Kabanata V

1.8K 68 10
                                    

         Dedicated to: nininwrites

Hanggang sa dumating ang oras na nalaman ng aking ina na hindi na ako pumapasok sa paaralan.

Nakita niya lahat nang marka ko na puro bagsak at kulay pula.

"Ano 'to ha, ano bang nangyari sa'yo?" galit na sabi ni Mama sa'kin sabay pakita ng card.

"Balita ko'y hindi kana pumapasok" dagdag na saad nito.

"Ang galing niyo rin 'noh,mabuti at may oras kang tanungin 'yan.Subukan mo kayang tanungin iyang sarili mo tiyak malalaman mo ang kasagutan." sabi ko sabay talikod para umalis ngunit hinatak  ni Mama ang balikat ko at agad akong sinampal.

"Walang modo,bastos...'yan ba napala mo sa mga kaibigan mo?" tanong nito.

"Huwag mong idadamay ang mga kaibigan ko dito dahil wala kang alam.Wala kang alam dahil ni minsan wala kayong pakialam sa akin" saad ko na sabay pagpatak ng aking mga luha pero agad ko naman itong pinunasan.

Gusto kung ipakita sa kanya na hindi ako nasasaktan at hindi nagpapa-apekto sa problema.

Malaking Pagkakamali (Completed)Where stories live. Discover now