Kabanata IX

1.8K 61 10
                                    

Dedicated to: Red_veil

Pinilit niya akong gawin ang gusto niya pero hindi ako pumayag.

Alam kung napakalaking kasalanan iyon at kung gawin ko man iyon ay para ko na ring tinutulak ang kaluluwa ko papunta sa impyerno.

Naranasan ko ang panlulupit niya sa tuwing hindi ako papayag sa gusto niya.
Bugbog ang natamo ko sa tuwing hindi ko siya bibigyan sa nais niya.

Nagdesisyon akong layuan si Daniel at umuwi nalang sa bahay namin.

Tanaw na tanaw ko ang bahay namin na sa malayo.Humugot ako nang lakas at bumuntong-hinga bago katokin ang pinto.

Kinatok ko ito hinanda ang aking sarili sa anumang haharapin ko.

Bumungad sa akin ang gulat na mukha ni Mama at lungkot.

"Anak,saan ka ba galing?" saad nito na nag-alala at nagsimula itong umiyak.

"Ma,patawarin niyo po ako sa lahat nang ginawa kung kasalanan sa inyo" paghingi ko ng tawad sa aking ina.

"Patawarin mo rin ako anak dahil sa akin kaya ka umalis" sabi ni Mama sabay alis sa pagkayakap.

"Kasalanan ko ang pag-alis ko Ma dahil hindi ko inisip ang dulot nito" sabi ko at nagsimula nang umiyak.

"Patawad,anak sa lahat ng pagkukulang ko sa'yo" sabi nito.

"Okay lang Ma, kasalanan ko rin naman eh dahil hindi ko inintindi ang sitwasyon niyo na para naman sa ikabubuti namin"saad ko sabay punas sa aking luha.

"Ma,pinagsisihan ko na lahat ng maling desisyon na ginawa ko.Maling desisyon na naghatid sa akin bilang isang batang ina, sana mapatawad niyo ako" iyak na sabi ko at akmang luluhod sana ako pero pinigilan ako ni Mama.

"Anak, naiintindihan kita.Walang magulang na gustong mawalay sa kanyang anak.Kahit ikaw ngayon ay nagdadalang-tao,naiintindihan kita.Naligaw ka lang sa maling landas at sana huwag mong idadamay dito ang magiging anak mo.Palakihin mo siyang mabuti" sabi ni Mama at pangaral nito sa akin.

"Salamat Ma, kahit nagkamali ako ay pinatawad niyo parin ako" sabi ko habang patuloy sa pag-iyak.

"Ang Diyos nga nakapagpatawad ako pa kaya na tao lang.Di bale anak,palalakihin natin 'yang apo ko nang mabuti." sabi ni Mama.

Nagyakapan kami nang aking ina.Agad kaming pumunta sa mesa at kumain sa inihanda ni Mama.

Malaking Pagkakamali (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin