6

4 0 0
                                    

Minulat ko ang aking mata at tiningnan ang paligid. Nandito pa rin ako sa dulo ng hallway papuntang library. Napansin kong wala na sila. Wala na ang mga nakagintong maskara at ang mga armadong lalaki, wala ring kahit anong bahid ng dugo o mga bangkay sa paligid. Kung may naganap na labanan dito, dapat ay may mga bangkay o dugo man lang na makita. Mukhang mabilis silang kumilos para malinis ang lugar na ‘to.

Sinubukan kong tumayo pero hindi kaya ng katawan ko. Napamura ako ng ilang beses dahil hindi ko alam ang dahilan ng panghihina ko. Napansin kong bumaba na ang araw, fuck! Anong oras na ba? Tiningnan ko ang relo ko at napamura muli ng makitang alasais na ng gabi. Nag punta ako rito ng alauna ng tanghali. Fuck! Masyadong napahaba ang tulog ko! Ang panghihina at pagtulog ko siguro ay dahil sa itinurok sa akin nung nakagintong maskara. That damn man!

Sinubukan ko muling tumayo pero bumigay ang aking mga binti. Hinintay ko ang pag bagsak ng katawan ko ngunit wala akong naramdaman. Dalawang braso ang bumalot sa aking bewang para pigilan ang pag bagsak ko. Salamat naman at may tao dito.

Tumingin ako sa likod ko at nakita ang lalaking nakaitim na maskara, fuck! Sa lahat ng makakasama ko rito, bakit siya pa?! Sinubukan kong tanggalin ang braso niya na nakapalupot sa aking bewang pero parang walang epekto ang ginagawa ko, lalo niya lang hinigpitan ang kapit sa bewang ko.

“You can’t run away from me.” Bulong nito sa aking tenga.

Nangilabot ako dahil sa lamig ng boses niya. Hindi ko alam ang dapat kong gawin. Gusto kong ingudngod ang nakamaskarang ‘to pero hindi ko magawa dahil sa panghihina ko. Gusto ko ring makilala kung sino ang lalaking ‘to. Gusto kong malaman kung bakit niya ako pinapanood nung isang gabi?

“Bitawan mo nga ako!” Naiinis kong sabi.

“Why would I do that? I really want you to be close to me, it makes me hard, really, really, hard.” Muli nitong sabi sa akin.

Nang maintindihan ko ang sinasabi niya ay agad kong tinanggal ang kamay niya sa bewang ko at dahil nabitawan niya ako, nahulog ako sa lupa, ouch!

Narinig ko ang malalim niyang tawa. Nakakainis ang lalaking ‘to! Napakamanyak! Bakit sa lahat ng makakakita sa akin dito ay siya pa?! Hindi ko talaga gusto ang lalaking ‘to.

“Let me help you to stand up.” Sabi ng nakamaskarang lalaki.

Nag simula siyang mag lakad papalapit sa akin kaya naman agad akong umatras. Ayokong nalapit sa kanya. Ang gusto ko lang ay makilala kung sino siya at kung ano ang kailangan niya sa akin, after that, wala na akong pakialam sa kanya.

“Stay away from me.” Marahan kong sabi.

Lalo niyang binilisan ang paglalakad papalapit sa akin kaya naman otomatikong napaatras ako, hindi ko namalayan na nasa harapan ko na siya. Marahas niyang hinawakan ang aking panga at pinaharap sa kanyang mukha na natatakpan ng itim na maskara.

“I will never ever going to stay away from you. If you run, I will chase you. If you hide, I will find you. If you hate me, I will make you love me. I’m damn crazy, damn crazy to you.” Malamig na sabi nito sa akin.

Binitawan niya ang panga ko at hinawi ang ilang buhok na nagtatakip sa ilang bahagi ng mukha ko. Sa pag dikit ng kanyang palad sa aking mukha, pakiramdam ko ginawa niya na ito dati sa akin. Alam kong imposible ang sinasabi ko dahil ngayon ko lang nakita ang nakamaskarang ito.

“Who are you?” Tanong ko sa kanya.

“I am King.” Sagot niya.

Nagulat ako ng buhatin niya ako ng pangkasal at nag simulang mag lakad sa kung saang lupalop ng paaralang ‘to. Fuck! Saan ba ako dadalhin ng lalaking ‘to!

“Ibaba mo nga ako!” Sabi ko sa lalaking nagbubuhat sa akin habang pinapalo ang dibdib niya.

Napadaing ako ng konti dahil sa sakit ng kamay ko. Dapat siya ang masasaktan sa pag palo ko pero ako ang nasaktan. Ang tigas naman ng dibdib niya! Nararamdaman ko na rin na ang lakas ko ay unti unti ng bumabalik sa aking katawan, good.

“King...”

“Hm...”

“Inaantok ako. I want to sleep.” Sabi ko at sinundan ng paghikab ang pagsasalita ko.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa.

“Isandal mo na lang ang ulo mo sa balikat ko at matulog. I will take you to a safe place.” Sabi nito sa akin.

Ginawa ko ang sinabi niya, isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya at hindi ko na namalayang bumagsak na ang mga talukap ng mata ko.

THIRD PERSON’S P.O.V.

Habang naglalakad si King buhat buhat si Snow, nararamdaman agad ni King na may nakasunod sa kanila ni Snow. Ibinaba ni King si Snow sa isang ligtas na pwesto at hinarap ang taong sumusunod sa kanila.

“August... anong ginagawa mo dito?” Malamig na tanong ni King kay Snow.

“Sinisigurado ko lang na nasa ligtas na tao si Snow. Marami ng nagkakainteres sa kanya ngayon at nangako rin ako sa mga magulang niya na magiging ligtas siya rito.” Seryosong sabi ni August.

“Huwag kang magalala. Kapag kasama niya ako, palagi siyang magiging ligtas.” Malamig na tugon ni King.

Naramdaman ni King na may papalipad na arrow sa kanyang direksyon kaya naman agad niya itong iniwasan. Tama nga ang hinala ni King, may arrow na tatama sana sa kanyang katawan kung hindi niya ‘to iniwasan. Ilang malulutong na mura ang kumawala sa bibig ni King, dahil sa kanyang pagiwas sa arrow muntikan ng tumama ang pana sa ulo ni Snow.

Linapitan niya si Snow na mahimbing pa ring natutulog. Hinawakan niya ang ulo nito at bumuntong hininga, muntikan ng may mangyaring masama sa dalagang nasa harap niya.

Nasa isip ni King na kung sino man ang nasa likod ng arrow na ‘to ay papatayin niya.

“August, alamin mo kung sino ang nasa likod ng arrow na ito. At kapag nalaman mo na, ipagbigay alam mo agad ito sa akin.” Malamig na tugon ni King habang nakatingin pa rin sa dalaga.

“Anong gagawin mo kung sakaling malaman mo kung sino ang nasa likod ng arrow na ‘yan?” Tanong sa akin ni August.

“Ano pa nga ba? Hm... papatayin ko syempre.” Malamig na sagot ni King habang tumatawa.

“Very well then...”

Naglakad na papaalis si August habang si King naman ay masayang iniisip kung ano ang mga posibleng gawin niya kapag nalaman niya na kung sino ang nasa likod nang arrow. Sisinisigurado niya na maghihirap ang taong nag tangkang pumatay sa kanya at sa babaeng natutulog sa harapan niya.

Binuhat na niyang muli si Snow at nag simulang mag lakad.

Hindi niya hahayaang may manakit sa babaeng ‘to. Nangako siya sa sarili niya na proprotektahan niya ito kaya naman sisimulan na niyang tuparin ang kanyang pangako.

Saville HighWhere stories live. Discover now