Prologue

35.4K 821 95
                                    

"You are the cure to my obscenity... you showed the wonder of love and infinity."

Dangerous Man Series - The Insolent Hunk

Prologue

"Akin na nga 'yan!" sabi ko habang inaabot ko ang aking laruang kotse sa lalaking nang-aasar sa akin.

"Ayaw. Di bagay sa'yo ang kotse kasi bakla ka!" pang-iinsulto nito sa akin.

"At bakit? Lalaki pa rin ako. Pati bakit mo pakikialaman ang gusto ko ha?" matapang na tanong ko sa kanya.

"Dapat ang gusto mo yung mga manyika! Hindi kotse. Bakla, bakla! sabi niya pa.

Inaabot ko pa habang lumulundag na inaabot ang kotse ko. Matangkad siya. Ang hirap maging maliit. Kapag talaga ako lumaki, nako sinasabi ko talaga babawian ko din silang mga nang-aaway sa'kin.

"Akin na kasi yan! Bakit ba gusto mo yan ha? Mayroon ka ng de remote na kotse oh. Ayan tulak-tulak lang!" inis kong sabi sa kanya.

"Hindi ito de-tulak lang. Saan mo ito nakita? Bakit ka mayroon nito? Akala ko ba nagkakariton lang kayo ng pamilya mo?" pang-iinsulto nito.

"Grabe ka ha? Oo nagkakariton lang kami. Pero mabuti kaming tao, hindi tulad mo nang-aaway! Wala naman akong ginagawa sa'yo!" sabi ko dito.

Hindi siya nakapagsalita sa tapang na ipinakita ko. Sabi kasi ng Inay at Itay, kahit na mahirap kami, kung mayaman kami sa pagmamahal sa kapwa. Mas okay na daw yung ipaglaban ang tama kaysa lumaban ng wala sa tama. Kung hindi ako tinuruan ng Inay at Itay, ay nako... sinabunutan ko na 'tong lalaking nasa harapan ko.

"Wala akong pakialam. Siguro nakaw mo 'to noh? Umamin ka? Ang mahal ng ganitong laruan kaya imposibleng magkaroon ang mahirap na tulad mo!" isa pang panlalait na sabi niya.

Nasaktan na ko sa sinabi niya. Kaya sumimangot ako at buong lakas ko siyang itinulak. Kahit malaki siya kaysa sa akin ay nagawa kong mapatumba siya. Nabitawan niya yung kotse ko. Nagulat siya sa inasta ko sa kanya.

"Hindi ko ninakaw yan! Grabi ka talaga! Ikaw nga 'tong mas masama sa akin! Nang-aaway na ka tapos nangunguha ka pa ng laruan! At para sabihin ko sa'yo, hindi nakaw yan! Galing yan sa junkshop namin! Kaya wag kang manghusga! Ikaw nga 'tong kung saan na sumulpot eh! Hindi kita kilala. Hindi mo ko kilala kaya wala kang karapatang sabihin ang mga bagay na yan! Ang sakit mong magsalita! Akala mo kung sino ka! Sige sa'yo na yang kotse ko! Mukhang gusto mo yan eh. Napatol ka sa mahina kaysa sa'yo! Pero dahil hindi ako ganun kahina, ayan natumba ka! Tapang mo rin eh. Malaki ka lang!" sabi ko saka tumalikod. Nagmartsa akong padabog na lumayo sa kanya. Nakakainis lang kasi. Akala mo kung sino. Bakit ba kasi may mga ganoong tao?

Porque bihis mayaman tapos malinis pwede na nilang laitin ang tulad kong mahirap! Sa damit ba talaga nakikita ang ugali ng tao? Dahil ba madumi lang itong suot ko at hindi presentable, masama na ugali?

Kung hindi lang talaga ako tinuruan ng mga magulang ko ng good morals at right conduct, baka hindi lang pagtulak ang mangyayari sa kanya! Kung pwede lang talaga kakalbuhin ko siya ng pino!

Pumunta na lamang ako sa pinagtatambayan ko malapit sa ilog. Maganda kasi ang tanawin dito. Nakakawala ng mga isipin. Pwedeng magpalamig ng ulo. Preskoat malamig ang simoy ng hangin.

Palagi na lang akong binubully! Una dahil bakla ako at pangalawa, dahil nagja-junkshop lang kami. Tinutukso nila ko lagi, lalo na mga kalaro ko. Pero may ilan naman din akong kalaro na naging kaibigan ko talaga.

Iniisip ko kung bakit kaya hindi kami naging mayaman? Para hindi ako nagkakaganito. Ayoko kasing nakakarinig ng masasakit na salita na hindi masyadong pinag-iisipan at lalo na kung hindi naman nila kilala yung tao.

The Insolent Hunk (Dangerous Man Series) (BoyxBoy)Where stories live. Discover now