Chapter 2

14.7K 612 39
                                    

[ Keith's POV ]

May kalakihan din ang kinita namin ngayong umaga at nakakain kami ng ayos ng kapatid ko pero hindi pwedeng makuntento lang ako sa kinita namin dahil kung tutuusin ay hanggang bukas lang ang perang iyo para sa aming dalawa. Kailangan ko na extra income para sa aming dalawa.

Oo may pagkapayat ako pero tamang payat lang at may 5" feet ang taas. Ang liit ko nga kung tutuusin sa lalaking tulad ko na dapat nung nagbinata ay lumapad ang balikat at naglalim ang boses.

Ngunit dahil bakla ako, hindi ko na nireklamo, ganda lang sa beauty ko! Ang hubog ng katawan ko ay katamtaman naman. Lagi nilang inaakalang babae ako dahil sa liit ko at sa liit ng mukha ko. Medyo may magulo akong style ng buhok pero bagsak ito at malambot naman. Isama pa daw ang kulay singkamas kong kutis.

Dapat nga daw maitim ako dahil sa ngangalakal kami. Pero siyempre dahil sa naging karamdaman ni Inay noon sa balat na naging skin cancer na mula sa init ng araw noong 5 years old pa lamang ako ay nilagyan niya na ang kariton ng isang malaking payong kaya protektado ako sa araw.

Katamtaman ang laki ng mata ko at makikitang hazel brown ang kulay nito lalo na sa liwanag. Maganda daw dahil sa tikwas na mga pilik mata na kala mong gumamit ng curler pero ito ay natural. Tama lang din ang tangos ng aking ilong at maninipis kong pulang mga labi. Kung manamit naman ako ay typical na laging sando or t-shirts na ipapares sa shorts. Mapajersey man o maong.

"Beshy!" nakakarinding boses na biglang narinig at nataranta dahil natutulog ang aking kapatid. Pinagsiesta ko kasi ito pagtapos kumain at heto ako naglilinis ng bahay. Isa lang naman ang natawag sa akin ng Beshy. Ang bestfriend ko noong elementary pa, si Ariola. Nakita ko na lamang siya sa tapat ng pinto at parang nakaporma ito.

"Wag ka ngang maingay d'yan tulog si Kristan oh!" suway ko. Mabuti na lang at hindi nagising. Agad naman siyang humingi ng tawad.

"Napadalaw ka at bakit parang bihis na bihis ka ngayon?" tanong ko dito ng tuluyan siyang pumasok. Pagbestfriend mo di mo na dapat yayaing pumasok. Kusa yang papasok.

"Infairness, beshy ang sipag ha. May pagkain kayo d'yan?" tanong niya na dinedma lamang ang tanong ko.

"Mayron jan, tutong at sardinas. Para talaga sa'yo." sarkastikong pagkakasabi ko.

"Napakabait mo beshy. Pero minsan parang sarap mo ring kainin ng buhay! Kaya love na love kita eh." sabi nito ng masigla at nagpungay pungay ang mata. At pumunta sa lamesa at kumuha ng plato.

"Duh! Alam kong masarap ako pero hindi katulad mo ang kakain sa akin. I prefer boys you know." sabi ko dito at umirap.

"Very malandi ka diyan friend! Sarap dukutin ng mata mo. Artihan mo pa mga bente!" at tumawa ito. Ganito kami magbatian parang timang lang.

"Hindi naman. Slight lang. Alam mo namang si Tope pa rin ang nasa suso este puso ko."

"Ay, oh... naglulumandi! Hindi mo ba ko namiss? Isang buwan din tayong di nagkita beshy."

"Kailangan pa ba nating magdrama? Siyempre naman, namiss kita." Lumapit ako at umupo sa tabi niya sa may mesa.

"Ano nga kasi dahilan at napadalaw ka?"

"Eh kasi bukod sa namiss kita may maganda akong balita sa'yo!" masiglang sabi nito.

"Ano naman yun?"

"Eh di ba? Gumawa tayo ng resumé last month. Pinasa ko iyon sa mga food chain. At dahil meron akon copy ng resumé mo, ipinasa ko na rin!" nakangiting sabi nito.

"Oh?? Talaga? Thank you... pero may resulta na ba?"

"Yup. Kaya ako nandito ngayon ay pupunta na ako doon. Ipinasok tayo ng isa kong pinsan sa Mcdo. Sabi niya pumunta daw tayo pero hindi nga lang tayo magkakasabay. Marami daw ang nag-apply eh. Kaya nahati sa two batch ang interview at mag-eexam. Ako napasama ngayon sa unang batch at ikaw bukas para sa 2nd batch." pahayag nito sa akin

The Insolent Hunk (Dangerous Man Series) (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon