Talagang sasabihin mo 'yon ah? " tumitig pa ako sa mga mata niya para makasigurado.

"Oo naman. Karapatan nilang malaman ang totoo." natuwa naman ako sa loob-loob ko

"Alam mo mabuti nalang dito ako lumipat."

"Bakit naman? "

"Kasi mukhang dito ko makikilala ang sarili ko."

"Paano mo naman makikilala ang sarili mo kung ganyan ang mukha mo? " humagalpak naman siya sa tawa dahil nabura ang mga ngiti ko at hinampas ko siya

"Ikaw kaya ang gumulo ng buhok ko!"

"Ay , ako ba? akala ko natural na." sabay tawanan pa kami.

Humaba ng humaba ang usapan namin sa kalaliman ng gabi, dagdagan pa ng kakulitan niya! mas lalo ko atang nakilala si Arl, parang nakalimutan ko kung sino ako 'nong gabing iyon, nagtatawanan lang kami habang pinagmamasdan ang mga night-light flower seeds . Hindi ko na nga maipaliwanag kung gaano ako kasaya kasama siya , ang swerte siguro ng babaeng mamahalin niya simple lang kasi siyang lalaki pero nakakabilib sa loob.

Hating gabi na nang dapuan ako ng antok, makakatulog na nga ata ako sa tabi niya habang nagkukwento siya ng kung ano-ano, bahagya niya lang ginugulo ang buhok ko para hindi ako antukin, hanggang sa magdesisyon na kaming umuwi dahil baka makatulog pa kami sa lawa .

Ania FerrellWhere stories live. Discover now