3

21 0 0
                                    

First day ng klase ngayon. Binigay ni August ang schedule ko sa buong sem kaninang umaga. Ang malas ko lang dahil unang subject ko ngayon ay math, at gusto kong sabihin sa inyo na never akong pumasa sa math.

Napansin ko na lahat ng mga estudyante dito sa Saville High ay nagtatakbuhan para lang makapasok sa klase nila. Wow, ganun ba sila katakot ma-late? Para namang kakainin sila ng mga teachers nila ng buhay kapag na-late sila.

Isang lalaki ang papunta sa direksyon ko, hindi ako tumabi sa dadaanan niya dahil akala ko iiwasan niya ako pero mali pala ako, nabunggo niya ako at nahulog ang tatlong makakapal kong libro.

Tiningnan ko ng masama ang lalaking nakabunggo sa akin. Nakakainis lang na hindi man lang siya tumigil para humingi ng tawad sa akin. Ayun, tuloy tuloy lang siya sa pagtakbo niya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

“Augh! Hindi mo man lang ako tinulungan sa mga libro ko! Thank you ha!” Inis kong sabi sa lalaki.

Alam kong hindi na niya ako maririnig dahil malayo na siya sa akin pero hindi ko mapigilang hindi sumigaw. That guy! Kapag nakita ko lang talaga ang mukha niya ingungudngod ko siya!

Pinulot ko ang mga libro ko at nag simulang mag lakad papunta sa math room. Nakasarado na ang pinto hudyat na huli na ako sa klase. Naririnig ko na ang malakas na pag sigaw ng guro namin sa loob. Psh. papasok pa ba ako? Ayokong masermonan eh.

Sa huli, kumatok ako ng tatlong beses at binuksan ang pinto. Ang guro namin pati na rin ang mga kaklase ko ay nakatingin sa akin. Er... ayokong ng atensyo.

“IKAW! MAY LAKAS NG LOOB KA PANG PUMASOK SA KLASE KO! YOU ARE 30 MINUTES LATE! GET OUT OF HERE!” Sigaw ng lalaking guro namin.

Er... para siyang babae dahil sa lakas ng boses niya. Pwede naman niya akong sabihan na late na ako sa klase niya at umalis na ako ng hindi sumisigaw. Ang sakit sa tenga ng boses niya.

“Psh. come on, you can’t shut me out in this room. Normal lang na ma-late ako dahil bago pa lang ako sa school na ‘to. At isa pa, first day ng klase ngayon, gawin niyong exception ang araw na ‘to.” Blangko kong sabi.

Lalong nagalit ang guro namin. Kung nakakapatay ang mga titig niya sa akin, matagal na akong nakabulagta sa sihig. Psh.

“ANONG KARAPATAN MONG SABIHIN SA AKIN ANG DAPAT KONG GAWIN?! PUMUNTA KA SA DETENTION ROOM NOW!” Malakas na sigaw niya sa akin.

Ang sakit talaga sa tenga ng boses niya. Napairap na lang dahil sa sinabi niya at nag simulang maglakad papalabas ng classroom.

“WHAT IS YOUR NAME?!”

Tumigil ako sa paglalakad ko at binigyan siya ng nakakalokong ngisi. Medyo nagulat siya sa ginawa ko at napalunok ng ilang beses. Hm... mukhang natatakot siya sa akin, good.

“I’m Snow... Miller...” Malamig kong sabi sa kanya.

Nag simula ulit akong mag lakad papaalis sa classroom. Psh. nakakainis ‘yung lalaking teacher namin sa math! Naku, hindi ko naman kasalanan na hindi ko alam ang classroom sa math for senior year eh! Tsaka nakalimutan ko ‘yung school map sa dorm dahil sa kamamadali!

Ay shit! Hindi ko alam kung nasaang lupalop ang detention room dito. Naku naman! Kailangan ko pa atang ikutin ang buong school na ‘to para mahanap ang letcheng detention room na ‘yan.

Nagulat ako ng may humawak sa braso ko ng mahigpit. Fuck!

“Anong problema mo?!” Galit kong tanong sa lalaking nakahawak sa akin.

“Anong ginagawa mo dito sa labas? Bakit wala ka pa sa classroom mo? Hindi mo ba alam na nagiikot ngayon si Leader?” Madiing sabi ng lalaki sa akin.

Nagtataka ako sa inaakto ng lalaking nasa harap ko. Sino ba siya? At sino ba ang ‘Leader’ na sinasabi niya? At anong pake niya kung wala ako sa klase ko?

“Wala akong paki-alam sa mga sinasabi mo Mr. whoever you are kaya pwede ba bitawan mo na ang braso ko!” Naiinis kong sabi sa lalaking nakahawak sa braso ko.

“Ako si Prince Blood at kapatid ako ng kaibigan mong si Robin Blood. Ipinagbilin niya sa akin na bantayan ka kaya makinig ka sa sasabihin ko, legal ang pag patay sa paaralang ‘to, kapag nahuli ka ni Leader na wala sa klase mo paniguradong paparusahan ka niya.” Seryosong sabi sa akin ni Prince.

Oh my gosh... totoo ba ang sinasabi niya? Legal ba talaga ang pag patay sa school na ‘to? Imposible, hindi ako ipapasok ni Mama sa lugar na kung saan ay mapapahamak ako kaya kasinungalingan lang ang sinasabi ni Prince.

“Wala akong panahon sa mga kasinungalingan mo Prince. Nagpapasalamat ako sa‘yo dahil binabantayan mo ako pero hindi kita kailangan. Kaya ko ang sarili ko, naiintindihan mo?” Malamig kong sabi sa kanya.

Sumilay ang ngisi sa mga labi niya. Psh. bakit lahat ng lalaking tinitingnan ko ay ngumingisi sa akin? Seryoso, nakakairita sila.

“Huwag kang mabibigla sa makikita mo.” Seryosong sabi niya sa akin.

Hinila niya ako papunta sa isang kwarto. Sa tapat pa lang ng pinto, amoy mo na ang masangsang na amoy. Fuck! Ang baho naman! Dahan dahang binuksan ni Prince ang pinto at nagulat ako sa mga nakita ko. Ilang katawan ang nakahimlay sa sahig na duguan, ang ilang parte ng katawan ng tao ay nagkalat sa sahig at puro dugo ang makikita mo sa kisama at pader. Fuck!

“Ngayon, naniniwala ka na ba sa akin?” Tanong sa akin ni Prince.

“Sino ang gumawa ng karumaldumal na bagay na ‘to?” Tanong ko kay Prince.

“Ang Leader ng Saville High. Siya ang School President ng Student Council. Lahat ng lumalabag sa batas ay napaparusahan. Depende kay Leader kung anong klaseng parusa ang ibibigay niya sa‘yo.” Sabi ni Prince sa akin.

“Woah... ang sama niya.” Pabulong kong sabi.

Hindi ako makapaniwala na may taong kayang pumatay. Illegal ang pag patay kaya kung sino mang ‘Leader’ ang sinasabi ni Prince dapat nasa kulungan na siya. Dapat niyang pag bayaran ang kasalanan niyang pag patay.

Isinara ni Prince ang pinto ng kwarto at hinila na ako papa-alis duon. Hinayaan ko lang ang sarili kong magpahila sa kanya dahil hindi ko alam kung saan dapat akong mag punta.

“Saan mo ako dadalhin?” Tanong ko kay Prince.

“Sa detention room. Diba duon ang punta mo? Para maganda, sasama na rin ako sa‘yo.” Simpleng sabi ni Prince.

Hindi na ako umagal sa sinabi ni Prince. Mukhang mas marami pa palang sikreto ang paaralang ‘to higit pa sa inaakala ko.

Saville HighWhere stories live. Discover now