Chapter 5

13.4K 558 63
                                    

[ Keith's POV ]

Nang maihanda ang pagkain sa mesa, literal na kumulo ang tiyan ko. Ang sasarap kasi. May manok na ulam at may baboy din. Hindi ko alam ang luto pero amoy pa lamang ay alam kong masarap na. Maging ang kapatid ko ay natatakam. Hello.. mahirap lamang kami at sa labinwalong taon kong nabubuhay, ngayon pa lamang ako makakatikim ng pagkain mayaman maliban sa Jollibee. Basta para sa akin kapag may Jollibee kaming pagkain, feeling mayaman na. Kahit t'wing pasko at bagong taon lang yun.

May nakahain ding kanin, juice, at may dessert pa. Bongga talaga. Nakakatakam. Nakakagutom.

"Pwede na bang kumain?" tanong ni Kristan.

Tumingin ako kay Wayne. Hindi ko rin kasi alam kung pwede na. Tumingin naman sa akin si Wayne. Pero nag-iwas ako ng tingin. Dahil miski ako ay gusto na ring kumain.

"Let's pray first." sabi ni Wayne.

Agad kaming nagsign of cross ni Kris. Si Wayne ang nagsimula ng pagdadasal. Sinabi ko na lamang na "Thank you Lord."

Narinig kong nagpasalamat si Wayne dahil sa pagkain at mga blessings na dumating sa buhay niya.

"Amen." sabay naming sabing tatlo.

"Go, let's eat." sabi ni Wayne. Ang go signal na hinihintay namin ni Kristan.

Hinainan ko ng pagkain si Kristan at nagsimula siyang kumain. Naglagay na rin ako sa aking plato at nagkamay na kumain. Kumuha ako ng fried chicken tapos nagsalok ng sabaw ng hindi ko alam kung anong luto pero mabango, tapos sinimulang kumain. Ganun din ang inilagay ko sa plato ni Kris.

"Why do you use your hands? Mayroon namang spoon at fork ah." pagsita sa akin ni Wayne.

"Hindi kasi ako sanay Sir. Pati masarap kumain kapag nakakamay. Try mo, Sir."

"No! I mean, hindi ako marunong at ayoko." sabi niya pa.

"Eh ayoko rin magkutsara't tinidor, Sir. Hayaan niyo na ko." pilit na ngiti kong tugon sa kanya

"Hindi ako sanay na makakita ng ganyan."

"Eh di wag ka sumabay kumain sa amin.."

"What?" napalakas ang tanong niya.

"Kidding lang Sir. Sabi ko mas masaya pagsabay-sabay magkamay. Try mo, Sir."

"Oo nga Kuyang gurang. Masarap magkamay lalo na at masharap ulam. Fried chicken. Oh. Sharap luto ahh. Taposh may baboy pa. sharap." sabad ni Kris na patuloy sa pagkain at kitang sarap na sarap ito. Nilantakan ang manok na hawak niya. May palundag-lundag na slight sa upuan.

"Turuan mo nga yang kapatid mo gumalang sa akin! Hindi ako Gurang! Kung hindi lang talaga bata yan, tiyak na nalintikan na yan sa akin."

"Wag mo na patulan, Sir. Kayo talaga oh. Magkakasundo rin kayo one day."

"Hindi!" sabay na sigaw nilang dalawa.

"Very wrong talaga! Edi wag."

"Pero subukan mong magkamay, Sir. Tignan mo oh, hindi nagagalaw yung pagkain. Sayang yan."

Napailing na lamang siya sa tinuran ko. Nagsimula siyang kumain at naging tahimik ang pagkain namin ng hapunan. Ang sarap talaga ng luto. Talagang naparami ang kain ko at ng kapatid ko. Halos mangalahati ang ulam at naubos namin ang kanin sa malaking bowl. Napansin kong nagulat si Wayne dahil alam namin, konti lang ang kinain niya.

"Well, kita ang ebidensya na talagang gutom kayo."ani ni Wayne.

"Busog na kami. Salamat sa pagkain." sagot ko naman ng nakasandal sa upuan at himas himas ang tiyan. Maging si Kristan ay ganun din.

The Insolent Hunk (Dangerous Man Series) (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon