Kabanata I

3.3K 88 15
                                    

     

Namulat ako sa mundo na puno ng lungkot at pighati. Lungkot na nagdudulot ng labis na sakit sa aking puso. Minsan, naisip ko tuloy kung bakit pa ako isinilang sa mundong ito kung sakit lang ang mararanasan ko. Bakit kailangan pang maranasan ang mga pighati at pagluha.
Kung bakit kailangan pang masaktan ng isang tao para maisip nito ang mali at maging matatag ito.

Ako si Lanie, labing-anim na taong gulang at simpleng babae lamang na naghahangad ng masayang buhay. Ako'y naninirahan dito sa lungsod ng Pilar. Lugar na kung saan ay kinalakihan ko at naging saksi sa mga kalungkutan na naranasan ko. Sisimulan ko ang aking kwento noong labin-dalawang taon gulang pa lamang ako.

Habang ako'y papauwi sa aming bahay ay tanaw na tanaw ko ang aking mga magulang na nag-aaway. Sinimulan kung tumakbo papunta sa loob ng bahay para pigilan sila.

"Ma, Pa, tama na po. Madadaan naman ito sa mabuting usapan 'di ba?" tanong ko sa aking mga magulang at nagsimula ng pumatak ang aking mga luha.

Sinubukan kung pigilan ang pag-iyak ngunit hindi ko talaga kaya na itago ang aking  nararamdaman.

"Lanie, papaanong madadaan sa mabuting usapan? Lasing naman itong Papa mo!'' galit na sabi ni Mama sabay hampas sa balikat ni Papa.

"Ma, tama na po!" pagpipigil ko ulit.

"Magsama kayong dalawa puro kayo mga walang kwenta. Mabuti pa doon sa mga kaibigan ko palagi nila akong pinapasaya," saad ni Papa sabay alis sa harapan namin at agad na itong lumabas.

"Sige, lumayas ka at magpakasawa ka doon!" sigaw ni Mama at agad isinara ang pinto.

Hindi ko talaga maisip kung bakit humantong kami sa ganitong sitwasyon. Sitwasyon na sobrang gulo na tila ba'y wala ng katapusan.

Malaking Pagkakamali (Completed)Where stories live. Discover now