8

11 0 0
                                    

John Ferrer, John Ferrer ang pangalan ng lalaking pinatay nung araw na dinala ako ni Ace sa clinic. Walang nakakaalam sa dahilan ng pagkamatay ni John. Isang nerd si John na hindi mahilig makihalubilo sa iba, wala rin daw itong mga kaaway kaya wala silang mapaghinalaan sa kanyang pagkakamatay.

Tahimik kong pinagmamasdan si Ace. May ilan siyang papel na binabasa sa isang brown na envelope na ibinigay ni Robin, ilang impormasyon daw ‘yun tungkol kay John.

“Ace, alam niyo na ba ang dahilan ng pagkamatay ni John?” Tanong ko kay Ace.

“Yes.” Tipid na sagot ni Ace.

“Anong dahilan ng pagkakamatay niya?” Tanong ko.

“Ang pamilya ni John ang dahilan ng pagkakamatay niya. Isang business man ang kanyang ama habang ang kanyang ina ay isa sa mga pulitika. Ayon sa nalaman ko, may nakaaway ang pamilya ni John, ang anak ng nakaaway ng pamilya ni John ay pinaghihinalaang killer.” Paliwanag ni Ace.

“So, may nakapasok na killer sa schooo na ‘to?” Tanong ko kay Ace.

“Hindi ‘nakapasok’ ang tamang salita dahil matagal na siyang nandito sa impyernong ‘to.” Sabi ni Ace.

“What?! Ibig sabihin may killer na gumagala dito?! Oh My Gosh! Kailangan niyo siyang paalisin dito, paano na lang kung may mamatay pang mga estudyante?!” Sabi ko.

Ugali kong lumabas tuwing gabi dahil madalas akong hindi makatulog. Fuck! Paano ako makakalabas ngayon ng gabi kung may killer pala sa paaralang ‘to?! At paano kaya kung nakaaway ko ‘yung killer? Sasaktan niya kaya ako o ‘di kaya ang pamilya ko? Fuck talaga!

“Natatakot ka ba sa killer ni John?” Tanong sa akin ni Ace.

Matapos sabihin ni Ace ang tanong niya sa akin, parang may isang malakas na agos ang nangyari sa aking isipan. Naalala ko kung paano namatay si Mark at Tiffany, ang dalawa kong matalik na kaibigan. Pinatay sila sa mismong harapan ko at wala man lang akong nagawa para iligtas sila.

Anong klaseng kaibigan ako?

Hindi ko namalayang tumutulo na ang mga luha ko. Sinabi sa akin ni Mama na ‘wag ko ng isipin ang nangyari seven years ago pero hindi ko mapigilan eh. Kung hindi ko sila inayang lumabas ng campus nung gabing ‘yun hindi sila mamamatay.

Nakita kong lumapit si Ace sa akin at umupo sa tabi ko. Nagulat ako ng yakapin niya ako, hinayaan ko na lang siyang gawin niya ang gusto niya dahil wala akong lakas makipag-away sa kanya.

“Why are you crying?” Tanong niya sa akin.

“Si Mark at Tiffany lang ang taong nakakainitindi sa akin nung bata ako. Silang dalawa ‘yung palaging nagtatanggol sa akin kapag may umaaway sa akin, sila ‘yung taong palaging nasa tabi ko, at sila ang pamilya ko bukod kila Mama at Papa. Dahil sa akin kaya sila namatay. Isang gabi, inaya ko silang lumabas ng campus. Lumabas kami tapos may mga armadong lalaking lumapit sa amin, may mga hawak silang baril. Sinabi ng isa sa kanila na papatayin niya ako, nagalit si Tiffany ng itutok sa akin nung lalaki ‘yung baril kaya sinugod niya ‘yung lalaki kaya siya nabaril.” Humahagulgol kong sabi.

“Please stop crying.” Bulong niya sa akin.

“May umatake sa likod namin. Isang lalaki na nakamaskara, meron siyang dalang alambre at ipinulupot ‘yun sa leeg ni Mark, may naramdaman akong masakit sa bandang leeg ko at wala na akong maalala na kahit ano tungkol sa insidenteng ‘yun. At alam mo ba kung ano ‘yung nakakatawa? Nung hapon na namatay si John, meron akong nakitang anino, dahil na-curious ako kung kaninong anino ‘yung nakita ko, sinundan ko ito. Nakarating kami sa dulo ng hallway papuntag library. Nawala ito sa aking paningin at makalipas ang ilang segundo, isang lalaking nakagintong nakamaskara ang nakita kong papapit sa akin. Nag salita siya Ace, at kaboses niya si Mark.” Lalo akong napahagulgol.

Posible bang si Mark ‘yun? Hindi ko nakitang namatay si Mark kaya pwedeng siya ang nakagintong maskara, ‘diba? Pero ayokong umasa dahil may parte sa sarili ko na tanggap na ang pagkawala ng dalawa.

Nakarinig kami muli ng sigawan ng ilang babae kaya na-alarma kami ni Ace. Mabilis na tumayo si Ace at lumabas sa kanyang opisina at ganun din ang ginawa ko.

Nakarating ako sa girls comfort room at nakita ang tatlong babae na nakahiga sa sahig. Puno ng sariwang sugat ang katawan nila at may puting rosas na nakapatong sa kanilang ulo na nagsisilbing korona. Nakita ko si Ace, Robin, Prince, Six, Seven, Nathan, Ronald at August na nakatayo malapit sa pader.

‘I will steal you away from him babe’

‘Yan ang mga katagang nakasulat sa pader gamit ang dugo ng tatlong babae na nakahiga sa malamig na sahig. Naalala ko, ‘yung taong pumatay kay Tiffany, sinabi niya sa akin ang mga salitang ‘yan.

“Sino ang nanakawin niya?” Nagtatakang tanong ni Seven sa kanyang sarili.

“Ako...” Tipid kong sagot.

“HINDI KA NIYA MAKUKUWA!” Malakas na sigaw ni Ace.

Galit siyang lumabas at ibinalibag ang pinto.

THIRD PERSON’ P.O.V.

“This is bad, really, really bad.” Saad ni August.

Kasama ni August si Robin, Prince, Six, Seven, Nathan at Ronald sa open field ng Saville High, pinapanood nila si Ace na walang awang pinapatay ang mga ahas sa paaralan.

“I think we should stop him. Hindi magandang nagagalit siya ng sobra. He might lose his control” Saad ni Seven.

“Nah, let him be cool by killing those snakes. All this year he keep his anger inside him so that he won’t hurt any of us, so seeing him so mad like shit makes me cool too.” Saad ni Six habang sumisilay ang isang malawak na ngisi sa kanyang labi.

“I think that the real Ace Slater will be back sooner or later. After all, his other half is back.” Dagdag na saad ni Six.

“Papatayin mo ako? Sige lang. Pero ito ang sasabihin ko sa‘yo, pinakawalan mo na siya ng isang beses kaya may taong kukuha sa kanya ngayon.” Saad ng isang lalaki na pinapahirapan ni Ace.

“What the hell are you talking about?! Sino ang kukuha sa kanya?!” Galit na tanong ni Ace sa lalaki.

Imbes na sumagot ang lalaki, tumawa lang ito ng malakas. Kahit na puno ng sugat ang kanyang katawan hindi niya mapigilang hindi mag saya kapag nakikita niya ang frustrated na mukha ni Ace.

“Huluan mo!” Mapang-asar na sabi ng lalaki.

Lalong nagalit si Ace sa sagot ng lalaki kaya naman binalian niya ito ng buto at sinaksak ng ilang beses. Ipinangako niya sa kanyang sarili na hindi niya na muling gagawin ang katangahang ginawa niya ilang taon na ang nakalipas, kaya ngayon, hindi na siya papayag na mawala pa muli sa kanya ang taong pinakawalan niya.

“Fuck, tingnan niyo ‘yung mata niya.” Saad ni August.

Tiningnan nilang mabuti ang mata ni Ace. Mula sa mala-chocolateng mata ni Ace, naging dilaw ito na parang mainit na araw.

“I think we should stop him now.” Saad ni Ronald.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 12, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Saville HighWhere stories live. Discover now