2

25 0 0
                                    

“Snow, may problema ba?” Tanong ni Robin sa akin.

Tumingin ako kay Robin.

“May nakita akong lalaking naka-maskarang itim. Pinapanood niya tayo.” Sabi ko kay Robin.

Tumingin ako sa likod ko at nakitang wala na siya roon. Tiningnan ko ang paligid, hindi pwedeng makaalis siya agad, parang ilang segundo lang nalingat ang paningin ko sa kanya tapos wala na siya agad. Ang bilis niya naman!

“Baka guni-guni mo lang ‘yun Snow. Halika na, pumunta na tayo sa cafeteria, gutom na ako.” Bored na sabi ni Robin.

Hinila na niya ako papunta sa kung saan mang lupalop ang cafeteria nila. Hindi mawala sa isip ko ‘yung ngisi nung naka-maskara sa akin. Did I know him? Did I do something wrong to him?

“Snow, alisin mo ang lalaking nakita mo sa isipan mo. If you want to now him, why don’t you eat first then think who could it be.” Sabi ni Robin.

In the other way, tama siya. Kailangan kong lagyan ang tiyan ko ng pagkain para gumana ng maayos ang utak ko.

“Okay, lets it.” Sabi ko.

Binuksan niya ang pinto ng cafeteria at sabay kaming pumasok sa loob. Ilang mga estudyante ang nakatingin sa akin. Ang ilan ay masama ang titig sa akin habang ang iba naman ay nakangisi o di kaya binibigyan ako ng nakakaawang titig. Anong meron sa kanila?

Pumili kami ng pwesto na malayo sa mga estudyante. Hindi ako komportable sa mga titig na binibinigay nila sa akin. Tinanong ako ni Robin kung anong order ko, dahil bago pa lang ako sa paaralang ‘to, wala akong alam ni-isang pagkain dito kaya naman ang sinabi ko na lang ay kung ano ang sa kanya ganun na rin sa akin.

Nagprisinta si Robin na siya na lamang ang bibili ng pagkain namin. Pinanood ko siyang maglakad papalayo sa akin. Nang nasa pila na siya, nagtaka ako ng nahawi ang pila, ang mga estudyante ay pinauna siya sa pila at nakita ko sa kanilang mata ang takot. Hindi ako sigurado sa nakikita ko sa mga mata ng mga estudyante dito kapag tinitingnan nila si Robin pero malakas ang kutob ko na takot ito. Bakit naman sila natatakot kay Robin? Is he hiding something too?

Bumalik si Robin ng may ngisi sa labi. Dahan dahan niyang inilapag ang tray na may lamang sandamakmak ng pagkain sa lamesa namin. Umupo siya sa tapat ko at nilagay sa harap ko ang chicken soup, fries, kanin at adobo, at chocolate milk shake. Ang tanging pagkain niya lamang ay ang chicken soup na katulad ng sa akin, tatlong slice ng pizza at isang ice tea.

“Kainin mo ang lahat ng binili ko sa‘yo, Snow.” Sabi ni Robin habang kinakain ang soup niya.

“Huwag kang mag-alala, libre ko na sa‘yo ang mga pagkain na ‘yan.” Muli niyang sabi.

Tiningnan ko ang pagkain na nasa harap ko. Mahilig akong kumain pero alam ko sa sarili ko na hindi ko kayang ubusin ang lahat ng binili niya.

“Gusto mo ba akong tumaba?” Tanong ko sa kanya.

“Psh. hindi ka tataba kung kakainin mo lahat ‘yan sa isang araw.” Simpleng sabi ni Robin.

Napairap na lang ako dahil sa sinabi niya. Sinimula kong kainin ang chicken soup na binila niya. Hm... ang sarap. So far, ito pa lang ang the best chicken soup na natikman ko. Gusto ko tuloy matuto kung paano mag luto ng ganito.

“Do you like the soup?” Tanong sa akin ni Robin.

“I don’t like it ‘cause I love it.” Masaya kong sabi.

Sumilay ang malawak na ngiti sa kanyang bibig. My goodness, ayokong nakikita siyang nakangiti dahil parang isinasampal sa mukha ko kung gaano kaganda ang maputi niyang ngipin. Okay, siya na ang may magandang ngipin.

“Mabuti naman at nagustuhan mo ang pinili kong pagkain para sa ‘yo.” Nakangiti niyang sabi. Okay, this is the second time I saw him smile and its weird. Iba kasi ang first impression ko sa kanya, akala ko tahimik at seeyoso siya sa lahat ng bagay pero nagkamali pala ako, he can smile and be kind kung kumportable siya sa isang tao.

“Anyways, paano mo sisimulang kilalanin ang lalaking nakamaskara na nakita mo kanina?” Tanong sa akin ni Robin.

Hm... paano nga ba? Hindi ko alam ang nararamdaman ko sa lalaking ‘yun. Bakit ako nagkakaganito? Bakit ko siya gustong makilala? Hindi naman ako ganito eh, hindi ako mahilig manghalungkat ng katauhan ng isang tao. Pero there is something more in that guy that wants me to know everything about him and I’ll make sure that I will get that information.

“Hindi ko alam eh. Hindi ko alam kung anong gagawin. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula.” Sabi ko kay Robin.

“Madali lang ang problema mo Snow. Kilalanin mo ang lahat ng taong nasa paligid mo. Pagtuunan mo ang mga salitang binibitawan nila at ang mga kilos na ginagawa nila. Maging alerto ka, hindi mo alam nasa paligid mo na pala siya at nagaantay ng pagkakataon para kunin ka.” Sabi ni Robin. Nawala na ang ngiti sa kanyang labi at wala ng emosyon na makikita sa kanyang mga mata. Ang bipolar niya.

Pilit kong isinaksak sa aking utak ang mga sinabi ni Robin. Alam ko na ang mga salitang binitawan niya ay may natatagong kahulugan at gusto kong malaman kung ano ito.

“Kung gusto mo pang mabuhay sa lugar na ‘to, ‘wag kang maglagay ng maraming tanong sa ‘yong isipian at lumayo ka sa mga taong tiga-gawa ng gulo.”

Pasensya na August, mukhang hindi ko masusunod ang sinabi mo. Ayokong mag mukhang tanga sa harap niyo, gusto kong malaman ang lahat ng dapat kong malaman. Alam kong ilalagay ko ang sarili ko sa kapahamakan pero wala na akong pagpipilian, matagal ko ng alam na ang pangalan ko ay nakalista sa papel ni kamatayan at malapit na niya akong sunduin kaya hindi ako mamatay ng mayroong maraming tanong sa isipan ko.

Aalamin ko ang lahat dahil alam kong may karapatan ako.

“Sa totoo niyan Snow kilala ko na agad ang nakita mo. Bibigyan kita ng clue kung saan ka magsisimula. Kilalanin mo ang mga gangster dito.” Seryosong sabi ni Robin sa akin.

“Pero binabalaan kita, kapag nakilala mo na siya, hindi ka na makakawala sa kulungan. Mananatili ka sa tabi ni kamatayan habang buhay, hinding hindi ka niya papakawalan.” Dagdag pa ni Robin.

Pagtuunan ang salitang binibitawan. Hm... kulungan, habang buhay, at pakakawalan. Aalamin ko ang mga salitang konektado sa inyo na tungkol sa lalaking nakamaskara dahil alam kong kasangkot ako duon.

Saville HighWhere stories live. Discover now