Chapter 12 : The body that cannot be Killed

11.1K 543 18
                                    

***

Nagkamalay si Gian sa kumakapal na usok na dala ng nasusunog na bahay. May apoy na gumagapang sa tablang hagdanan kung saan siya naiwang nakahiga kanina. He's choking, in fire smoke and the restrictions of the blade stuck deeply into his chest.

Mabilis na hinanap ng mata niya si West. Wala na ito sa basement. Ang tanging bakas na naiwan nang naabutan niyang paglalaban ng selestyal na katawan ni Helena at ni West ay ang mga pulbos ng lupa na nagkalat sa sahig.

He saw a trail of blood leading outside the basement.

Sigurado siyang nagtungo si West sa second floor kung nasaan si Helena.

Sapilitan siyang tumayo. Dinampot ang crossbow niya na nasa paanan ng hagdan at isinukbit sa likod. Habang sapo ang sugatang dibdib ay naglakad siya palabas doon.

Balot ng puting usok ang unang palapag ng bahay na nagsisimula na ring masunog. He can smell flesh burning. Dumeritso siya at sinikap magmadali paakyat ng hagdan ng ikalawang palapag.

Pagdungaw pa lang niya sa second floor ay nakita na niya si West na nakadapa at walang malay. Malapit nang dumila ang apoy dito na nagmumula sa bukas na pinto ng nasusunog na silid.

Nang makalapit ay napaubo siya sa usok at apoy. Inilapat niya ang daliri sa pulso sa leeg nito. Tumitibok pa.

From the traces of blood on the floor, he knew that West was already in a critical condition. At wala sa paligid si Helena.

Gumiti ang pawis sa noo niya.

Did they fail? Is it over? Nawalan lang ba ng halaga ang sakripisyo ni Amanda para pigilan ang nilalang na kukuha sa katawan ni Helena at magbubukas ng portal na daanan ng mga isinumpang dimensyon? Nabigo ba silang pigilan ang pagsisimula ng pagkawasak ng mortal na mundo laban sa mga hindi nakikitang mundo?

Pinanghihinaan na siya ng loob ng mapako ang mga mata niya sa loob ng silid.

Sa gitna ng apoy na lumalamon dito, sa gitna ng mga basag na salamin at nakikipaglabang dilim, bakit nakikita niyang buo pa rin ang pigura ni Amanda?

Bumilis ang tibok ng puso niya.

The ritual is not yet over!

Sumugod siya sa gitna ng apoy.

***

Sa labas ng bahay, kung saan nakaparada ang sedan ni West at ang pick-up ni Gian, natigilan si Alena sa paglakad. Kunot ang noong nilingon niya ang nasusunog na bahay ni Samuel.

"The intruder is still alive and messing with our ritual, Samuel," madiing sabi niya sa katabi.

"Should I let the house explode now?"

Tumingala siya sa kabilugan ng maliwanag na buwan. Ala una pa lamang ng madaling araw. Only a few minutes has passed since Helena got sucked in by the portal to cross time. It is too soon to offer everything to the fire.

"We still need a little more time. We understimated that Gian. He annoyingly survived," aniya.

"But his life force vanished hours ago," sabi ni Samuel.

"He merely fainted. We should have made sure that he's dead."

Kuyom ang kamao niya habang nakatingin sa nagliliyab na bahay.

They cannot fail now. It took them months of preparation before pushing with the plan. She endured a lot for a long time for this day. She waited for a long time just to be alive again.

Hindi siya papayag na isabotahe lang ito ng kung sino! Especially by a low-class clairvoyant's assistant!

Itinaas niya ang kanang kamay at itinapat sa ikalawang palapag. She recited a short prayer. Tinawag ang elemento ng apoy upang silaban ang buong bahay. The fire has to eat everything of Amanda. Ito ang sakripisyong alay sa lahat ng portal na binuksan nila. Ang pagbawi sa katawan nito mula sa ritwal ay ikasisira ng plano nila.

The Drifter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon