Kabanata IV

1.9K 70 14
                                    

      Dedicated to: syden_lee

Nagising nalang ako at nagulat sa aking nakita.Wala na akong damit na nakabalot sa aking katawan at ang mas ikinagulat ko ay katabi ko si Daniel sa kama na mahimbing ang tulog nito.

Agad akong nagbihis at hindi pa rin makapaniwala sa nangyari sa amin ni Daniel. Naglakad na ako pauwi sa amin para magbihis. Pumasok ako sa bahay at nadatnan ko si Mama na nakaupo sa sala.

Hindi ko siya pinansin dahil pagod pa ako at medyo masakit pa ang ulo ko sa ininum kung alak.

"Saan ka galing at bakit ngayon ka lang?" tanong nito sa akin.

Hindi ito sinagot at mabuti pang pumunta nalang sa kwarto ko. Bumaba ako at nadatnan pa rin ang magaling kung ina na nakaupo sa sala.

"Kailangan ko ng pera. May proyekto kami sa paaralan, " walang ganang sabi ko sabay lahad ng aking kamay.

Wala naman itong reaksiyon at binigyan ako nang limang daan.

"Limang daan?E, kulang na kulang 'to!" galit na sabi ko habang nakataas ang kilay.
Kanina pa ako nagtitimpi sa galit ko baka siya ang mabuntungan ng galit ko.

"Ba't ang mahal naman?" tanong nito.

"Ano ba'ng pakialam mo? Ang atupagin mo ay 'yang trabaho mo!" galit na sagot ko.
Dinagdagan naman niya ako ng tatlong daan.

Lumisan ako sa bahay at tinungo ang lugar kung saan naroon ang barkada ko. Sa barkada ko lang naranasan ang maging masaya at nalilimutan ang lahat ng aking problema.

Pag-inom ng alak, pagyoyosi at paggamit ng droga. Lahat ng 'yan ay naranasan ko para makalimutan ang aking problema.

Malaking Pagkakamali (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon