Chapter 3 : The parcel from the dead

30.3K 1K 48
                                    

***

"Ngayon, nakikita po natin ang pag-aresto ng Quezon City Police kay Ms Helena Angeles, ang nag-iisang suspect sa biglaang pagpanaw ng kilalang Astrologer at Clairvoyant na si Ms Amanda dela Cruz. Natagpuan ang fingerprints ni Angeles sa katawan ng biktima at sa ilang mga personal na gamit nito. Si Ms dela Cruz ay natagpuang patay kahapon sa kanyang sariling tahanan sa Panaraque na walang anumang sintomas ng karamdaman o pisikal na pag-atake, bagamat nagkalat ang dugo sa paligid ng katawan nito. Tanging ang footage na ito mula sa CCTV ng tahanan ni Ms dela Cruz ang naiwang alaala ng huling aktibidad ng Astrologer sa kanyang huling araw."

Nakapako ang mata ni Helena sa flash report sa telebisyon kung saan pinanonood niya ang isa pang sarili na inaresto. Hindi niya alam kung paanong nadamay sa kaso ng manghuhula. Hindi sila magkakilala nito at ang tanging panahon na nagkita sila ay eight years ago, sa isang pagtitipon na isinaayos ni Lolo Leo, ang lolo ni West. Even then, introductions lang ang naganap sa pagitan nila. She's young then and Amanda is just starting to get famous for her accurate predictions.

Natuon ang atensyon niya sa ipinapakitang footage ng CCTV. Sa anggulo nito, sigurado siyang ang camera ay naka-install sa outer fence ng bahay ng Astrologer. Nakikita ang main door entrance ng bahay at ang malaking hardin at porch sa tagiliran.

Sa oras na nasa footage, 7:50 ng pumasok ng bahay si Amanda. At 9:10, lumabas mula sa main door si Helena.

"Kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya ang mga posibleng anggulo at motibo ng krimen. Unang-una sa imbestigasyon nito ang misteryo kung kailan pumasok ng bahay ng biktima ang suspect."

Commercial. Sumandal si Helena sa sofa.

"You've talked to her," sabi niya kay West.

"Yes, I did. She seems aware of everything. Nagpadala ako ng lawyer para sa kanya. The latest call said that she cannot be held in prison for too long dahil wala namang actual evidence na siya ang pumatay kay Ms. Amanda. They just interrogated her."

"But she chose to be imprisoned," aniya.

Napatingin sa kanya si West. A questioning look.

Napahawak siya sa ulo, "I just... know. So... she chose to be imprisoned, right?"

Tumango ito.

"Yes. She said she will be better off in prison and chose to stay."

Natahimik naman siya. After resting for a day and upon knowing that Hermes and Auntie Lita are safe (West told her upon waking up that they were evacuated in a safehouse), she seemed to automatically know what the other 'her' is doing.

Nakarinig sila ng mga yabag. Bumuntong-hininga siya. Every footsteps - no matter how carefully executed - echoed in that ridiculously large living room.

"I was asked to bring this."

Napangiti siya nang makalapit ang nagsalita. Si Ninong Ben. Brigade General ng PNP at mapagkakatiwalaan nilang Inspector. Ito ang tinawagan ni West upang imbestigahan ang rest house na nagisingan niya. He is a Re-mapper—an ability popularly known as retrocognition. May kakayahan itong makita ng eksakto ang mga bagay na naganap na at mainspeksyon ang buong senaryo hanggang sa pinakamaliliit na detalye.

He's holding a box the size of a big shoe-box with one hand.

"It came in my house this morning. I was told to secure and give it to you," anito pa.

Tumayo siya at yumakap dito. Eight years made him old... and bulky.

Matapos makipagkamay ni West dito ay naupo ito sa katabing sofa. Maagap na nakapaghain ng kape at muffins si Maria, ang kasambahay na naroon. Kasabay ng paglapag ng umuusok na kape ang paglalapag din ni Ninong Ben ng box sa center table. Agad niyang nabasa ang nakasulat:

The Drifter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon