4

6 0 0
                                    

"So... anong itsura ng detention room niyo?" Tanong ko kay Prince.

Papunta kami ngayon sa detention room at hindi pa rin ako maka-get over sa nakita ko kanina. What the fuck?! Ilang katawan ang nakita ko sa isang kwarto! Hindi man lang nila ito pinagkaabalahang ilibing! Kung sino man ang 'Leader' na sinasabi ni Prince ay walang puso!

"Hm... hindi ko alam kung paano ko sasabihin ng maayos ang itsura nun. Basta maraming mga kalat dun, mabaho, maraming sigarilyo na nag kalat, at maraming lalaki na nagaaway." Simpleng sabi sa akin ni Prince.

Hindi ko alam kung ano ang aasahan ko sa detention room nila. Psh. bahala na. Basta ako, tatahimik na lang para hindi madagdagan ang oras ng pananatili ko dun.

Tumigil kami sa tapat ng isang metal na pintuan. Mula sa kinatatayuan ko, naririnig ko na ang malakas na ingay na nanggagaling sa loob. Mukhang barumbado nga talaga ang mga tao dun.

"Nandito na tayo." Sabi ni Prince.

"Buksan mo na ang pinto para makapasol na tayo." Sabi ni Prince sa akin.

Psh. ang tamad niya naman. Katulad ng sinabi niya, binuksan ko ang pinto. Hindi na ako nagulat sa mga nakita ko, halos lahat ng nasa loob ay lalaki. May ilang nagiinom, naninigarilyo, at nagsusulat sa pader.

Hinila ako ni Prince papasok sa loob. Pumwesto kami sa harap, pinaupo niya ako sa tabi ng pader at umupo siya sa tabi ko. Nag simula ng mag tinginan sa akin ang mga lalaki dito. Er... hindi talaga ako sanay na may tumitingin sa akin.

"Hooo! Chicks pare! Mukhang ang sarap!"

"Tangina! Ikama na 'yan!"

"Mukhang matamis dre! Akin na 'yan, ah! Walang aagaw!"

'Yan ang ilang mga sigaw nila na narinig ko. Mga manyak! Kapag ako hindi nakapagpigil sasakalin ko silang lahat! Aish. agad ko ng pinagsisisihan ang pag punta ko dito.

"TIGILAN NIYO ANG PANGBABASTOS SA KANYA KUNDI PUPUGUTAN KO KAYO NG ULO!" Galit na sigaw ni Prince.

Ang mga lalaki dito sa paligid namin ay nagsitigil sa pag sigaw at pag sipol. Umupo sila sa mga upuan dito at nanahimik. Maski ako natakot sa pag sigaw ni Prince. Naku naman, dagdag na naman siya sa mga misteryosng iisipin ko. Bakit kaya siya kinatatakutan dito? At paano niya napasunod agad agad ang mga lalaki dito?

"Huwag mo na lang sila pansinin Snow." Sabi sa akin ni Prince.

Malakas na bumukas ang pinto sa detention room at pumasok ang isang gwapong lalaki. Meron siyang puting buhok, matatalim na mata, at mapulang labi. Ang gwapo niya tingnan at ang puso ko ay parang nagwawala sa loob ng katawan ko. Anong nangyayari sa puso ko.

Napansin ko lang, simula ng pumasok ako sa paaralang 'to, andami ko ng tanong sa sarili ko na alam kong malabo kong masagot.

"Good afternoon my dear students. I am Ace Slater, the highest supreme leader of the student council. I am here to tell you that all of are punish." Halata sa boses niya ang otoridad at kaseryosohan.

Walang ni-isa sa amin ang nag salita. Mukhang lahat kami ay naapektuhan sa kanyang boses. Its amazing how this guy can scare me with his voice. It seems that he is born to be a leader. Hm... he's interesting.

Tiningnan niya ang lahat ng mga estudyante na narito sa loob ng detention room. Ang mga mata niya ay parang agila sa tapang ng titig niya. Nang nadako ang tingin niya sa akin, iba't ibang emosyon ang nakita ko sa mga mata niya, nawala lang ito ng tumikhim si Prince.

"Leader, diba may kasunod pa 'yung sasabihin mo? Pwede bang ipagpatuloy mo na lang 'yun?" Bored na sabi ni Prince.

"Very well then..."

"Lahat kayo, lilinisin niyo ang paaralan na 'to. Sisimulan niyo sa mga comfort rooms ng mga lalaki at babae. May mabalitaan lang akong pambabastos na ginawa niyo sa mgababae dito, lagot kayo sa akin. Isunod niyo ang classrooms at library, ayokong may making sulat sa kahit saang pader dito sa Saville High. Huwag niyo ng linisin ang cafeteria, may isang taong maglilinis dun." Seryosong sabi ni 'Ace'.

"Ikaw, ikaw ang maglilinis sa cafeteria ng isang buwan. Pagkatapos mo sa pinakahuli mong klase kailangan mo ng dumeretsyo sa cafeteria para linisin ito. Sasamahan kita para sa paglilinis mo para masiguro kong maglilinis ka." Seryosong sabi ni 'Ace' sa akin.

Fuck naman! Isang buwan! At cafeteria pa ang lilinisin ko! Ang dami kaya nilang kalat dun. Hindi ko pinangarap maging katulong!

"Mag simula na kayong lahat." Sabi ni 'Ace'.

Ang mga tao dito ay nag simula ng magsitayuan at umalis sa detention room. Psh. masyado silang maamong tupa sa Alas na 'to. Hm! Nakakabwisit pa rin siya! Isang buwan! Grrr! Parang katulong na rin ako niyan eh!

"Prince, may pupuntahan ka pa?" Tanong ko kay Prince.

Nandito pa rin kaming dalawa kasama ang bwisit na Alas na 'yun. Hindi ko alam kung bakit nandito pa siya at naiirita talaga ako!

"Wala naman, bakit?" Tanong niya.

"Hm... mag gala tayo." Pag-aaya ko sa kanya.

"Snow, alam mo bang mahigpit ang 'Leader' namin pag dating sa pag-aaral. At kung gusto mo akong ayain ng ganyang bagay, 'wag sa lugar na kasama natin si 'Leader' maliwanag?" Natatawang sabi ni Prince.

Tiningnan ko si Alas at napansing galit siya. Psh. kainin ka sana ng inis mo!

"So? Anong pakialam ko sa kanya?" Simple kong tanong kay Prince.

Nagulat ako ng makarinig ako ng ilang balibagan ng upuan. Tiningnan ko si Ace at binabalibag niya ang lahat ng upauan na malapit sa kanya. Ang ilang upaun ay nagkawasakwasak na dahil sa lakas ng pagkabato ni Ace. Ano bang nangyayari sa kanya?!

"Fuck, hindi ngayon..." Narinig kong mahinang bulong ni Prince.

"Anong nangyayari sa kanya?" Halos hindi ko na makilala ang boses ko dahil puno ito ng takot...

"Lapitan mo siya... Dalian mo na..." Bulong sa akin ni Prince.

"Ano!? Nababaliw ka ba?! Eh halos nagwawala na siya tapos gusto mo akong lumapit sa kanya?! Gusto mo ba akong mamatay ng maaga?!" Halos pasigaw kong sabi kay Prince.

"He won't hurt you..." Sabi ni Prince.

"Fuck, alright!"

Nag simula akong mag lakad papalapit sa kanya. Mabilis ang tibok ng puso ko dahil sa takot. Fuck naman! Hindi pa ako natakot ng ganito! Si Ace ay patuloy lang sa pagbabato niya sa upuan.

At nagulat nalang ako ng may upuang papunta sa direksyon ko. Natamaan ako sa binti. Dahil sa lakas ng pagbato ni Ace sa upuan, natangay ako nito at napahiga sa sahig. Nakita ko ang pag baon ng kahoy sa binti ko at pag agos ng dugo ko.

"FUCK! ANG SAKIT!"

Saville HighWhere stories live. Discover now