Chapter 3

12.5K 556 24
                                    

[ Keith's POV ]

Nakapulang long sleeve na damit at puting hapit na pantalon ang lalaking bumaba mula sa kotseng nakabangga namin. Para siyang Amerikano sa puti. Blonde di rin ang kanyang may pagkamahabang buhok. Tuwid ito at nakaslicked back hair style. May mga abong kulay na mata at may mahahabang tuwid na pilik mata at mahahalata iyon dahil sa iilan pero naeemphasize ang mga ito. Ang ilong niya ay tila perpektong ilong na nakita ko. Ang kanyang mga labi ay malamakopa sa pula at kahit may pagkamakapal ay bumagay sa kanya dahil na rin sa kurba nito. Napakakinis ng mukha. Talagang kutis mayaman. Ang tindig niya ay matangkad na parang basketball player at ang hubog ng katawan ay tama lamang. Siya na ata pinaka gwapo sa mga lalaking nakita kong nabiyayaan ng kagwapuha bukod kay Tope.

"Do you owned this fucking cart?" sigaw ng lalaking nasa har na namin ngayon. May galit sa kanyang tono at mukhang sa nangyari ay hindi siya mapapakalma.

Wala kaming maisagot kundi ang tango lamang habang nakatitig dito. Nakayakap ngayon sa akin si Kristan at natatakot na rin sa sinabi ng lalaking nasa harapan namin.

"Look what you have done? Binunggo niyo yung kotse ko! Nasira yung headlight! Did you know how much it costs?" sabi pa niya at itinuro ang kanyang kotse na ngayon ay nakatigil at may bakas ng aming kariton.

"Pa-pasensya na. Hi-hindi namin si-sinasadya." nauutal kong tugon sa kanya.

"Pasensya? Hindi maaayos ng pasensya niyo yang kotse ko! Tsk." sagot naman nito at sinuri ang kanyang kotse.

"Hi-hindi namin talaga alam. A-ano ba magagawa namin para hindi ko na kami masumbong sa mga pulis?" tanong ko dito at lumingon siya. Ngumisi ito na parang naasar.

"Magagawa? Mahirap kayo hindii ba? Look at you and that little kid! Sa tingin mo kaya niyong ipagawa ang damage na ginawa niyo? Kahit may maganda ka pang trabaho hindi mo kayang ipaayos to! Naiintindihan mo?" pangmamaliit na sabi nito na akin namang dinamdam.

Grabe naman talaga magsalita nagsorry na nga eh. Ganito ba talaga ang mayayaman? Kung ganito pala ang maging mayaman, parang ayoko na lang maranasan iyon.

"Boss anong mayroon dito? " boses ng isang lalaki at napatingin kami. Isang pulis pala.

"Binunggo nila yung kotse ko! And look! Malaking damage ang nangyari." pagsusumbong ng lalaki.

"Oh. Wait lang boss. Baka pwede naman pagpasensyahan ang mga bata. Baka hindi sinasadya at aksidente lamang ang nangyari." sabi ng pulis.

"Oo nga po. Hindk namin sadya. Kasi may humahabol sa amin eh. Hindi namin nakita na paparating ka Kuyang mayabang este, mayaman.." sabad ni Kristan sa usapan. tinakpan ko agad ang kanyang bibig.

"Anong sabi mo bata?" galit na tanong ng lalaki.

"Ano ba Kris? Wag ka ng magsalita okay." suway ko

"Iyon naman pala eh. Baka pwedeng pagbigyan boss. Kahit naman na anong gawin niyo mukhang wala din namang mangyayari eh. Nagkakariton lang sila oh." sagot ng pulis at tinuro ang aming kariton na may sira na rin dahil sa pagkakabangga.

"Are you telling me it's my fault?" galit na sabi ng lalaki. Medyo napapitlag ang officer bago nakapagsalita.

"Boss, sa presinto na lamang natin ito pag-usapan." mahinahong pakiusap ng pulis.

"Pwede rin. Para maipakulong na rin yang dalawang bata na yan! Dapat kasi hindi pumapagala yang mga batang pulubi dito!" naiiritang sabi nito

Napanting naman ang tenga ko sa sinabi niya. Sumosobra na siya. Nasasaktan na ko sa sinasabi niya. Masyado siyang makapagsalita ng masama

The Insolent Hunk (Dangerous Man Series) (BoyxBoy)Where stories live. Discover now